6.

35 8 1
                                    

Bagong taon, bagong pag-asa. Tanong ng isang baliw pero, pwede bang ako na lang ang tamang tao?

Sumaglit ako sa kwarto namin ng kapatid ko para sagutin ang tawag sa messenger ni Theo. Nasa Hawaii siya at nasa Laguna ako pero halos palagi kaming nagtatawagan. Mas lalo ko tuloy siyang nami-miss.

Ang rupok, Kate. Nakakayamot.

“So, ilang minuto na lang new year na dito!” Bungad ko. “Ano mga handa niyo?”

“Well, my folks will prepare a rice cake for good luck this year and sashimi as usual. And some dishes like pasta, jook and kebab,” sagot niya. “How ‘bout you?”

“Uhm, nagluto sina Mama tsaka mga kamag-anak ko ng mga pasta rin, tapos fried chicken, shanghai, and may lechon rin kami. Tsaka maraming bilog na prutas – for good luck rin.”

“Those taste good for sure. We are now watching fireworks, a lot of fireworks. Nakakabingi na, even if it’s still hours away,” he said, chuckling.

I laugh. “Shit, same. Ayoko ngang lumabas baka maputukan ako. ‘Yung kapatid ko nasa labas, ang tapang, nakikigulo sa mga tito namin.”

“I’m imagining you rolling your eyes now while chuckling,” tumatawa niyang sabi.

Napahalakhak ako at napairap, gaya ng sinabi niya. How could one guy give this kind of effect on me? This is so cruel on my part.

“Kate, labas ka na! Dalawang minuto na lang,” sigaw ni Mama mula sa sala.

Tinakpan ko ang speaker ng phone, bago tumugon kay Mama. “Opo, Ma, saglit.”

“Halika na’t tigilan mo na ‘yang kakatawagan mo sa kung sino man.”

Napairap ako. Tumingin ako sa bintana at nilapat ulit sa tenga ko ang phone. “Sorry, ang traditional kong nanay ay tinatawag na ako. Mamaya na lang ulit?”

“Yeah, okay. Have fun. Hau’oli Makahiki Hou!”

“Ha? Hindi ko gets.”

He laughed. “Yeah, I mean happy new year.”

I rolled my eyes. “Teach me your language next time para ‘di ako parang tanga,” biro ko.

Tumawa ulit siya. Sigurado akong nawawala na naman ang mga mata niya kakatawa. “Okay, I would.”

Masaya akong lumabas ng kwarto. Inusisa pa ng mga pinsan at kamag-anak ko ang lawak raw ng ngiti ko. Wala akong ibinahaging kwento, hindi ko alam kung paano ko ikekwento sa kanila na may gusto ako sa kaibigan ko, tapos imposibleng gusto rin ako.

Una, maraming mas magaganda sa’kin sa Hawaii o kahit man sa Manila at pangalawa, ewan. Parang too good to be true na magustuhan niya rin ako. Kahit sinabihan niya akong maganda ‘nung unang gabing nagkakilala kami, at hindi niya na ulit ako sinabihan pagkatapos. At kahit nagagandahan man talaga siya sa’kin, sinabi niya na rin ngang meron naman talaga siyang mata – pwedeng magandahan at purihin niya ang sinuman, pero hindi niya ito magugustuhan. Masyadong ideal ang takbo ng utak ni Theo, masyadong mahirap abutin.

Kaya ayos na akong kaibigan na lang kami. Hindi magiging desisyon ko ang umamin, ayokong magmukhang tanga at kaawa-awa sa dulo.

Pinanuod kong magtalunan ang maliliit kong pinsan nang sinabing bagong taon na – mga nagkakatuwaan sa paghiling na magsitangkaran na sila. Ang ingay rin nina Mama at mga kamag-anak namin. Pinapatunog ng mga tito ko ang mga walang lamang kaldero.

Tumabi sa’kin si KC, kapatid ko na 15 years old. May dala siyang maliit na kandila at sinindihan ito. “Ate, hiling na tayo.”

Nakaugalian na naming humiling ng sabay sa iisang kandila tuwing bagong taon, umaasang sa taong ‘yun ay matutupad ang hiniling namin bago ito matapos.

Pinikit ko ang mga mata ko nang makitang pumikit siya. Sabay rin namin itong hinipan pagkatapos humiling.

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon