ARABELLA'S POV
"Babe is that you?"
Napalingon ako sa pinanggalingan ng boses at ganoon na lamang ang pagkagulat ko ng makita ko sya.
Oh no!
It's ...
It's ...
It's ...
Vienne Alcantara Elizalde
My twin sister's fiancee
I'm so dead!!!!
Sa sobrang pagkataranta ko ay di ko napigilan ang mga paa kong tumakbo papalayo sa parke. Nag ala-flash tuloy ako, pwede na akong mapasali sa the Avengers sa sobrang lakas ng takbo ko.
"Babe wait! Why are you running!" sigaw nya habang hinahabol ako. Ako naman itong si nerbyosa, mas nilakasan pa ang takbo ko. Di alintana ang pamamanhid ng mga paa ko, pawisan na din ako at higit sa lahat hinihingal na ako sa sobrang kaba, pagod, at halo halong emosyon.
Napahinto ako sa isang eskinita, agad akong naghanap ng mapagtataguan. Isiniksik ko ang katawan ko sa isang tabi habang paunti-unting sumisilip kung sumusunod pa ba sya. Habol habol ko pa din ang hininga ko. My god! tanang buhay ko ngayon lang ako nakatakbo ng sobrang bilis. Mukhang aatakihin ako neto pagkatapos.
Nang mapagtanto kong wala ng sumunod sa akin ay naisipan kong lumabas at naglakad pabalik sa parke kung saan ko naiwan ang bisikleta ko. Si Klarence! Oo nga pala nakalimutan ko sya sa sobrang pagkataranta ko. Naku! Baka ano na ang nangyari sa kanya.
Binilisan ko ang paglalakad ko, ayaw ko namang tumakbo dahil medyo manhid pa ang mga paa ko. Nauwi tuloy sa lakad takbo ang ginawa ko. Nang makarating ako sa parke ay may nakita akong lalaking nakatalikod na naka suit, agad akong nagtago sa isang malapit na puno. Pinagmasdan ko sya, ang tindig nya sobrang ganda pati pangangatawan.
"Ate ganda!" naputol tuloy ang paglalarawan ko sa isang nilalang dahil sa pagtawag sa akin ni Klarence. Pati ang lalaking naka suit ay napalingon din sa gawi ko. Napangiti ako ng napakalapad dahil okay lang sya. Tuluyan na akong lumabas sa puno ng masiguro kong di si Vienne ang lalaki, naglakad na ako papalapit kay Klarence.
"Hi baby girl, sorry ha kung naiwanan kita kanina, ihing ihi na kasi si ate ganda eh" sabi ko sabay gulo ng buhok nya. Niyakap ako ni Klarence at hinila papalapit sa lalaking naka suit na nakatingin din pala sa amin.
"Tito Daddy, this is ate ganda, the one who help me to get back my Menie and the owner of this bike" magiliw nyang saad habang nakatingin sa Tito Daddy nya.
"Oh, you're right Klarence she's really pretty. Ate ganda really suits her" sabi ng lalaki. "Oh! my bad, I should introduced my name first, I am Robert Matthew, Klarence is my niece. Kanina ko pa inayayang umuwi itong pamangkin ko kaso ayaw nya dahil babantayan nya pa daw ang bisikleta mo hanggang sa makabalik ka" sabi nya sa akin habang nakangiti na parang model ng isang toothpase.
"Oh! Hi, nice meeting you. I am Arab-e-nella, Aranella Mcheaven Fuentabella, pasensya na kung pati ikaw naabala pa. Pero thank you na din sa pagbabantay" sabi ko.
"Tito daddy, ate ganda, you look good together" Klarence said na parang kinikilig. Sabay kaming napatingin sa kanya at napahalakhak. Agad umupo si Robert para magpantay sila ni Klarence.
"Baby, where did you learn that? Ang bata bata mo pa ha" his Tito Daddy said sabay karga sa kanya. Klarence just pouted.
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...