Parang kayo pero hindi, gusto mo pero malinaw na ito’y malabo.
—
Isang rule sa amin nina Fe at Elisa na isang linggo bago ang exam, walang night party o daldalan. Lahat ng energy namin ay ilalaan sa pagre-review lang. Hindi kami pwedeng magsibagsakan, it’s the number one rule sa college na itinayo ng mga magulang naming noon para payagan kaming mag dorm tatlo.
Si Fe ang tig-timpla ng kape. Biology major siya, accountancy naman si Elisa. Sabay-sabay kaming nagpupuyat pero halos hindi nag-uusap. Naka-focus kami sa pagre-review.
“Third cup for each of us,” pagod na sambit ni Fe at binigyan kami ng tig-isang baso ng kape.
“Thanks,” Elisa and I muttered.
“After this coffee, matutulog na muna ako. Sobrang sakit na ng ulo ko,” sambit niya.
“Matutulog ka na pala, iinom ka pa niyan?”
“Yeah,” sabog niyang sagot.
Hindi na ako sumagot at tumutok na lang sa gawain ko. In college, you would be in dire need for sleep the same way you won’t need it. Number one, you have to sleep because your body needs it; number two, you have to not sleep because time is so precious.
Natulog na kami ng maayos isang araw before the actual exam day, we know we must. Kinabukasan ay nagising ako na wala na silang dalawa, nasa school na. Mas maaga ang schedule nila, mabuti na lang at alas-diyes pa sa akin.
“Good luck sa exams mo,” ani ni Theo. Dumaan siya sa university kasi rest day niya naman ngayon. Next week pa ang exam nila, wala na rin silang discussion dahil tapos na raw. Ngayong linggo ay projects at review ang aasikasuhin niya.
“Salamat, pagkatapos ng linggong ‘to iinom ako ng marami,” biro ko.
“Nice, Kate is back.” He chuckles.
I smirked. “Magpa-party na kami tapos ikaw mage-exam pa,” asar ko.
“I could do both.”
“Yabang, sige na, aloha," tugon ko. Inirapan ko siya at inalisin na.
Slight akong confident sa mga sinagot ko sa exam, syempre kahit sobrang review ko ay mahirap pa rin. Sabay-sabay kaming nag ice cream bilang celebration nina Fe at Elisa. Pinagkwentuhan naming kung gaano kahirap ang mga tanong.
“Inom na agad tayo mamaya,” aya ni Elisa.
“Gago, tulog muna tayo,” tumatawa kong sagot.
“Maganda kayang pampatulog ang alak.”
“Pass, next week na. Dadamhin ko muna ang pagtatapos ng hell week.”
“Sus, baka naman hinihintay mo lang matapos exam sa La Salle,” asar ni Fe.
Binato ko sa kanya ang nilukot kong resibo. “Galing ng utak mo, inventor.”
Hindi na nila tinigilan ang pag-asar sa’kin kaya wala akong choice kundi sumama sa kanila. Nakakaasar. Hindi ko naman talaga hinihintay matapos exam ni Theo.
Mga gago.
“Oy, on the way raw si Theo,” wika ni Fe habang ngumunguya ng nachos.
Inirapan ko siya. “Tigilan niyo na pag-asar sa’kin kasi sinamahan ko na kayo kahit ayoko.”
“Totoo nga!”
Inirapan ko ulit siya at hindi na pinansin. Tahimik na lang akong umiinom sa gilid. Niyaya silang sumayaw ng mga boyfriends nila at nagpa-iwan ako. Wala ako sa mood sumayaw.
Mas gusto ko talagang matulog na lang muna pero andito ako dahil sa mga pang-aasar nila.
Isang morenong lalaki ang tumabi sa’kin ilang minuto pagka-alis nina Fe. Kanina pa ‘to nakatitig sa’kin pero hindi ko lang binibigyang malisya. Tapos andito siya ngayon, masasapak ko ‘to maya-maya.
“Do you mind if I give you a shot of my drink?”
“I’m already drinking,” ismid ko.
“Do you want to dance?” Itinuro niya ang dancefloor at tiningnan ko na siya ng masama.
“I’m fine.”
He smirked. “I’m Andrew, by the way. You are?”
Napairap ako sa inis. “I’m – not interested.”
He chortled. “C’mon, let’s have fun.” Tumayo siya at hinawakan ang kamay ko.
Nagulat ako at marahas na binawi ang kamay ko. “Ano ba?!”
Lasing na siya. “Let’s dance, miss.”
Hahawakan niya sana ulit ako pero may umawat at tumabig sa kamay niya. “Nice try, man, but this girl is mine.”
Napahiya ‘yung Andrew, humingi ng pasensya, at umalis.
Hinawakan at tiningnan ni Theo ang dalawang kamay ko sabay himas sa ulo ko. “Okay ka lang?”
Baliw na ako ‘nung mga oras na ‘yun. Naghalo na ang pagod, alak, at gulat sa mga pangyayari. Niyakap ko si Theo. “Hindi ko alam,” wala sa sariling sambit ko.
Mukhang nabigla rin siya at saglit na nabaliw. Niyakap niya ako pabalik. “Gago ‘yun, gusto mo puntahan ko tapos sapakin?”
Kinurot ko siya sa likod. “Gago.”
Gago, wag. Mai-in love ako sa’yo lalo.
BINABASA MO ANG
This Ends Here (✓)
Teen FictionOn a halloween party, year 2017, Kate Garieggo dressed as red riding hood and went to party with her friends. That night, fate works itself. She met Theodore Blake, the guy from Hawaii, dressed as wolf. Kate knew she immediately fell in love - love...