Chapter 24📌

3.9K 131 8
                                    

ARABELLA'S POV

Nagising ako dahil sa silaw ng araw na tumama sa mukha ko. Tumagilid ako ng mapaigtad ako sa sakit. Nawala ang antok na nalalabi sa akin ng mapagtanto ko ang nangyari. Shit! Akala ko panaginip lang ang nangyari kagabi.

Bumangon ako at nilibot ang mga mata ko sa kabuuan ng silid without noticing the man on the other corner looking at me. This is my room! How come? Pikit kong inaalala ang nangyari kagabi. All I can remember is that I was really drunk and someone help me. Nanlaki ang mata ko sa naalala. I was devirginize! Wait? With my own room?

Sinilip ko ang sarili ko sa ilalim ng kumot at ganoon na lamang ang pagkabigla ko when I saw a blood stain on the white sheet. Napatulos naman ako sa nakita ko. Hindi ako makapaniwala! Wala na. Wala na ang perlas ko! Umiyak na naman ako dahil sa pagsisisi. Makalipas ang ilang minuto at tumahan na ako, wal naman akong dapat iyakan. Ginusto ko din ito! Napalingon ako sa isang banda ng may biglang gumalaw. There I saw Vienne walking towards me, umatras ako hanggang sa nasa ulunan na ako ng kama at sya naman nasa dulo ng kama. Umupo sya doon at humarap sa akin.

"Who are you?"

I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko.

"What do you mean?"

I answered him as if nothing happened. I tried to ease the atmosphere but it was no use. He remains consistent. Ang mga mata niya ay punong puno ng galit at poot. I can sense it. Bigla syang tumayo and grab my arm.

"Don't make me fool! I know that you are not Aranella! I already took Aranella and she was not a virgin anymore when something happened between us! Alam kong hindi ikaw si Aranella! Now, answer me! Who the hell are you?" He shouted.

Napahinto naman ang mundo ko dahil sa pagsigaw nya at sa sinabi nya. This can't be. Buking na ako.

"Answer me! Sino kang impostora ka?!" galit nyang sabi habang hawak hawak ang braso kong namumula sa sakit.

"Ma-m-masakit V-vienne" saad ko ng may pagmamakaawa.

"Masakit? Bakit sa tingin mo hindi ako nasasaktan ngayon dahil sa natuklasan ko? Sabihin mo sa akin ang totoo! Sino ka!" Pabalibag nyang binitiwan ang braso ko. Napaupo ako sa kama dahil sa lakas ng pagkakabalibag nya sa akin.

My eyes started to water, umiiyak na ako dahil sa halo halong emosyon. Yumuko ako habang ang mga palad kong nakakuyom ay nasa ibabaw ng hita ko. Pasinghap singhap pa ako sa kakaiyak.

"Huwag mo akong artehan! Sino ka? Retokada ka ba ha? Ginaya mo ba ang mukha ng asawa ko para linlangin ako? Where is Nella! Nasaan sya! Kung hindi mo pa ako sasagutin I'll make sure na mabubulok ka sa bilangguan" napataas ako ng tingin sa sinabi nya. Hindi dahil ipapakulong nya ako kung hindi dahil sa salitang retokada.

"Hindi ako retokada Vienne" I used my own voice, Arabella's voice not Aranella na may pagkaoveracting. Nagtaas ako ng tingin at sinalubong ang nagbabaga nyang titig. "Ako si Arabella, kakambal ni Aranella" with that tumayo sya sinuntok ang dingding ng kwarto.

"Fuck! Fuck! Fuck! Kailan nyo pa ako niloloko! Mga wala kayong kwenta! Manloloko!" Sigaw nya habang patuloy ang pagsuntok sa dingding. Iyak lang ako ng iyak.

"I'm sorry Vienne, I'm really sorry for everything" iyan lang ang tanging masasabi ko. Humarap sya sa akin ng may galit.

"Get dress, tatawagan ko ang parents mo. We all need to talk"sabi nya bago binalibag pasara ang pintuan.

Nang makalabas na sya ay buong lakas akong umiiyak ng umiyak. Tumayo ako papuntang banyo kahit paika ika ako dahil sa sakit na nararamdaman ko. I clean my body at nagbihis ako. Nagsuot ako ng isang short at loose shirt.




"Anak" salubong sa akin ni mommy ng pababa ako ng hagdanan. Tumingin ako sa gawi ni Vienne na ngayon ay nasa iba ang direksyon ng kanyang mga mata. Masakit. Pero wala akong karapatan na maramdaman iyon dahil mas doble ang sakit na naramdaman ni Vienne sa mga oras na ito. Ang nasa sala ay ang daddy at mommy ko, si Vienne and a man with a black suit na may dalang briefcase.

I deeply sighed bago umupo sa isang bakanteng upuan sa sala.

"Let's start para matapos na ito. Attorney Cruz simulan mo na" may diing sabi ni Vienne. Napayuko lang ako at nagkuyom ng kamao to stop myself from crying.

"Okay, Mr. & Mrs. Fuentabella. Mr Vienne Alcantara Elizalde wanted to anulled his marriage to your daughter Arabella" sabi ni Attorney. I already expected this kaya hindi na ako nagulat.

"What? Why?" My dad reacted.

"Why are you asking me like that Mr. Fuentabella? Hindi mo pa ba nakikita ang dahilan kong bakit gusto kong mapawalang bisa ang kasal namin?" Sarkastikong sagot ni Vienne sa daddy.

"Mr. Elizalde, please patawarin mo kami. Nagawa namin ito because Aranella is nowhere to be found"pag amin ni mommy.

"You should have told me para matulungan ko kayong hanapin sya hindi iyong kung sino sino ang ipapalit nyo sa magiging asawa ko! I will forgive you both if your impostor daughter will sign the papers pero kung hindi ipapakulong ko kayong tatalo. With the wealth and power I have isang pitik lang nasa akin na ang gusto ko" Walang emosyong nyang pagkakasabi. nakangisi nyang sabi. Nag angat ako ng tingin sa kanya.

"You don't have to blackmailed me Mr. Elizalde. I will sign it immediately para matapos na ang lahat ng ito. So spare my parents huwag ka ng mandamay pa ng ibang tao!" Sigaw ko sa kanya. Agad kong kinuha ang ballpen na hawak hawak ng attorney and then sign the papers.

"Mr. Elizalde, ngayong araw na ito aasikasuhin ko na kaagad ang papeles na ito" sabi ng attorney at lumakad na paaalis sa mansion.

"Really? You're tough lady" saad nya. "Pack your things and leave my house" huling sabi nya bago umalis at pinaandar ang kotse.

"Bella, pack your things, sa bahay ka muna" mommy said. Napaupo na lamang ako dahil sa nararamdaman ko. Mommy and Bea pack my things, sila na lamang ang nag empake ng damit ko sa taas dahil wala akong gana na mag empake.

Nang makababa na sila ay agad nilang nilagay ang bagahe ko sa sasakyang dala ni mommy at daddy.

Pinagmasdan ko muna sa huling pagkakataon ang bahay na naging bahagi ng buhay ko. Ngumiti ako habang tumulo isa isa ang mga luha ko. I hugged Bea for the last time at nagpasalamat sa kanya.

Habang lulan ng sasakyan ay okupado ang isipan ko sa mga bagay na gagawin ko. Napahinto ang sasakyan ng hindi ko namamalayan. Unang lumabas si daddy at sumunod si mommy. Huli na akong lumabas at sumunod sa kanila papasok ng bahay.

"Pumunta tayong tatlo sa library" sumunod naman ako kanya habang nasa hulihan si mommy. Dad opened the door ng marating namin ang silid na kailangan namin. We entered the room and sitted down. May kinuha si dad sa drawer nya na mga papers at ibinato sa akin ito.

"Take that, nakapangalan na sa iyo ang property sa London. Lumayas ka na, wala kang kwenta. Huwag ka ng bumalik dito. I don't want to see you anymore Bella!" Sabi nya, I look at the papers at totoo nga ang sinabi nya. Pirmado at nakapangalan na ito sa akin. Kahit masakit sa loob ko tinanggap ko.

"Leonardo! Ano ba! Bella is still your daughter" sabi ni mommy kay daddy.

"Wala akong anak na kriminal" sagot ni daddy.

Napayuko ako sa sakit pero hindi ako umiyak. Nakaka dehydrate ang pag iyak. Stop na muna ako dyan.

"Aranella will be back next month. She called me yesterday kaya hindi na kita kailangan" dad push my button. Walang sabi sabi ay umalis ako ng bahay at sinabihan ang driver na dalhin ako sa isang hotel.

My miserable day!




To Be Continued . . . . .

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon