29.

18 6 1
                                    

“Loss and continuous disappointments may kill the fire of your vigor to love.”
-

Sunod-sunod na tunog ng ringtone at diretsong sakit ng ulo ang gumising sa isa’t kalahating oras ko lang na tulog. May meeting ako mamayang 7 am kaya dapat tatlong oras man lang ang tulog ko pero nagising nga ako.

Wala pa ako sa sarili pero tuluyang nawala ang antok ko sa hagulgol ni KC. Hindi siya makapagsalita ng matino kaya hinayaan ko muna siyang kumalma man lang kahit papaano. Sobrang lakas ng kabog ng dibdib ko, siguro dahil sa sobrang kape at pag iyak ng kapatid ko.

“Ate, kasi… wala na… si… Mama… ate…”

Saglit akong nabingi… nabobo… nawalan ng kapasidad na magsalita…

“Ate… kahapon lang masakit ‘yung ulo niya taposnatulog lang siya… ate… hindi na siya nagising…”

“KC,” ani ko pero hindi ko natuloy. May bumara sa lalamunan ko. Kumawala ang sunod-sunod na maiinit na mga luha pababa ng pisngi ko. Saglit kong nabitawan ang cellphone habang tinakpan ang bibig ko upang pigilin ang sobrang hagulgol.

Parang literal na tinapakan ang puso ko, paulit-ulit. Hindi ko mawari kung bakit ayaw maubos ng sakit o kung bakit tila ba pabigat pa ng pabigat ang tumatapak sa ‘kin.

Hindi pwedeng wala na si Mama. Nagtatrabaho pa lang ako, hindi pa namin nababawi ang buhay namin noon.

Ang lupa, bahay, kotse, komapanya… wala pa kaming nababawi.

Nagsisimula pa lang akong kumayod. Paanong wala na si Mama?

Paanong natutulog lang siya at hindi na nagising? Paanong wala na kaming ina? Paanong wala ng asawa si Papa? Paano na kami?

Tinawagan ko si Theo ng paulit ulit hangga’t sa nakatulog ako sa lalim ng mga hikbing hindi ko alam kung saan nanggagaling bukod sa lungkot, paghihinagpis at pagkawasak. Oo nga pala’t nasa isang conference siya ngayon. Mas lalo akong nanghina.

Alam kong kailangan kong itaguyod ang sarili ko ngayon rin. Nanalangin akong maging matatag. Hindi ko na matandaan kung paanong agad akong nakabihis at nakapag tawag ng cab para ihatid ako ng kalahating oras mula Makati hanggang Laguna.

I felt so devastated. Pagkarating ko sa bahay ay nasa kabaong na ang nanay ko. Maraming tao. May mga nagkakape, nag-uusap, nagpupunas ng mga luha. Nasa harap ng kabaong si Papa na nakaupo sa wheelchair at umiiyak.

Agad yumakap sa akin si KC na katulad ko ay hindi pa rin nauubusan ng luha. We hugged for a moment. Pareho naming sinubukang punan ng kaluwagan sa pamamagitan ng yakap ang aming pighati pero pareho kaming sawi.

Lumapit ako kay Papa at mahigpit siyang niyakap. We are both shaking. KC and I lost a mother, Papa lost his wife. We lost a light.

“Anak,” hagulgol ni Papa.

Tumango-tango ako at pinahid ang mga luha niya. May sakit si Papa, baka atakihin siya sa puso. Kung maaaring akin na lang lahat ng sakit na maaari naming maramdamang tatlo ay inako ko na.

Pinadaan ko ang mga daliri ko sa salamin ng ataul ni Mama. Ang kanang kamay ko ay humawak sa dibdib ko upang pakalmahin ang sariling nalulunod sa mga hikbi.

“Mama,” I uttered desperately. Hindi ako makahinga ng maayos. Tila nawalan ako ng kapasidad na magsalita ng maayos dahil paano ko kakausapin si Mama ngayong wala na siya?

Gumuguho ako sa loob at sa harap ng pamilya’t mga kamag-anak ko. Gumuguho ang pangarap at mga pangako ko sa pamilya kong makakabangon kami, makakabalik kami sa buhay namin noon.

I felt hopeless, lonely and broken. No one is there to comfort me. Of course, it could not be Papa, KC or anyone in the family. We are dealing with our loss. I need a comfort. And there is no one at the moment.

Matapos ang ilang araw ng paghikbi ay tila namanhid na ako. Nilamon na ako ng sakit at pighati. Pagkatapos mo palang masaktan at umiyak ay wala pa rin nagbago. Nawalan ka pa rin. Walang maibabalik.

Nakatulala ako sa sulok, pinapanuod ang mga kamag-anak at mga kakilala naming nakikiramay. Sina Papa at KC ang humarap sa kanila, hindi ko kaya. Masyado akong mahina.

Paulit-ulit kong iniisip na paano na kami? Paano na si Papa at sino na ang mag-aalaga sa kanya? Paano na si KC? Paano na ang bahay? Paano na kami ngayong wala na si Mama?

Totoo pala talagang walang pinipili ang kamatayan, tapos mo man ang mga pangarap mo o hindi.

I was so hopeless.

Nakalimutan kong tumawag sa trabaho o mag ayos ng sarili. I was so overwhelmed with the grief devouring my heart.

I felt a kiss on my forehead and a hug. I heard someone whispered aloha to me and deeply apologized for not being able to answer my calls. Paulit ulit siyang humingi ng paumanhin dahil lumipas pa ang dalawang araw bago siya makarating. May conference, hindi siya nakasibat agad, kahapon niya lang nalaman.

Wala akong lakas na tingnan siya o pansinin o tumugon man lang ng aloha. I was focusing on the pain inside my chest.

I lost a mother. Siguro sapat na ito para pagbawalan ko muna ang puso kong tumanggap muli ng pagkabigo.

This Ends Here (✓)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon