dulo

63 6 3
                                    

dulo

Nanatili akong nakatitig sa lalaking kaharap ko, hindi alintana ang tilian at asaran sa paligid namin.

Gusto kong bumuntong hininga at sabihin sa kanya ang alam ko— ang nalaman ko nang titigan ang mga mata niya.

Tila ang daming nangyari pero ilang segundo lang naman. Hindi ko alam kung biyaya ba ang kakayahan kong makita ang hinaharap.

Totoo ngang malalaman ko sa unang tingin kung sino ang mamahalin ko...

... sino ang makakasama ko ng matagal...

... sino ang mamahalin ko ng sobra sa puntong mauubos ako  para sa sarili ko...

Totoo nga ang abilidad ko.

Alam ko.

At nakakalungkot na pati ang dulo ay alam ko.

Ilang segundo lang ay iaabot niya ang kamay niya sa'kin at magpapakilala. Kapag tinanggap ko ito at magpapakilala rin ay magsisimula na ang kwento naming dalawa.

18 years old pa lang ako, at 19 years old pa lang siya.

Tatanggapin ko ang kamay niya at sasabihing ako si Kate— Kate Garieggo.

We will spend the night together — magkekwentuhan, mag iinuman at magsasayawan.

Tapos ise-set up kami ng mga kaibigan namin. Siya ang maghahatid sa'kin pauwi at magiging malapit kami sa isa't isa.

Pupunan niya ang kalungkutan sa puso ko at ganun rin ang gagawin ko sa kanya.

Magiging kami.

Magiging buhay namin ang isa't isa.

Magtatagal.

Lilipas ang maraming taon.

Mamahalin ko siya ng sobra at pipilitin siyang buuin dahil nakilala ko siyang basag.

Tapos mauubos ako.

Mawawala.

Magigising ako isang araw na hindi na masaya.

Pipilitin kong kumapit pa rin pero masasaid ako.

Masasakal.

Mauubos talaga.

Lilipas ulit ang panahon.

Bibitiw ako.

Magiging sobrang sakit 'yun.

Umiling iling ako, nakatitig pa rin sa mga mata niyang nangungusap.

Dumating si Theodore sa buhay ko...

Bubuuin ako...

Pero mauubos rin paglipas ng panahon.

We all want love to come to our lives.

But if we know our end roads, if we know it would fail, would we still want it?

We all want to meet someone in our lives who would fill our hearts with so much joy.

But if we know it would drain us after many years, would we still want it?

We all want to find happiness.

But are we brave enough to risk seeking for it?

"Hawak kamay, naglalakbay

Patungo sa ating inaasahang

Pagbitaw"

"I'm Theodore, call me Theo." Kinindatan niya ako. Ngumiti na nagpawala sa kanyang singkit na mga mata. "You are?"

Are we brave enough to risk seeking for happiness?

Kasi ako baka hindi.

I am not brave enough.

Alam ko na kung saan 'to tutungo.

I know the end road.

And thus, I choose not to risk.

I look at him. "I... am not interested."

Naghiyawan ang lahat, inasar si Theo.

Pero pinili ko nang umalis.

I know where our beginning would lead us, so I chose not start it.

~ e n d ~

Hawak Bitaw || La Luna

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon