"Alam ng langit kung gaano katatag kong ipinaglaban ang tayo mula sa maraming tanong ng sarili ko."
—
I read Theo's text message.
Sorry, love, may late night meeting kami. I'll go straight to your apartment after. Bakit ka nag resign? What's wrong?
I read it again and again before I typed a reply.
can i call?
He automatically replied.
Love, can't, sorry. I'll call you sa break time, two hours pa.
Itinago ko na ang phone sa cabinet ko at nag desisyon na lang na matulog ulit. I can't stay awake for two hours waiting for Theo's fucking break time. Mababaliw ako lalo.
Nagising ako sa sunod sunod na tawag ni Theo. Alas onse na pala ng gabi. Binuksan ko ang pinto at agad siyang niyakap.
He looks tired, too. Mahinahon ang boses niya, nagtatanong kung bakit ako nag resign sa trabaho.
Nag kibit balikat ako bago umupo sa sofa. "Pagod na ako, e."
"Why not just go on a vacation or take a break? Why resign, Kate?"
Tumitig ako sa kanya. "Sobrang stressed na kasi ako, Theo. Ayoko na muna ng demands, okay? Ayoko na muna ng deadlines." Huminga ako ng malalim, napalakas ang boses ko.
Lumuhod si Theo sa harap ko at hinawakan ang magkabilang pisngi ko. "Are you okay?"
I stared at him. Sumimangot ako. "Feeling ko hindi." I hugged him. "Do you think I need to go see a psychiatrist or something? Kasi, Theo, hindi ko na maintindihan... sobrang lungkot na, seryoso."
He caressed my back. "Love, I'm sorry."
Umiling ako. "No need, matatapos rin naman 'tong lungkot na 'to, diba?"
"Yes, love."
Naniwala ako sa gabing 'yun. Naniwala akong matatapos rin ang lungkot, magiging masaya rin ulit ako. I was too desperate to be happy again, I was too desperate I hoped.
I went through series of sessions. Ang dami kong tanong, gusto kong maintindihan kung ano ang nangyayari sa'kin... bakit may kulang? Bakit malungkot? Bakit nakalimutan ko na kung ano ang pakiramdam ng masaya?
For months, 'yun ang ginawa ko. Hindi na muna ako nag hanap ng trabaho o bumalik man sa dati kong trabaho.
Gusto ko munang ayusin ang sarili ko. Gusto ko munang matutong maging masaya ulit.
I went to Theo's condo. Hindi ako nagpaalam, pumunta lang agad ako. Alam ko naman kung ano ang passcode niya.
I was from a session. Sinabi lang naman ng doktor sa akin na na-drain lang ako sa mga ginagawa ko sa buhay, dagdag na ang obligasyon ko sa pamilya, at nangungulila kay Mama. I think she is right. She knew the right words to describe my sadness.
Kailangan ko lang daw mag pahinga, mag meditate. Magiging maayos rin ulit ang pakiramdam ko. It would take time but I would be fine again. Theo is the most supportive boyfriend. He keeps track on me. Halos araw araw siyang sumasaglit sa apartment para kamustahin ako at lutuan ako ng pagkain. He is also so determined to make me fine again. I appreciate that and it always makes me cry tuwing umuuwi na siya. I was fucking lucky. It was heartbreaking.
Tiningnan ko ang mga litrato namin ni Theo na nakadikit sa walls niya. Tuwing anniversary ay dinidikitan ko 'yun ng mga pictures na naipon namin sa isang taon. My walls are also filled with our pictures. I love keeping memories, I enjoy remembering the happy moments of the past.
Mali siguro 'yung timing. Mali siguro na pumunta lang agad ako sa condo ni Theo ng walang pasabi. Mali siguro na nakialam ako sa mga gamit niya.
Because when I opened one of his shelves, I saw a little red box. Kasabay ng pagbukas ko nito ay tila nawala ang puso ko.
My jaw dropped. It was a diamond ring. Sumikip ang dibdib ko at hindi napigilang humagulgol.
I think I became problematic.
Itinago ko 'yung box, 'yung singsing. I didn't know what I was doing.
Hindi ko na pinaalam pa kay Theo na pumunta ako sa condo niya. Umarte akong para bang hindi ko alam na magpo-propose na siya sa akin.
It lasted for three weeks. Until Theo asked me, "Love, did you visit my place?"
"Huh?" I replied. We were eating at a chinese restaurant.
He looks conflicted. "There was something missing at my things."
Napakurap ako. "Ano 'yun?" Even if I already knew it was the ring.
He shook his head seconds later. "Ah, nothing. I'll just probably buy new."
Napaawang ang bibig ko.
I immediately excused myself. Pumunta ako sa CR para umiyak. Ang daming tanong sa isip ko. Naguguluhan ako, tinatakasan ng bait.
I was losing myself... or I already lost me years ago. Maybe, I was busy trying to be productive with life that I lost track of myself.
Hindi ko napansing gumuguho ako o nadudurog ako.
It's just now that I realized, I just broke myself.
I lost myself.
I was trying not to fail. I was too busy being terrified with failing that I didn't saw it coming.
But it came.
I failed to see our end road.
I was insane.
I loved Theo, but I lost that love... I was so sorry.
We were on his car. He was about to start the engine but I told him not to.
"I... actually went to your condo like three weeks ago." Pinili kong wag siyang tingnan, natatakot makita ang reaksyon niya. "You are gonna propose to me?"
I decided to look at him. He was shocked. "Kate, you didn't tell me. How did you know?"
I sigh. Kinuha ko mula sa bag ko ang singsing, hinawakan ang kamay niya at inilagay ang box ng singsing sa palad niya.
Ilang paghugot ng hininga ang ginawa ko bago siya tiningnan.
"You know I have loved you. It's just that I don't understand myself now... Hindi na ako sigurado... kung mahal pa ba kita."
Tumulo ang mga luha ko kasabay ng pag hudyat ng mga luha sa gilid ng mga mata niya.
"Kinikwestyon ko na ang sarili ko kung mahal pa ba kita o baka nangungulila lang ako sa pagmamahal dati kaya minahal kita... Hindi ko na alam, Theo... Sorry..."
"Kate, what is happening?"
Diretso kong tiningnan ang mga mata niyang umiiyak na rin. "Pahinga na tayo, Theo. Ayoko na, pagod na ako."
Mabilis akong bumaba sa kotse niya at pumara ng taxi.
I was fucking insane, lost and broken.
BINABASA MO ANG
This Ends Here (✓)
Teen FictionOn a halloween party, year 2017, Kate Garieggo dressed as red riding hood and went to party with her friends. That night, fate works itself. She met Theodore Blake, the guy from Hawaii, dressed as wolf. Kate knew she immediately fell in love - love...