27.

20 7 1
                                    

“Love is a rollercoaster ride. You go up, then down, then up… Your end roads depend on you.”
-

Paulit-ulit kong pinilit magpasok ng pera sa account ni Theo pero paulit-ulit ring nari-reject. I was so pissed off. Ang hirap niyang kausapin, sinabi ko ngang ayokong nakikitulong siya sa obligasyon ko.

Cris waved at me. Bumuntong hininga ako at nginitian siya ng kaunti. I made peace with him, mas lalo lang kasi siyang nangungulit ‘nung hindi ko siya pinapansin.

“Coffee?” Inalok na naman niya ako ng isang cup na hawak niya. Hindi talaga siya marunong makiramdam o nagmamanhid-manhidan lang. “For accepting my apology.”

I plainly smiled, tiningnan lang ang kapeng hawak niya. “Actually, nakadalawang coffee na ako ngayong araw. Mamaya na ulit akong hapon iinom, I’m trying to dent my caffeine intake,” I said in a nice tone.

Nawala ang ngiti sa mukha niya. “Are you still mad at me?”

Napapikit ako. Sa tingin ko talaga may sapak ‘tong si Cris, kung hindi ko lang talaga siya katrabaho ay hindi ko na ‘to kakausapin kailanman. “I explained, diba? And, tinanggap ko na sorry mo. I don’t wanna argue, Cris.” I tapped his shoulders. “May tatapusin pa akong narrative report.”

“Then let me buy your coffee later,” pahabol niya nang magsimula na akong maglakad palayo.

I just smiled at him and continue walking away.

Napa buntong hininga na lang ulit ako pagka-upo ko sa lamesa ko. Nakaka stress ang mga nangyayari. The last time I checked, I am just nice. I did not sign up for any of these.

It was almost six when I stood up and simply made little stretches. Nagkunwari akong naka focus sa trabaho ko kanina para lang hindi ako madisturbo ni Cris. But he still put a cup of coffee in my table. Wala akong choice kundi tanguan siya bilang pasasalamat. I do not want more talks with him.

Napagpasiyahan kong maaga umuwi. Dadaan rin ulit muna ako sa second floor para subukang hulugan ulit ang account ni Theo. Sinadya ko talagang mag withdraw kanina kaya ang pang isang buwang ipapadala ko sana kina Mama ay nasa envelope pa.

I failed. Hindi pa rin mapasukan. Bumaba na lang ulit ako para umuwi na.

Pagkalabas ko ng elevator, I quickly saw Theo on the corner. Nakapamulsa siya at nakatitig lang sa kung saan. Makikipagbati na naman ‘tong gagong ‘to, pustahan.

Naglakad ako palapit sa kanya at agad rin naman niya akong napansin. He jogged towards me. Inirapan ko siya nang hinalikan niya ang noo ko.

“Aloha, love.” Malambing ang boses niya. Nanunuyo, halatang guilty sa pagpapaiyak ulit sa’kin kaninang madaling araw.

“I think four times.” Mapanuri ko siyang tiningnan. “Pabalik-balik ako sa second floor para subukang hulugan ‘yung account mo. Laging rejected.”

Apologetic siyang ngumiti. Kinuha niya ang bag ko at yumakap sa’kin. “Sorry na, sadya ‘yun,” biro niya. “Okay na nga, dude. Wag mo ng bayaran. Hingi na lang kiss.” He pouted.

Inirapan ko ulit siya, pinipilit wag masuyo. “Theo, kasi, hindi ako makakatulog hangga’t hindi kita nababayaran man lang ng kalahati.”

“Pinipilit mong magbayad tapos kalahati lang?” Biro niya.

I rolled my eyes. “Gusto mo bang dalawang buwan akong hindi muna kumain pero babayaran kita ng buo?”

He chuckled. “Kaya nga, love, wag ka ng magbayad. Ikain mo na lang ‘yan.”

Pinilit kong kumalas sa yakap. “Sige na kasi. Hindi tayo magkakaayos hangga’t hindi mo tinatanggap ‘yung bayad.”

He pouted, parang tangang bata. “Sige na nga. Malakas ka sa’kin, e.”

I slightly smiled. Kinuha ko sa bag ang envelope at ibinigay sa kanya. “For one month.”

Tumawa siya. “Laugh out loud, love. Para akong bayaran, tara na sa kotse.”

Inirapan ko siya at sumama na. Ibinato ko na sa kanya ang envelope pagkasakay. Nag-ayos ako ng buhok at tiningnan siya. “Thanks.”

He smiled and kissed my forehead again. Kinuha niya ang envelope at tiningnan ang loob. “Kumain ka na ba?” He asked as he started the engine.

“Not yet,” tipid kong sagot. Sinadya ko talagang walang overtime ngayon, I missed the happy moments like this.

“But you ate lunch?”

I shook my head. “Just coffee.”

Tinitigan niya ako ng masama. “The fuck, dude. Buti na lang marami akong pera ngayon.”

I laughed. “What?”

He chuckled and pointed the envelope. “Gusto mo ba ‘yang ubusin ngayong gabi sa pagkain?”

Mas lalo akong natawa at ginulo ang buhok niya. “Gago.”

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon