26.

19 7 1
                                    

Paulit-ulit na may problema, sinasagad ka. Tapos mapapaisip ka kung tama pa ba 'yung landas na tinatahak niyong dalawa.

Tumango-tango ako. "Seryoso ka diyan?" Pilit kong kinakalma ang sarili. "Nakakapagod," buntong hininga ko.

It was a moment of silence. Patuloy lang ako sa pag-iyak, hindi siya tinitingnan. Hindi ko maintindihan ang problema. Basta meron, basta napapagod na talaga ako. Pero ayokong bumitiw, kasi baka pagsubok lang pala 'to.

"Kate, tama pa ba 'to?" Mahinang tanong ni Theo. "Tama pa bang lagi ka na lang umiiyak?"

Napatigil ako sa pag-iyak at napatingin sa kanya.

"Tama pa bang wala akong magawa? Kasi hindi ko alam? Bakit ang hirap nang magmahal?"

"Tanong ko rin 'yan," mahina kong saad. "Ano ba dapat gawin natin, Theo?"

Umupo siya sa sofa at hinilot ang gilid ng ulo niya.  Hindi sumagot.

Para akong gumuguho sa loob. Hindi ko alam kung saan nanggagaling ang sakit. Ang alam ko lang ay ang hirap nang huminga, ang sakit na sa puso. Hindi ko na maintindihan ang nangyayari sa'min ni Theo.

It's a tough 5 years.

Masaya pero malungkot din. Tapos hindi ko pala alam kong worth it. Pero akala ko kasi, sapat na 'yung mahal niyong dalawa 'yung isa't isa. That was a puppy love.

Ngayon, ang seryoso na pala. We are adults now, we are growing. We are figuring out our present, our future.

And there comes problems. May trabaho ako, siya wala. Marami siyang oras, ako wala. At malungkot siya, nalulungkot na din ako. Totoo ngang nakakahawa ang lungkot.

Natigil ako sa pag-iisip nang tumunog ang phone ko. Tumatawag si Mama. Agad akong nag panick. I was so much distracted, nakalimutan kong magpadala ng pera. That was so irresponsible of me. Paano ko nakalimutan?

"Ma, hala, sorry. Kapag may bukas na bangko, magpapadala na agad ako. Sorry, sobrang busy ko lang talaga." I panicked.

"Anak, ano? Hindi. Kinakamusta lang kita," narinig ko ang mahinang tawa ni Mama. "Sabi kasi ni Theo, ayaw mo na tumigil sa pagtatrabaho. Magpahinga ka, anak."

Napatingin ako kay Theo na nakatingin rin sa'kin. Umiwas siya ng tingin. Nagpigil ako ng luha. "Ma, nagpapahinga naman ako. Fake news po 'yung hinatid ni Theo," I lamely joked.

"O, basta, anak. Wag ka magpapagod masyado. Sabihan mo rin si Theo na thank you ulit. Kakapadala niya lang pala kaninang umaga. Pang-dalawang buwang allowance na namin 'yun, anak."

"Ano, ma?" Gulat kong tanong.

"Ay, hindi mo ba alam? Nagpadala na nga siya."

Napasapo ako sa noo ko. "Ma... dapat hindi mo tinanggap. Nakalimutan ko lang talagang magpadala,"  hininaan ko ang boses ko.

"Eh, nandito na, anak. Alam naman ni Theo na anak na rin turing ko sa kanya. Pasasaan pa't sa kasal din naman kayo darating."

"Ma, pwede bang ipadala niyo na lang ulit yan sa kanya? Magpapadala ako agad. 'Yun pa 'yung unang gagawin ko ngayong umaga."

"Anak, kumalma ka nga. Mas mapapagastos pa, okay na 'to. Alam mo, tumawag lang talaga ako para mangamusta. Mag-ingat kayo diyan, magpahinga."

Napabuntong hininga ako nang ibaba  na ni Mama ang tawag.

Tiningnan ko si Theo.

"Bakit ka nagpadala?"

Nagkibit balikat siya, tumingin sa akin ng saglit. "Siguro kasi, mahalaga na rin ang pamilya mo sa'kin? Hindi ko gets bakit ayaw mo, dati pa."

Inirapan ko siya. "Inexplain ko na sa'yo. Paulit-ulit tayo?" Bumuntong hininga ulit ako. "Obligasyon ko nga 'yun, hindi sa'yo. Kaya wag kang gumagawa ng desisyon na hindi ako kinukunsulta, wala ka pa ngang trabaho, e. Okay, marami kang pera pero hindi ko pera 'yang pera mo," malakas ang boses kong tugon.

Tumayo siya. "Kate, pati ba naman 'to pag-aawayan natin? Nag kusang loob lang naman ako. Alam kong nahihirapan ka diyan sa trabaho at magbabayad ka pa ng bills. Tumutulong lang ako."

"Hindi ko nga kailangan ng tulong," sigaw ko.

Napatigil siya saglit. "Eh, ako? Ano pala ako dito, Kate? Boyfriend lang? Hindi pwedeng tumulong? Ano ako?"

I didn't respond. Ayoko lang na masyado siyang maraming ginagawa para sa'kin. Pinalagpas ko na nga 'yung pagbayad niya ng 75% sa condo ko.

I don't want him to think na pineperahan ko siya. I love him but I don't want him to mind my own obligation.

"Mamaya, pupunta ako sa bangko. 'Yung ipapadala ko kina Mama ay sa account mo na lang ko ihuhulog. At least, kalahati."

Bumuntung hininga siya. "Ayos na nga, Kate. Okay na 'yun."

"Akin lang 'yung obligasyon, okay?" Nangungusap ko siyang tiningnan.

"Kate, what the hell? I said it's fine," malakas na rin ang boses niya.

"It's not fucking fine for me, okay?!" Tumayo na ako. "Ayoko ng utang na loob."

"Ano?" Hindi makapaniwala niyang tanong. "No  one's gonna break up here, if that's what you are saying. I would help your family because they are my family, too."

Taas-baba ang balikat ko. "Talaga lang? Pagkatapos mo sabihing problematic tayo?"

Wala ng patutunguhan 'yung pag-uusap namin kaya kinuha ko na ang bag ko.

"I'm tired, basta bukas nasa account mo na ang pera." Tumalikod na ako.

"I won't accept it."

Tiningnan ko siya ng masama. I was so tired arguing, nagpasya akong mag walk out.

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon