19.

24 7 4
                                    

I thought it's good to love a lonely boy, but no, it's bad. It ruins you.

-

Puyat ako pero bumangon pa rin para sa trabaho. Iyak at overthinking lang naman ang ginawa ko sa ilang oras bago ko na-realize na hindi ako makatulog.

Tapos tumunog na 'yung alarm clock, 7 am. Kailangan ko ng kumilos para sa 9 am na trabaho.

Funny. Ang dami kong inaksayang oras, hindi na lang ako nag-proofread ng content na ipapasa ko next week.

Wala akong ganang kumilos. Around 1 to 3 am kanina, sunod-sunod ang messages at missed calls ni Theo. Wala akong binasa o sinagot. Hindi ko kaya.

Para na kasing ang tanga-tanga ko. Idi-disappoint niya ako, tapos okay lang sa'kin. Sasaktan niya ako, tapos isang suyo lang, okay na kami.

Parang tanga.

Naubusan ng baterya ang phone ko kanina kaya chinarge ko pero hindi ko pa rin binubuksan.

Mamaya na, kapag kailangan. Mga 12 pm. Kapag kailangan ko ng kitain 'yung editor na ka-meeting ko.

Wag muna ngayon. Kasi...

Kasi baka kapag tumawag ulit si Theo, sagutin ko na. Baka kapag nag message siya ulit, basahin ko na.

Baka isang sorry lang, isang aloha na mahal kita lang, okay na ulit kami.

Sinuot ko na ang pumps ko at binitbit ang bag.

Pagkalabas ng kwarto, kumabog ang puso ko. Mabilis kong naramdaman ang pagkalito at galit na nararamdaman ko.

Tumayo si Theo mula sa pagkakaupo sa sofa at mabilis na lumapit sa'kin.

"Kate."

Galit ko siyang tiningnan. Nanginginig ako at pilit na kinalma ang sarili. Hindi nagsalita.

"Kate, kagabi."

Inilapag ko ang bag sa lamesa malapit sa'kin at tiningnan muli si Theo. Natatakot siya sa'kin, sigurado ako. Alam niyang sobrang nabigo at nasaktan niya ako.

"Kate."

"Ano?!" Sigaw ko. Bumagsak ang mga luha ko, matatag ko pa rin siyang tiningnan. "Ano 'yun?!"

Lumapit siya sa'kin at nagbalak yumakap pero itinaboy ko siya.

"Magsalita ka, Theo, wag kang parang gago!"

Hopeless niya akong tiningnan. "Pumunta ako dun sa restaurant na sinasabi ko sa'yo tapos ise-set up ko sana. Tapos nandun sina Steve tsaka 'yung buong tropa, galing raw silang grill bar sa Antipolo din. Bale nagkita-kita lang kami."

Tiningnan niya ako bago nagpatuloy. Tahimik akong nakinig.

"Tapos niyaya nila akong bumalik sa grill bar, sabi ko kikitain pa kita. Sabi nila 5 pm pa naman, sabi ko babyahe pa ako papunta dito. Sabi nila, 30 minutes lang naman ang byahe mula Antipolo hanggang Makati."

I nodded. "Tapos?"

"Kaya sinamahan ko muna sila. Tapos may nakita kaming parang camping place kaya hindi na kami natuloy dun sa bar. Du'n na lang kami. Bumili sila ng mga alak tsaka pagkain." Saglit siyang huminto sa pagsasalita. "Sorry, nakalimutan ko 'yung oras."

"Nakalimutan mo 'ko."

"Sorry, hindi na mauulit." Sinubukan niya akong hawakan ulit pero umiwas ulit ako.

Pinaningkit ko ang mga mata ko at tiningnan siya. "Bakit hindi ka dumating kagabi? Akala ko ba kalahating oras?"

"Sinubukan ko nang umalis nun pero mga lasing na sila. Binutas ni Clyde 'yung isang gulong ko kaya hindi ako nakaalis. Ako nag-uwi sa kanila, gamit 'yung sasakyan ni Chloe."

Sarkastiko akong tumawa. "Chloe?"

Nabigla siya. "Oo, Chloe. Bakit?" Inirapan ko siya. "Anong meron kay Chloe?"

Umiling ako. "Siya na lang kaya girlfriend mo? Break na lang kaya tayo?" Utal ko.

Agad siyang nag react. "Anong break, Kate? I already said sorry. Sorry na, hindi na nga mauulit."

Tinulak ko siya ng akmang yayakapin niya ako. "Wag mo nga akong maganyan-ganyan. Du'n ka na kay Chloe!"

"Bakit Chloe? Anong Chloe?"

Galit ko siyang tiningnan. "Alam mo, Theo? Gago ka tapos manhid tapos gago ulit! Wala kang alam, tangina mo, ang manhid mong gago ka!"

"Ano ba 'yun, Kate?" Nanginginig na rin ang boses niya.

Tinabig ko ulit ang kamay niya. "Pagod na 'ko!" Sigaw ko. "Pagod na ako sa paulit-ulit na pag-intindi sa'yo. Oo, malungkot ka, oo, nawalan ka. Oo, pinagtutulakan ka ng kamag-anak mo, oo, depressed ka. Oo, kailangan mong intindihin ng paulit-ulit, oo, minsan gusto mo munang umalis tapos mawala. Tapos babalik ka din."

Nagpahid ako ng luha.

"Tapos mawawala ka ulit. Tapos babalik, tapos mawawala ulit. Okay, ganun ka, pero pa'nu ako? Asan ako? Du'n lang ako sa naghi-hintay ng paulit ulit? Pagod na ako, mahal kita pero hirap na hirap na akong umintindi."

Tiningnan kong umagos rin ang mga luha sa pisngi niya.

"Mahal kita, Theo, at naiintindihan ko 'yung lalim ng lungkot mo pero... pero sa pagmamahal ko sa'yo, na-realize kong nawawala ko na 'yung sarili ko. Kakahintay ko sa'yo, kakaasa na maayos tayo hanggang dulo, nauubos ako," mahina kong wika.

Umupo ako sa sofa at humikbi sa mga palad ko.

"Alam mo bang kagabi, ang dami kong nakatenggang paperworks. Next week, ipa-publish na 'yung contents na pinagawa sa'kin tapos kalahati pa lang 'yung nagagawa ko. Bale, tatlong araw na lang ang meron ako, plus ngayon. Pero anniversary natin, may usapan tayo , kaya pinagpaliban ko. Hinintay kita. Naghintay ako ng wala."

"Sorry na, Kate..."

Umiling ako. "Hindi, Theo. Kung pwede kung pagkakitaan 'yang mga sorry mo, mayaman na ako. Pero hindi. Paulit-ulit mo 'yang sinasabi, nawawalan na ng halaga. Wala ng halaga." Tiningnan ko siya. "Mahal kita pero paulit-ulit mo na akong nabibigo. Mahal kita, apat na taon na tayo, pero apat na taon na ring hindi maayos 'yung kung anong meron tayo."

"Kate, wag..."

"Naalala mo 'yung magkaibigan pa lang tayo? 18 pa lang ako, 19 ka pa lang. Siguro nga, crush na natin 'yung isa't isa nun, pero mas magaan sa pakiramdam. Maayos pa." Bumuntong hininga ako. "Akala ko kapag inintindi kita, minahal, inalagaan... akala ko magiging ayos. Akala ko mawawala 'yung lungkot mo, akala ko maaayos kita."

Lumuhod si Theo sa harap ko. Hinawakan niya ang dalawang kamay ko. "Kate, sorry. Sorry, kasalanan ko."

Tumingin ako sa ceiling at kinagat ang labi. Patuloy 'yung mga luha ko. "Kasalanan ko rin, masyado akong nagmahal. Masyado akong naging idealistic. Minahal ko 'yung lalaking malungkot. Masyado kong minahal."

Tinanggal ko ang mga kamay ko mula sa pagkakahawak niya at nagpunas ng luha.

"Akala ko maliligtas kita mula sa lungkot. Ako pala 'yung nadala mo. Nakakalungkot. Parang gumuguho na ako. Dahil mahal kita."

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon