49.

29 7 1
                                    

"Love is letting go, too."

"Sige na, Kate, pa-birthday mo na lang sa'kin," Elisa said in a call.

Pinipilit niya akong lumuwas saglit sa Manila para i-celebrate ang birthday niya sa bagong bukas na resto bar nila ni Jacob.

"Umalis ka na nga agad nung kasal ko, e, sabi mo babawi ka!"

I rolled my eyes. "Okay, fine, chill. Anong oras?"

Saglit pa siyang tumili bago sumagot. "7 pm pa, okay,aasahan kita. Subukan mong wag sumipot, friendship over."

I laughed and said good bye before ending the call.

I felt nervous. Buong araw akong hindi mapakali. LaSallian kasi si Jacob at magkaibigan sila ni Theo, for sure andun siya mamaya.

I sigh. Again and again.

Humugot ako ng hininga. Paulit ulit rin, bago ko napag desisyunang pumasok na sa loob.

Matagal na rin pala mula nung huli kong party. Nabigla na kasi ako sa malakas na tugtog, magugulong tao at nakakahilong neon lights.

Dumiretso ako sa table ng mga kaibigan ko. Medyo lasing na si Fe pagkarating ko. Pinakilala rin niya si Emma, bago niyang girlfriend.

Emma looks nice. I am happy for Fe.

Luminga linga ako sa paligid habang nagsa shot at umiinom.

Kinalma ko 'yung puso ko bago bumaling kay Jacob. "Jacob, uhm, kasama si Theo sa ininvite niyo?"

They all stopped drinking, well, except Emma. Wala naman siyang alam.

Jacob nodded after a moment of silence.

"Yeah, would that be awkward for you, Kate?" Nag aalala niyang tanong.

Umiling ako agad. "Ah, no, I was just asking. Para hindi na ako mabigla kapag nakita ko siya."

Elisa looked at me. "Hindi ba talaga kayo magbabalikan?"

Ngumiti lang ako, hindi nakasagot. Nagpatuloy akong  uminom. Mainam palang magpakalasing nalang ngayon.

I excused myself and went to the dancefloor to dance. Gusto kong makalimot, magliwaliw, at magpalunod sa music.

Gusto kong hindi maalala ngayon si Theo o kahit makita man lang siya.

Gusto kong maka-move on ng mabilis tapos makita na agad ang sarili.

Gusto kong maging masaya na lang agad.

Ayoko na ng proseso, ang tagal.

Pumunta ako sa CR para sumuka at bumili ng sigarilyo sa babaeng lumapit sa'kin at nag offer.

Saglit akong lumabas, nakakabingi ang music at nakakahilo ang neon  lights... pero hindi pa rin ako okay. Hindi pa rin ako nakakalimot.

Pumasok ako pagkatapos. Balak ko na sanang magpaalam kina Elisa at umuwi na. Madaling araw na rin kasi.

Pero wala na namang magawa si tadhana.

Wala na namang magawa kundi ang pag tripan ako.

Napako ako sa kinatatayuan ko habang tinititigan si Theo na may hinahalikang ibang babae. His hands were everywhere in the girl's body.

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon