Ang sarap sa pakiramdam ng saya pagkatapos ng lungkot.
—
Mabilis akong bumaba pero binagalan ko ang pagpunta sa kanya. Kinakalma ko 'yung puso ko kasi baka biglang sumabog, tapos madamay siya.
Abot tenga ang ngiti niya, pinipilit ko naman pigilin ang akin. Bakit niya nga ulit ako iginuhit?
He opened his arms as if welcoming me into a hug. Pinaningkitan ko siya ng mata at sinimangutan.
"Yakap?" Ani niya.
Pinigilan ko ang ngiti ko at mas lalong isiningkit ang mata. "Ayoko, ang tagal mo."
Humalakhak siya, nag echo sa paligid. Gabi na kasi at kami lang dalawa, walang ibang tao, amin ang momentong ito.
Sumimangot siya at inilahad ulit ang mga kamay. Hindi pa rin ako lumapit. Lumipas ang ilang segundong titigan, hinatak niya ako at niyakap ng mahigpit.
"Aloha," bulong niya sa'kin. Sobrang lapit niya, sobrang hindi ako makahinga.
Gusto kong umiyak kasi ang tagal niya — mahigit isang buwan. Tapos ilang araw na siyang nandito sa Manila, pero ngayon lang siya dumalaw.
Pero at least, andito na siya.
Gusto ko ring umiyak kasi ang perfect ng gabing 'to. Alam niya kayang valentine's ngayon?
"Wala bang greetings diyan?" Pabiro niyang tanong.
Pinilit kong umirap. "Okay, aloha."
Kumalas siya sa yakap at hinarap ako, hawak ang magkabilang balikat ko. "Bakit parang ang tamlay mo?"
Kunwari lang matamlay ako. "Inaantok na kasi ako."
Ginulo niya ang buhok ko at umiwas ako. "Hindi mo ba ako na-miss?"
I made a face. Dude, sobra. "Bakit naman mami-miss?"
Hinawakan niya ang kamay ko at hinatak ako papunta sa truck na dala niya.
"Wow, sa'yo 'to?"
Tumango siya. "Oo, bagong bili."
Pabiro ko siyang sinapak. "Tangina, rich kid. Ang ganda, dude."
Nakangiti siya. "Tara, hangout?"
Nabigla ako. "Wala pa akong bihis. Tsaka alam mo ba anong araw ngayon?"
Tinaas niya ang kilay niya. "Ah, Miyerkules?"
"Yes? Tapos?"
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "Alam kong valentine's ngayon, Kate. Kaya nga, hangout tayo."
"Date?" Makapal ang mukha kong tanong. Kasi akala ko joke ang magiging sagot niya. Kasi sobrang lakas na ng kabog ng puso ko at gusto ko na lang magbiro para kahit papa'nu ay kumalma.
Pero tumango siya. "Oo, parang ga'nun na nga."
Hinatak niya na ako. "May date ako ngayon," biro ko.
Pabiro niya akong tiningnan ng masama. "Hindi pwede, ako lang date mo."
Napaawang ang bibig ko at wala nang nagawa nang dalhin niya ako sa shotgun.
Hindi ako nakapalag. Para akong nabingi. Ano raw? Siya lang ang date ko?
Radyo lang ang maingay. Love story ang nakasalang pero hindi ako dun kinikilig, wala rin akong maunawaan.
BINABASA MO ANG
This Ends Here (✓)
Teen FictionOn a halloween party, year 2017, Kate Garieggo dressed as red riding hood and went to party with her friends. That night, fate works itself. She met Theodore Blake, the guy from Hawaii, dressed as wolf. Kate knew she immediately fell in love - love...