In a relationship, you should be one. Chaos starts when you became two different individuals.
—
Hindi ako makapaniwalang napabuga ng hangin. The fuck? I was fucking worried, para akong tanga kanina.
Puta, andito lang pala siya.
"Putangina," sambit ko sa hangin.
Napatayo si Theo, pinatay at ibinaba ang sigarilyo. "Kate."
"Ano?" Kinakalma ko ang sarili kong gusto ng sumabog — sa pagod, sa pagiging tanga kakagawa ng excuse para sa kanya, sa dami ng tanong sa isip ko, sa hindi maubusang disappointment na pilit kong dini-deny.
"Nakatulog ako," simpleng sagot niya. "Hindi na lang ako tumuloy, late na rin."
Umupo ako sa kama, napapapikit sa inis. "Ang dami kong text at tawag. Ilang oras akong... parang tanga... kakahintay... kasi putangina! Dapat andun ka, diba?" Pigil kong singhal.
"Can we not fight? Pagod rin ako."
I stared at him. "Seryoso ka? 'Yung inis ko sa'yo, hindi ko ma-explain. Gusto kitang murahin, sapakin, putangina." Bumuga ako ng hangin.
Sumandal siya sa upuan, hinilot ang gilid ng ulo niya. "Fuck, I'm tired. Can we just talk tomorrow?"
I calmed myself. "What the hell is wrong with us? Hindi nga masyadong nag-aaway pero feeling ko ang toxic na. Putangina, ang unhealthy na neto. Palagi na lang akong nadi-disappoint sa'yo," I blurted out.
Theo stared at me. "I'm sorry?"
Umiwas ako ng tingin. Natakot. Kasi kaka-cool off lang namin. Tapos ganito na naman.
"Can you say it again, Kate?" Nahihirapan niyang tanong.
Pumikit ako ng mariin at tumayo. "Forget that, uuwi na lang ako. Tama, we're both tired. Bukas na lang tayo mag-usap."
I walked but he stopped me. "No, Kate. You already said it. I'm sorry for being a disappointment."
Napatingin ako sa kanya. "Theo, pagod pala talaga ako ngayon. I don't want to explain myself because I don't think you'll understand without pitying yourself. And I'm tired with your redundant apologies."
"Am I bad for saying sorry? Am I bad for not being perfect?"
Napailing na lang ako. "Walang patutunguhan 'tong usapan na 'to, uuwi na ako."
Nagsimula na akong maglakad pero nagsalita ulit siya. "Kate, can you not keep anything from me? Can you speak? Mukha na kasi akong tanga. You keep things by yourself — your anger, your disappointments. Please naman, sabihin mo kung hindi tayo okay."
"Hindi tayo okay!" Sigaw ko. "Okay? Pero hindi ko masabi, ang hirap sabihin. Ayoko kasing hindi tayo okay." Nagsimula nang mamuo ang mga luha sa mata ko. "Ang hirap mong hawakan, Theo. Ang hirap."
Saglit kaming nanahimik, parehong nagpipigil ng luha. Ayokong mag-iyakan na naman kami, ayoko na ng cool-off. Ayoko. Gusto ko ayos na lang kami.
Pipilitin kong magpigil. Pipilitin kong okay na lang kami. Kahit magsinungaling na lang ako sa sarili ko. Manatili lang sa pagkakahawak ko si Theo.
"Hindi nga tayo okay," bulong niya. "Kasalanan ko. Ang wala kong kwenta."
Napairap na lang ako sa inis, pinipigilan ang mga luhang kumawala. Ang hirap ipaliwanag kay Theo na, oo, ang problemado na namin pero ayoko siyang mamroblema. Ayokong isipin niyang wala siyang kwenta.
"Tell you this, hindi ako nakatulog."
Napatingin ako sa kanya. "Ano?"
"I intended not to go at your promotion party. I was fucking insane and envious... at you."
I blinked, feeling pain. "What... do you mean?"
Halos sabunutan niya ang sarili niya. "I feel like I'm nothing compared to you, like you don't deserve me. Because I'm nothing. Ang dami mo nang naa-achieve sa buhay tapos ako, wala pa ring maipagmalaki."
I bit my lower lip and looked at him. "Bakit kailangan mong ikompara ang sarili mo sa'kin?" Hindi makapaniwala kong tanong. "Bakit kailangan mong maramdaman ang mga 'yan? Walang kompetisyon sa pagitan natin, Theo."
"I just feel so low, I'm sorry. And when I knew that guy, your coworker, likes you, I felt insecure. Baka mas deserve mo 'yung lalaking secured at may patutunguhan..."
"Secured?"
"Secured. 'Yung hindi nilalamon ng lungkot, 'yung hindi ka binibigyang problema. I can't help myself, Kate, I am worthless."
Nagsimula ng tumulo ang mga luha ko. "Alam mo bang nasasaktan ako tuwing sinasabi mo 'yan? Limang taon kitang minamahal. Limang taon kong pinaparamdam sa'yong sapat ka, may kwenta, mahal kita. Pero tuwing sinasabi mo 'yan, nasasaktan ako. Wala ba akong nagagawa para tumaas 'yang esteem mo? Wala ba akong kwentang girlfriend?"
"Kate, this issue is on me."
"Theo, no. It's my responsibility to not make you insecure? worthless? Pero hindi ko magawa, I don't know what's the problem. Am I not enough?" Tahimik akong umiyak sa gilid.
"Ang problematic natin," mahina niyang saad. "Parang unti-unti na tayong lumalayo sa isa't isa."
I didn't respond. I just kept on crying without looking at him.
BINABASA MO ANG
This Ends Here (✓)
Teen FictionOn a halloween party, year 2017, Kate Garieggo dressed as red riding hood and went to party with her friends. That night, fate works itself. She met Theodore Blake, the guy from Hawaii, dressed as wolf. Kate knew she immediately fell in love - love...