44.

22 7 2
                                    

"We would someday get tired with life and forget its sense."

"Can you review your content? It's not clear to me, sorry. Your different paragraphs got different directions, Ella," I said in a calm voice.

Yumuko siya. "I'm sorry, ma'am."

Tumango ako. "I need that tomorrow first thing in the morning, go. This is like your third revision."

Tahimik siyang lumabas pagkatapos humingi muli ng tawad.

Sumimsim ako sa kape ko. Nawawalan ako ng pasensya kasi paulit ulit na pero hindi pa rin magawa ni Ella ng tama ang content post na pinapagawa ko sa kanya.

Okay, she is a fresh grad but she has to try harder. I am pissed off. Gusto kong  intindihin kasi dati rin naman akong nahirapan at nangapa pero okay, nakakawala talaga ng pasensya lalo na at may hinahabol kaming deadline. Damn.

Nag inat ako bago sinagot ang tawag mula kay KC.

"Ate, hello. Hindi ka ba talaga uuwi? Bisitahin mo man lang 'yung tinayo mong bahay. Ako nag decorate sa kwarto mo." Rinig ko ang saya sa boses ng kapatid ko. Kakalipat lang nila sa bagong pagawa naming bahay. After four years of doing my best to give them back the life we had, it's all here now. We are gaining it now.

Hinilot ko ang sentido ko. "Sige nga, paano ako uuwi kung may deadline kami this week?" I slightly laughed. "Masaya naman ba kayo?"

"Oo, ate," halos sigaw ni KC. "Ibibigay ko kay Papa, kausapin ka raw niya. Basta, ate, uwi ka as soon as possible."

"Demanding."

"Dalhin mo na rin si Kuya Theo." Narinig ko pa ang tawa niya bago marinig ang boses ni Papa.

Masaya akong masaya sila.

"Anak," tawag ni Papa. "Sumaglit ka man lang dito sa weekend. Wag mo naman masyadong pagurin sarili mo, halos kalahating taon ka nang hindi nakakauwi."

"Papa, busy kasi," pagdadahilan ko.

"Aanhin namin 'tong malaking bahay kung hindi naman tayo kumpleto?"

Natahimik ako, biglang nalungkot.

"Umuwi ka na, Kate. Kapag ba buhay pa ang mama mo ay hindi ka ganyan ka-pasaway?"

Napasimangot ako. "Papa naman, sige na nga, uuwi na ako sa Sabado. Pero saglit lang din, okay?"

Rinig ko ang buntong hininga ni Papa. "Mahal kita, anak, salamat sa mga sakripisyo mo. Sana hindi kami nakakasagabal sa kinabukasan niyo ni Theo."

"Ano ba, Papa, syempre hindi."

"Isama mo na rin siya, matagal ko nang hindi nakikita ang batang 'yun."

I chuckled. "Bata talaga?"

Humalakhak rin si Papa. "Hangga't hindi pa niya hinihingi ang kamay mo sa'kin para magpakasal ay bata pa rin ang turing ko sa kanya."

Mahina akong tumawa. "I love you, Papa. Bye na. Tawag ulit ako mamaya."

Muli niyang ipinaalala ang pag uwi ko sa Sabado bago ibinaba ang tawag.

Bumuntong hininga ako pagkababa ng phone. Matapos ang ilang minuto ay binuksan ko na ulit ang desktop at bumalik sa pagta-trabaho.

It was tiresome days, then weeks, then months.

Paulit ulit na lang ang nagaganap sa buhay ko. Gigising ng maaga, magtatrabaho buong magdamag, uuwi ng apartment, matutulog ng late... tapos gigising ulit ng maaga.

Wala ng bago. Napapagod na ako. Ramdam na ramdam ko na.

Nawala na 'yung excitement sa pagsusulat. Nagsusulat na lang ako ng mga contents para sa deadlines, demands... para sa trabaho... para kumita.

Para mabawi ko 'yung komportableng buhay namin dati... para matupad ko ang mga pangako ko kina Mama at Papa.

Para maging proud ang pamilya ko.

Para may ipon ako para sa future.

Para maging financially stable.

Para may trabaho lang.

Para may gawin sa araw-araw.

Hindi nagsusulat kasi gusto ko.

Ayoko ng magsulat.

Pagod na ako.

Nakakaawa na ang mga rason ko.

Hindi na ito ang rason ng 18-year-old na Kate kaya niya kinuha ang kurso niya dati.

I'm damn tired, pathetically tired...

"I'm sorry, sir." Pinagmasdan ko lang si Mr. Lee.

"Are you sure about this, Miss Garieggo? Why are you suddenly resigning? Are you getting married or what?"

Nakaawang ang bibig ko. Nakatitig lang ako sa kanya bago umiling pagkatapos ng ilang segundo. "N- No, sir. It's a personal reason."

Nanatiling nakakunot ang noo niya. "Think about it again, Miss Garieggo. I hope you know what you are about to lose. You've invested so much already in my company."

Ngumiti lang ako nang pirmahan niya ang letter. "Thank you, sir."

Tumingin siya sa'kin. "The company would still welcome you if ever you change your mind."

Wala ako sa sariling tumango at muling nagpasalamat bago tuluyang nilisan ang opisina niya.

Baliw ka na nga, Kate.

Ilang gabi akong hindi nakatulog. I was thinking about the resignation and the consequences. Malaki ang mawawala sa'kin but maybe I'm drained, I am free to quit whenever I want to.

Diretso akong umuwi sa apartment, naligo at binalot ang sarili sa kumot.

Sobrang pagod na siguro talaga ako, 'yung tipong hindi ko na kayang humagulgol kahit sunod sunod ang pagbuhos ng luha ko.

I was so tired with what I am doing with life to the point that I don't understand it anymore.

Masyado akong napagod at hinayaan ko na lang ang mga luha kong kumawala hangga't sa nakatulog ako.




This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon