22.

23 7 0
                                    

'Yung lumalaban kayong parehas, 'yun 'yung pagmamahal."

-

Pumasok na ako sa truck ni Theo at hinalikan siya. "Aloha, do I look so stressed?"

He smiles. "Aloha, too, beautiful. Stress is not in your face."

I pouted. "Thanks, I need that. Like two hours lang ang tulog ko. Para akong bumalik sa pagt-thesis."

Nagsimula na siyang magmaneho. "Bakit ba masyado mong kinakawawa sarili mo? Diba nga health is wealth?"

I nodded. "Yeah, I know. But I also have to work under pressure. Bayaran na ng nurse ni Papa tapos tuition ni KC," nakangiti kong tugon.

Hinawakan niya ang kaliwang kamay ko gamit ang bakante niyang kamay. "Ako muna babayad? Pwede?"

Umiling ako. "You know I won't let you. My obligation is my obligation."

"Sige na, please. Or even half. Do consider, ayokong masyado kang napapagod. We're on this together."

"Theo, that's sweet but no. It would always be a no. Plus, wala ka pang trabaho. Why don't you use your time applying to companies? I'm sure maraming tatanggap agad sa'yo."

"Ayoko muna ng obligation at stress for work, love. Chill muna ako habang nagse-sketch."

I bit my lower lip. "What about that? Ayaw mo talagang i-submit or what?"

Umiling siya. "My treasures are secrets nga, dude."

Tumango ako at tumingin sa labas ng bintana. "Okay, but consider applying for jobs kapag may sobra kang oras."

"Roger that."

Hinalikan niya ako sa noo pagkatigil ng sasakyan.

"Anong oras ka mamaya? 5? 6?"

Umiling ako at ngumiti. "No. Siguro 9 or 10, OT ako."

Kumunot noo niya. "Why? OT ka na for a week."

"May inaaral ako for a content."

"Kate naman, now you're stressed."

I faked a laugh. "Ano ba talaga? Anyway I have to go."

"Kate, if this is about finances-"

Umiling agad ako. "Hindi lang 'yun, dude. May hinahabol rin akong promotion."

Tumahimik na siya. He knows he would be defeated. I am this kind of person, alam niya. May hinahabol akong future.

"Aloha, love." Ngumiti ako at umalis na.

Nakasabay ko sa elevator si Chris, katrabaho ko at katabi ng lamesa. He has two cups of coffee in his hands. Hindi ko alam kung anong trip niya pero laging dalawang kape ang binibili niya.

Mula naman 'nung nagsimula akong mag-overtime, binibigay niya na sa'kin ang isa. On a regular basis, halos tatlong beses sa isang araw, may libreng coffee ako galing kay Chris.

"Oh, hi." Ngumiti siya at inabot sa'kin ang isang kape. "Knew na darating ka na and wala akong breakfast, so sumaglit ako sa baba para bumili nito."

I laughed. "Thanks, Chris."

"You're welcome, Kate." He chuckles.

"Nagbreakfast ka na ba?"

"Actually, not yet. Pagkarating ko kanina, may piles of paper sa desk ko. Unfortunately, marami akong ipo-proofread bago ang lunch."

I laughed. "Oh my god. Meron akong pancake sa bag, sa'yo na lang. So may makakain ka habang nagtatrabaho."

"Okay, hindi ako tatanggi when it's from Kate Garieggo."

Sabay kaming lumabas ng elevator. Pagkarating namin sa kanya-kanyang desks ay inilabas at binigay ko na sa kanya ang pancake na nasa tupperware.

"Thanks, libre kitang lunch mamaya."

"Naku, hindi na. Bigay lang din naman sa'kin 'yan ni Theo, pero busog pa ako. And I know your stomach's in need," biro ko.

"I insist."

Tumawa ako at umupo na sa desk ko. "I insist, too. Ayoko ng libreng lunch." Binuksan ko na ang desktop at nagsimula nang magtrabaho.

I opened Theo's new message. Diretso akong ngumiti.

It says love, wag ka masyadong magpagod please. ito na, naghahanap na akong trabaho :-)) bigla mo akong nahawaan ng pagkamasipag. aloha!

Dumungaw si Cris sa'kin. "Boyfriend's message?"

Nakangiti pa rin ako. "Yeah."

"You really love?"

I nodded. "Ah-huh. It's sort of magic. Kahit anong pagsubok, lalagpasan namin."

He smiled and went back to work. "Good luck."

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon