Sa buhay, hindi puro saya lang – may lungkot, sakit, galit. Dapat handa ka sa lahat ng emosyon.
—
Hindi ako nagpa-apekto. Pinilit kong wag magpa-apekto. Ano naman kung ilang araw na siyang wala? Ano naman kung walang text, tawag, o paramdam?
Wala naman siyang obligasyon sa kahit na sino – sa’kin. Mas nag focus ako sa mga articles na pinapagawa sa amin, sa thesis na sinisimulan namin, at sa lahat ng pwede kong pagtuunan ng pansin.
Wag lang siyang maisip.
Pumupunta pa rin kami sa club dalawa o tatlong beses sa isang linggo. Kapag tinatanong nila ako kung bakit hindi ko kasama si Theo ay sinasabi kong hindi ko alam, sabay tawa at sabing baka busy sa acads.
Hindi ko alam kung may nagawa ba akong masama o pangit kaya hindi na siya nagpaparamdam, pero wala akong matandaan. I should not feel guilty. Wala naman akong ginawa. Wala akong natatandaang may mali akong ginawa.
“Baka ngayong Sabado, Ma, uuwi ako,” wika ko kay Mama sa telepono.
“Siguraduhin mo naman, Kate, tatlong linggo ka nang hindi umuuwi. Nag-aalala na kami rito,” tugon ni Mama.
“Ma, ayos lang naman ako dito. Busy lang talaga ako sa dami ng pinapagawa ng mga profs.”
“Sige, anak, balitaan mo na lang ako. Mag-ingat ka diyan palagi.”
Inimpake ko na ang mga damit na hindi ko na susuotin at mga balak dalhin sa Laguna. Uuwi na muna talaga ako ngayong weekend. Mabilis rin pala talaga ang pagtakbo ng bawat araw, tila nakaligtaan ko silang kamustahin.
Masyado akong nagsaya dito sa Manila at nang nakaramdam ako ng saglit na pangungulila, naalala ko ang pamilya Garieggo – ang pamilya ko.
Binuksan ko ang conversation namin ni Theo at sinubukang mag-tipa ng message.
hi, kamusta? Agad ko ring binura, masyadong pormal. Muli akong nag-tipa ng dude,sup? pero pinalitan ko rin ng oy, theoDOREEE kaso naisip ko na paano kung basahin niya lang at hindi niya replyan?
Matagal kong tinitigan ang picture niya sa contact number ko sa kanya. Pumikit ako at pinindot na ang pangtawag.
Hindi siya sumagot. Mga tatlong beses kong inulit ang pagtawag pero can’t be reached raw ang telepono niya. Itinago ko ang cellphone ko at pumunta na lang sa canteen para bumili ng makakain.
Ano na kaya nangyari dun? Dalawang linggo ko na siyang hindi nakakausap. Medyo nag-aalala lang ako. Pero baka trip niya lang, napagdesisyunan niya na ayaw na muna kaming – akong – kausapin.
Tinuon ko na lang ang sarili sa pagtapos sa mga homeworks ko. Bukas ay uuwi na ako sa Laguna, at least doon kahit isang araw man ay ma-divert ang atensyon ko.
Kate, wala kang karapatan, akala mo diyan. Umayos ka.
“Pumunta ka na bang La Salle?” Tanong ni Elisa.
“Hindi, bakit naman ako pupunta dun?”
Inirapan niya ako. “Kate, kasi halata. Miss mo si Theo.”
Bumusangot ako at nilihis ang tingin sa mga nagpa-practice ng soccer. “Wag mo akong asarin, wala ako sa mood.”
“Gaga, hindi kita inaasar. Dalawang linggo nang walang paramdam si Theo, dalawang linggo ka na ring matamlay.”
“Elisa, ayokong pag-usapan.”
“See? Tinatanggi mo kasi feelings mo, girl. Para namang hindi mo kami kaibigan ni Fe, ilang buwan ka nang may gusto kay Theo pero ayaw mong sabihin sa’min,” mahinahon niyang sambit. “Hindi ka naman namin huhusgahan, normal naman yang nararamdaman mo.”
Umiling lang ako. Normal sana kung gusto rin ako, kaso hindi.
“Alam mo sigurado kami lahat, pati si Mark, na may gusto rin sa’yo si Theo. Nagpapakiramdaman at naghihintayan lang kayo.”
Tiningnan ko siya. Kikiligin sana ako kaso alam ko naming naga-assume lang sila. “Hindi ako gusto nun.”
“Pa’nu mo nasabi?”
“Alam ko lang.”
“Hindi mo alam,” sagot niya.
“Wag mo ‘ko awayin,” biro ko.
Walang gusto sa’kin si Theo kasi – wala siya. Walang text, walang pasabi.
Kakauwi lang namin ni Elisa nang dumating si Fe na parang aligaga.
“Kate.”
Nagtataka ko siyang tiningnan. “Bakit?”
“Si Theo – kakamatay lang ng papa niya.”
Napatayo ako. “Na’san siya?”
“Tagaytay.”
BINABASA MO ANG
This Ends Here (✓)
Teen FictionOn a halloween party, year 2017, Kate Garieggo dressed as red riding hood and went to party with her friends. That night, fate works itself. She met Theodore Blake, the guy from Hawaii, dressed as wolf. Kate knew she immediately fell in love - love...