8.

26 7 1
                                    

Paano ko ba lilituhin ang mundo at sarili ko na hindi kita gusto? Ang hirap ng sitwasyon ko.

“Next time, bawi ako,” sabi ko kina Elisa. “Nasi-stressed lang talaga ako ngayon, ang hirap maghanap ng source.”

“Sige, bibigyan ka namin ng alone time ulit. Kaya mo yan, girl,” tugon ni Elisa.

I smile at them. “Yeah, sorry.”

“Una na kami,” Fe said. “Last kape mo na ‘yan.”

I nodded. They closed our room’s door. Napasapo ako sa noo ko at nagpatuloy sa gawain.

Okay, nag slack ako this past weeks. Masyado akong nag enjoy going to parties with my girl friends and Theo. Natambakan ako ng gawain.

I know it’s my mistake, and I must be accountable. Matatapos ko rin ‘to, next, next week ang pasahan kasi exams na rin. I would do fine. Bawal akong bumagsak.

Sinagot ko ang tawag ni Theo. Rinig ko ang ingay sa background, sa tingin ko nasa CR siya or nasa smoking area kaya medyo hindi nakakabingi ang music sa bar.

“Three skips ka na, dude. Okay ka lang?”

“Oo, sorry. Tapusin ko lang talaga ‘to. Bawi ako after exams.”

Hirap ka raw sa sources? You need help?”

Napakamot ako sa ulo. “Hindi, wag na, kaya ko.” Kinagat ko ang labi ko. “Medyo mahirap pero kaya ko,” pag-ulit ko.

Matagal bago siya sumagot. “You sure? I’m willing to help, dude. I could go there now.”

Umiling ako. “Hindi, enjoy ka na lang diyan. Hindi naman kita babahagian ng grades pagkatapos neto. It’s my own project, don’t worry.”

I hear him sigh. “How your mind works,” he said.

I laugh. “Sige na, baba ko na ‘to. You double enjoy there, enjoy for me, too.”

Saglit akong napatulala pagkababa ko ng tawag. Paano kaya kung umamin ako kay Theo? Ano kaya magiging reaksyon nun? Paano niya kaya ako iti-turn down?

Napairap ako sa kawalan. Minsan gusto kong sumugal pero mabuti na lang madalas na namamayani ang kaduwagan ko. Ayokong masaksihan ang pag-turn down ni Theo sa’kin.

Ramdam ko ang pagod straight dalawang linggo. Malapit na akong matapos, halos finishing na lang then presentation report. Binabagabag rin ako ng mga kwento nina Elisa at Fe na lagi na raw sumasama sa kanila si Chloe, particularly kay Theo.

Hindi ko pinapahalatang naaapektuhan ako, magmumukha akong kulelat. Kaswal ko lang na sinasabing kahit ‘nung mga nakaraang linggo ay grabe naman na talaga makadikit si Chloe kay Theo, alam nila ‘yun. Hinuhuli lang nila ako kasi hindi pa rin ako umaamin sa kanila.

Wala silang mapapala. Hindi ko ivo-voice out sa kahit na sino ang nararamdaman ko kay Theo, baka sakaling mawala na lang. Mas okay kung ganun.

“Hindi ka ba nagseselos? Bakuran mo na kaya?” Ani ni Fe.

Inirapan ko sila. “Mga baliw, issue kayo, magkaibigan nga lang kami ng tao.” Nag concentrate ako sa pag-proof read ng article ko.

“Talaga ba? Kumikislap kaya mata mo kapag kasama siya,” sabat ni Elisa.

“Go, assume lang. Wala kayong mapapala,” sagot ko.

“If you like someone, tell him straight. Life is short,” madramang sambit ni Fe habang nag-aayos ng mukha sa salamin.

Nilingon ko siya at saglit na isinara ang laptop. “Masyado kayong obsessed sa idea na gusto ko si Theo, hindi naman. I just like hanging out with him, we’re good friends,” pagsisinungaling ko.

“In denial phase,” Elisa said.

“Ah-huh,” sagot ni Fe.

“Your lips are good at lying but your eyes are not.”

I rolled my eyes. “What-ever-bitch.”

Binuksan ko ang laptop at nagbasa na lang ulit para i-proof read ang gawa ko.

Bwesit kasi mga kaibigan ko.

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon