Mahalaga raw ako... okey, nakakakilig tapos tunog paasa.
—
"Chloe, this is Kate. Kate, this is Chloe."
Nakangiti kong inabot ang kamay ni Chloe. "Hi, nice to meet you."
"Yes, nice to meet you, Kate." Malaki ang ngiti niya, gumegewang-gewang na rin. Marami na yata siyang nainom.
Pinanuod ko siyang lumingkis kay Theo. Nanlalaki ang mga mata kong pinili na lang tumingin sa inupuan namin kanina.
"Theo, can you take me somewhere?" Ani niya sabay halik sa leeg ni Theo. Si Theo naman ay inaalalayan siya at pinipigilan.
I pursed my lips. Kailangan ko na yatang umexit. "Theo, balik muna ako sa pwesto natin." Pilit ang ngiti ko at nagmamadali ng umalis.
The heck? Ang wild naman 'nung Chloe. Paano siya uuwi? Or balak niya bang ikama si Theo?
Napapailing na lang ako sa mga naiisip ko. May utak rin naman si Theo. Kung gusto niyang may mangyari sa kanila ni Chloe ay may mangyayari talaga.
Tinungga ko ang sarili kong bote ng alak. Ang dumi ko naman agad mag-isip. Damn, Kate. Lasing ka na din.
Nabigla ako nang agawin ni Theo ang iniinom kong alak at umupo sa tabi ko.
"Tama na 'yan, masyado kang lasenggera."
I rolled my eyes. Nararamdaman ko na 'yung alak sa sistema ko, naiirita na agad ako.
Pinanuod ko siyang inumin 'yung alak ko. Umiwas ako ng tingin.
"Asan na si Chloe?"
"Sinundo na ng pinsan niya."
Tumango ako. "Close kayo nun?" Pang-uusisa ko.
He shrugged his shoulders. "Okay lang. Crush ako nun dati," tumatawa niyang sagot.
Napangiwi ako. Parang pumitik 'yung puso ko. Okay, Kate, ang OA. "Hanggang ngayon naman, dude. Halos hubaran ka na kaya niya kanina."
He chuckled. "That, too. She said she still likes me, kanina."
I pursed my lips. Niyakap ko ang sarili, lumalamig na tapos naka-tank top ako. "E, ikaw, gusto mo siya?"
Dalawang beses siyang napatingin sa'kin, hindi ata inexpect ang tanong ko. "Dude, no."
"Weh? Maganda kaya siya, blonde pa tapos sexy."
Humalakhak siya. "Tapos?"
Tiningnan ko siya ng masama. "It's not impossible for any guy to like her — for you to like her."
"Dude, ang seryoso mo," tugon niya. Ibinigay niya sa'kin ang jacket niya. "Mga babae talaga, lamigin."
"Wow, thanks, nang-offend pa."
Nagbukas ako ng panibagong bote dahil inubos niya na talaga ang akin.
"Bakit nga ulit wala ka pang girlfriend?"
Nagkibit balikat siya. "I don't know."
Kumunot ang noo ko. "Bakit nga? Wala ka pa bang nagugustuhan?" Sabi ni Fe ay hindi pa nagkaka-girlfriend si Theo, puro flings lang. Parang ako, pero never din naman ako nagkaroon ng boyfriend.
"Well, I have eyes," he said in a matter of fact tone. "May mga nagugustuhan ko, pero ganun ba dapat? Should I be in a relationship... just because I find a girl beautiful or sexy... or fun to be with?"
Ako naman ang nagkibit balikat. Bakit nga din pala ako hindi pa nagkakaboyfriend? Marami naman akong nakakasalamuhang mga may itsurang lalaki o mga talented... pero wala pa nagugustuhan 'ni isa — except sa kaharap ko ngayon.
"I want to date the girl I want to marry in the future."
His answer make my heart skip a beat. It's deep and ideal, I like it.
Inagaw niya ulit ang hawak kong bote ng alak, at uminom muli dun. "I don't want to have an ex. So, I am taking my time... I want to date the right person."
Halos hindi na ako makahinga. Pumikit ako at pinakalma ang sarili. "Lagi mo na lang kinukuha ang iniinuman ko. Hindi ka ba marunong magbukas ng bote?"
Nagkibit balikat siya at sumandal sa upuan. Tahimik akong pumapak ng pulutan. Dapat kasi, Kate, hindi ka na nagtanong. 'Di ka tuloy makahinga ngayon.
Paulit-ulit kong naririnig ang mga sagot ni Theo. Nakakarindi. Ang sarap manakap. Hindi pa rin ako makahinga ng maayos, nakakainis 'yung ganito.
Hindi na ako makahinga dahil sa pinaparamdam niya sa'kin pero wala siyang kaalam-alam.
I waved at him. "Pasok na 'ko. Aloha," sambit ko.
Ngumiti siya at nag-hang loose gamit ang kanang kamay. "See you sa pasukan. Advance merry christmas and happy new year."
I smiled and nodded. "Advance merry christmas and happy new year," I echoed. "Pasalubong ko, ah?"
Tumango siya. "Oo naman, ikaw pa ba? Mahalaga ka kaya sa'kin."
Inirapan ko siya. Mas lalong hindi na ako makahinga.
BINABASA MO ANG
This Ends Here (✓)
Teen FictionOn a halloween party, year 2017, Kate Garieggo dressed as red riding hood and went to party with her friends. That night, fate works itself. She met Theodore Blake, the guy from Hawaii, dressed as wolf. Kate knew she immediately fell in love - love...