21.

26 8 3
                                    

Mahirap talaga ang magmahal, pero nabuhay ang tao para magmahal.

-

Dalawang buwan. Inayos ko ang sarili ko. Sinubukan kong mag-adjust sa paninibagong wala talagang Theo. Ngayon alam kong wala, hindi siya surpresa.

Mas naging produktibo ako sa trabaho, natuwa 'yung editor ko. Nakapagbasa ako ng maraming libro, nakapag-binge watch ng maraming movies at series, nakakain sa mga restaurants at cafe na gusto ko lang dating puntahan, nakapag-outing ng dalawang beses kasama ang buong pamilya, nakapag-overnight sa beach kasama sina Elisa at Fe, nakatagpo ng mga estranghero sa daan... pero parang may kulang.

Akala ko sasaya ako, akala ko magiging payapa... pero hindi pala. Nasanay kasi akong may Theo sa lahat ng plano ko. Napagtanto kong hindi ko na pala kayang maging masaya kapag hindi siya kasama.

Ang tapang ko pang mag suggest ng one year o six months, hindi ko naman pala kaya. Hindi ko kayang walang Theo.

Limang taon na kasi siyang nakatira sa puso ko, mahirap nang paalisin.

Mas gusto ko pa rin palang kasama siya, nandito siya, kasama sa bawat plano... kahit palagi akong palihim na umiiyak... mas gusto ko pa rin palang nasa tabi ko siya, nasa buhay ko siya.

'Nung mga unang araw o linggo ay akala ko adjustment period lang. Pero habang tumatagal, hindi pala. Habang nauubos 'yung dalawang buwan, hinihintay ko lang palang makita ulit si Theo. I realized I was just looking forward at our next aloha.

Ngumiti ako sa salamin bago napagpasiyahang umalis na at baka malate.

Graduation ngayon ni Theo, magkikita na kami. Gustong-gusto ko na pala siyang makita.

Siguro ganu'n talaga. May mga tao sa buhay natin na sa sobrang mahal natin, para na silang hangin. Hindi na tayo makahinga kapag wala sila. Emotional attachment. Deep emotional attachment.

Bumili ako ng isang pirasong rosas bago pumasok sa loob. Kumakabog 'yung puso ko, hindi makahinga ng maayos. Nagwawala 'yung mga paru-paro, makikita na nila ang gumawa sa kanila.

Dalawang buwan. Nangulila pala ako ng sobra kay Theo. 'Yung hanggang batok niyang kulay tuyong dahong buhok na kakulay ng mata niya. 'Yung kinis ng balat niyang nakikipantay sa sikat ng araw. 'Yung ngiti niyang bumubuhay sa puso kong minsan parang namamatay. 'Yung mga yapak niyang pumuprotekta at nag-aalaga sa'kin. 'Yung mga halik niyang nagpapawala sa mga takot at pag-aalinlangan ko. Nangulila ako sa lahat ng saya at pagpapakalmang kaya niyang ibigay sa'kin.

I was never vocal of my problems. Ayoko nga kasing nakikitang napapalitan ng lungkot o pag-aalala 'yung nakapintang emosyon sa mukha niya. Pero 'yung simpleng presensya niya, 'yung simpleng paghagod sa likod ko at paghalik sa noo ko, sapat na 'yun para malaman kong andiyan siya't handang damayan ako.

Maybe loving is a hard thing. It's commitment, responsibility; it requires devotion. It's not just pure butterflies and smiles and kisses; it's also dark storms and frowns and tears. But it is about the fighting. It is about not giving up. It is about being each other's strong pillars.

The cool-off could be helpful. Well, I think so. It was a quick break. Maaaring mapagod, kaya magpapahinga muna saglit.

You may rest your heart. But it's all about knowing when to return, when to come back. It's about learning your lessons, being better.

Trying again... until you, two, became the best versions of yourselves... for yourselves... for your relationship.

Love could be trial and error, but maybe it's worth the risk. It's always about having brave hearts, we may not know where the ending would bring us... but at least we gave our all, for a good ending.

We stared at each other, smiling, and maybe crying internally. I just miss the guy. I just so love the guy, like there is no other guy in earth for me except him.

He walked slowly, I stayed where I am standing. It was love at this sight. Halos magdasal ako. Sana this time, okay na. Kasi sobra naman 'yung two months. Sana okay na kami.

Sana wala ng bawian. Binigay na siya sa'kin ng langit. Sana akin na talaga siya... hanggang dulo.

"Hi, I'm Theo," nakangiti niyang wika. "Miss, ang ganda mo. Pwede ba kitang yakapin?"

Mahina akong tumawa at tumango. "Pwede naman, libre para sa'yo."

Mas lumawak ang ngiti niya at niyakap na ako. You know it's really love, when a hug brings you home. Theo is home.

Niyakap ko siya pabalik. "Ikaw ba 'yung Theo ko?" Biro ko.

Tumango siya at mas humigpit ang yakap. Ramdam ko ang hininga niya sa leeg ko.

"Aloha," wika ko.

Tumango ulit siya. Naramdaman ko ang basa sa leeg ko. Umiiyak si Theo, walang hikbi o kahit anong tunog, pero alam kung umiiyak siya. "Aloha rin, mahal. 'Yung aloha na mahal kita. Mahal na mahal kita."

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon