“Kapag ba pinakawalan kita saglit ay mangungulila ako at muli kang hahanapin?”
—
Hindi ako umuwi ng apartment. Alam kong hahanapin ako ni Theo, pupuntahan niya ako doon. Ayoko muna siyang harapin. Alam kong mangungulit siya, hindi ko siya masisisi. Bigla ko siyang binitawan at iniwan sa ere.
“Okay ka lang ba talaga?” Nag aalalang tanong ni Fe. Sa kanila kasi ako pumunta, mas malapit ang condo niya kesa kay Elisa.
I tried to smile. “Hindi ko alam, nababaliw na ako,” halos bulong ko.
“Baka nabigla ka lang, Kate. Kung nakipag break ka dahil sa mga sinabi ko na what ifs-”
I cut her off. “No, you’re actually right. Baka hindi ko na mahal si Theo o baka nag settle lang ako sa idea na mahal ko siya kasi gusto ko ng pag-ibig dati tapos dumating siya, tapos ayoko nang mag fail ‘yung relationship namin kaya kahit parang may kulang ay hindi ko pinansin. But that emptiness ate me, hindi ko na kayang mag stay sa isang relationship na lagi akong nagtatanong.”
“I’m sorry, Kate.”
“No, it’s not your fault. Ginising mo lang ako at tama ‘yung mga tanong mo, ‘yung ginawa mo. Alam mo bang binilhan na ako ng singsing ni Theo at itinago ko ‘yun kasi natatakot akong hingin niya ‘yung kamay ko kay Papa tapos ma-pressure ako, tapos mag-yes ako?” Umiling ako. “Hindi deserve ni Theo na makasama habambuhay ‘yung katulad ko na hindi siguradong mahal siya. Hindi ko deserve ‘yung singsing na ‘yun.”
Natahimik si Fe. Batid kong nalulungkot siya sa sinapit namin ni Theo. Ako rin naman, labis na nalulungkot… pero alam kong tama ang pagbitiw na ginawa ko, ayokong ikasal kasi napipilitan ako. Ayokong ikasal kung may pagdududa sa puso ko.
“I returned that ring to him and then broke up with him. Mahal na mahal ako ni Theo, Fe. Nagi-guilty ako.” I sobbed.
She caressed my back. “Wala kang kontrol sa puso mo, Kate. Hindi mo kayang ipilit ang pag-ibig.”
Siguro ay tama ulit si Fe. Hindi ko kayang diktahan ang puso ko. Hindi ko kayang utusan ang utak ko kung anong emosyon ang nais kong maramdaman. Wala akong kontrol.
For days, I stayed at Fe’s place. I was just so scared of going home. Takot ako kay Theo. Takot akong makita sa mga mata niya ang sakit na ibinigay ko sa kanya. Alam kong masasaktan rin ako ng sobra kapag nakitang lumuluha ang mga mata niya.
Hindi ba pagmamahal na maituturing kapag nasasaktan ako tuwing nakikitang nasasaktan rin siya?
It was on a Saturday afternoon when I decided to go home. Masyado na rin akong nakakaabala kay Fe. I have to go fix my life all by myself.
But, my fear came real. Theo was just waiting for me, eyes bloodshot. Mukha siyang hindi nakatulog at lasing. I am destroying him.
I’m also destroying myself, too.
Gusto ko sanang tumakbo pero hindi ako pinahihintulutan ng mga paa ko. Alam kong kailangan kong kausapin si Theo. Hindi ako makakapagtago palagi.
Mahigpit na yakap ang sinalubong niya sa akin. Humagulgol siya sa balikat ko.
Nakakapanlumo. Hindi ko kakayanin kong magmamakaawa si Theo pero ayoko rin namang makulong sa relasyon namin habang araw-araw kong tinatanong ang sarili ko kung mahal ko ba siya o mahal ko pa ba siya.
“Kate, what did I do wrong?”
Humugot ako ng hininga, pinigilan ang mga luhang pumatak. “Hindi ikaw, Theo. Sorry…”
Hinarap niya ako. “Kate, I was supposed to ask you to marry me. Bakit ka nakipaghiwalay? You don’t love me anymore? You didn’t love me?” Tumutulo ang mga luha sa pisngi niya.
Parang kinukurot ang puso ko. Nangapa ako ng tamang mga salita. Matagal bago ko siya nasagot. “Sorry. I’m just tired with life. I’m tired questioning my love for you. I’m afraid to marry you kasi hindi mo deserve ‘yung babaeng pagod na sa buhay… pagod ng lumaban. Hindi mo deserve ‘yung babaeng hindi sigurado sa’yo. I’m exhausted and you don’t deserve me.”
“Putangina, Kate.” Taas-baba ang balikat niya, nagpipigil sumabog. “Eight years tayo… tapos hindi ka sigurado sa’kin?”
Umiling ako at nagpahid ng luha. “Hindi… hindi ko alam… sorry.”
Pagod at nasasaktan niya akong tiningnan. “Akala ko ba walang hiwalayan?”
Mas lalong sumikip ang dibdib ko at yumuko, hinayaang tumulo ang mga luhang hindi yata nauubos. “Akala ko rin, Theo, kasi akala ko sigurado ako sa’yo.”
“Anong nagawa kong mali? Depressed ako? Walang oras sa’yo? Kulang ako?” He was heavily breathing. “Kate, sabihin mo. Bakit hindi ka na sigurado?”
Iling ang ginawa kong sagot. “Theo, hindi ko alam… Sorry… Sorry sa eight years… Sorry hindi pala kita kayang pakasalan… Sorry, hindi ko alam… Palayain na lang natin ang isa’t isa, please?”
Nagulat ako nang lumuhod siya sa harap ko at kumapit sa bewang ko. “Kate, mahal kita… hindi ko kaya… hindi ko kayang mawala ka… ikaw na lang ang buhay ko… alam mo yan...”
Mas lalo akong nasasaktan. Pinilit ko siyang patayuin. “Tama na, Theo.”
“Kate, wag… Binuo mo ako, e. You fixed me when you saw me broken. Wag mo naman akong basagin ulit, please…”
Tahimik akong humagulgol. “Theo, ayoko na kasi… pagod na kasi ako, e… ako kasi ‘yung nabasag ‘nung binubuo kita…”
“Kate, mahal kita…”
“Sorry…”
Mas humigpit ang hawak niya. “I can’t let you go… I can’t lose my life… Kapag ba saglit kitang binitawan ay babalik ka? Kasi, Kate, pagod ka ngayon, diba? Baka naman pwedeng magpahinga ka na lang muna? Wag mo naman akong iwan, Kate…”
“Hindi ko alam, Theo…”
BINABASA MO ANG
This Ends Here (✓)
Novela JuvenilOn a halloween party, year 2017, Kate Garieggo dressed as red riding hood and went to party with her friends. That night, fate works itself. She met Theodore Blake, the guy from Hawaii, dressed as wolf. Kate knew she immediately fell in love - love...