47.

25 7 3
                                    

“Is love something to be begged for?”

Hindi ako tinigilan ni Theo. Araw-araw niya akong niluluharan, araw-araw siyang nagmamakaawa. Mahal niya raw ako. Hindi niya kayang mawala ako sa buhay niya.

Para naman akong walang puso. Alam kong pinili niyang wag ng umuwi sa Hawaii at dito na lang sa Pilipinas dahil sa akin. He said I was already his home, at nagayon ay kumakawala ako.

Pero batid kong mas wala akong puso kong makikipagbalikan ako sa kanya. Siguro nga ay mahal ko naman siya, pero hindi na ‘yun sapat para manatili ako.

Mali palang sapat na ang pagmamahal para daigin lahat ng emosyon. Maling mali ‘yun. Hindi sapat ang pagmamahal lang. Hindi sapat ang kayong dalawa lang.

Just love would drain you, just like what it did to me.

I’m exhausted.

But Theo won’t stop begging. Kaya pumayag ako nang sabihin niyang bibigyan niya ako ng space. Baka raw nasasakal lang ako. Baka raw kailangan ko lang ng cool off. Baka raw naguguluhan lang ako.

He was too desperate to win me back… because I am his home.

On the other hand, I was too desperate to feel alive again… desperately hoping I am just currently shackled by us.

Maliit na parte ng puso ko ay umaasa pa rin, kasi nga sayang ‘yung walong taon namin… umaasa pa rin akong bumalik ‘yung pagmamahal ko kay Theo o maging kasiyahan ko na lang siya ulit…

For weeks, he stopped begging.

Tinupad niya ‘yung space na napagkasunduan namin. Nag focus ako sa paghahanap muli ng trabaho online, ayoko ‘yung masyadong demanding… gusto ko ‘yung nakakahinga pa rin ako.

Hindi ko napansin ang bilis ng pagtakbo ng mga araw. Nakalimutan kong may Theo palang naghihintay sa’king matapos magpahinga… I was too busy finding ways to be alive again.

Then, Mark texted me. Agad akong sumugod sa sinabi niyang ospital. Na-overdosed raw ng antidepressants at sleeping pills si Theo. Nakalimutan ko sya. All those weeks na hindi niya ako kinakausap ay naglalasing lang raw pala siya.

Hindi na siya pumapasok sa trabaho niya.

Pagdating ko sa ospital ay hindi gising si Theo. Si Mark lang ang nadatnan ko. He said Theo was declared in coma. My jaw dropped. Hindi ako makapaniwala. Ako ‘yung dapat sisihin sa nangyari sa kanya, it was all my fault.

Saglit kaming kinausap ng doctor. Hindi raw dapat sinasabay ang pills sa alak dahil pareho itong depressants. Bumagal raw ang paghinga ni Theo at nabigo ang katawan niyang tumanggap ng oxygen o maglabas ng carbon dioxide. Sinabi rin ng doktor na maaaring hindi aksidente ang nangyari, maaaring nag suicide si Theo. He said Theo could die.

Nanghina ako at napakapit na lang kay Mark. Kapag may nangyaring masama kay Theo ay hindi ko mapapatawad ang sarili ko.

Ang hirap namang lumugar. Gusto ko lang namang ayusin ang sarili ko, bakit parang ang hirap? Bakit parang bawal akong maging masaya at malaya?

“He really loves you, Kate,” ani ni Mark. “Like really.”

I sadly looked at him. “Diba mas unfair kapag bumalik ako pero hindi pa rin ako sigurado?”

Tumango siya. “But that’s Theo. Tinuring ka na niyang mundo.”

I sighed. “I don’t want him to lose himself because of me.”

Araw-araw akong bumibisita sa ospital at nakikipagsalitan kay Mark sa pagbabantay kay Theo.

It was a bad timing. Lumipas ang dalawang linggo bago nagising si Theo at pagkamulat ng mga mata niya ay ako ang una niyang nakita.

It was painful and heartbreaking. “Kate, do you love me now again? Are you back?” Ito ang una niyang binigkas pagkagising.

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon