Chapter 6📌

4.1K 140 5
                                    

ARABELLA'S POV

Lady Victorina is my pseudonym. I used that name dahil pagdating sa larangan ng pagpipinta, ako ang panalo, I am the "victor" in this field at alam kong hindi ako kayang talunin ng kakambal ko. Namamayagpag ako pagdating sa mundo ng pagpipinta.

Sa pagpipinta ko lang naibuhos ang lahat ng saloobin ko, mga hinanakit sa loob ng 18 taon, at mga maliligayang araw na naranasan ko sa pamilya ko sa London. Ellie and Yaya Lolita was my inspiration, they motivated me everytime I was down. They uplift me and help me to face every problems I was facing.

Simula bata pa lang ako ay mahilig na akong magpinta. Influence by my grandfather. Naging successful ang mga painting ko dahil sa isang pangyayaring hindi ko lubos maisip na mangyayari pala.

Sa bahay namin sa London, mayroon akong isang kwarto na punong puno ng mga ipininta ko. Everytime I was happy, sad, and bored, ang pagpipinta lang maging libangan ko. Until one day, Ellie asked some of my painting, sabi nya my art gallery daw syang dadaluhan kung saan pwede kang magdala ng mga gawa mo para I bidding at ang perang makukuha mo ay mapupunta sa mga charities na tinutulungan nila. Pumayag ako kaagad dahil mukhang makakatulong naman ang mga gawa ko.

Gabi na ng makauwi si Ellie, habang nasa pintuan palang sya ay sigaw na sya ng sigaw sa pangalan naming dalawa ni Yaya Lolita. Kami naman ni Yaya Lolita that time ay nagluluto sa kusina. Sabay kaming pumunta sa kinaroroonan ni Ellie at ganoon nalang ang gulat ko ng bigla nya akong yakapin at tumalon talon na parang baliw.

There she explains to us kung ano ang nangyari. Sinabi nya sa akin na ang painting ko ang may pinakamataas na nakuhang bid kanina sa event. Di nya sukat aakalain na pag-aagawan ang gawa ko.

Doon nagsimula ang lahat, marami ang tumawag kay Ellie na mga sikat na may-ari ng mga art galleries. Naging kanang kamay ko si Ellie at the same time manager na din. Sya ang nagsasabi kong maglalabas na ako ng mga painting at kung kailan.

I asked Ellie to make my identity confidential, at first, ayaw nya sana dahil karapatan kong makilala sa mundo ng pagpipinta, pero kalaunan din ay pumayag na sya sa pakiusap ko sa kanya. Ellie was very understanding and loving. She loves me and I love her too.

Kinabukasan ay maaga akong gumising kaya naman naisipan kong magluto at ipaghanda sina mommy at daddy. Kahit hindi maganda ang turing nila sa akin, mahal ko pa din sila. I just want to cook for them, kasi pakiramdam ko, this will be the first and last time na ipagluluto ko sila.

While cooking, Yaya Cita ang mayordoma, ay nagulat ng makita akong nagluluto. Pinilit nya akong tumigil but I stopped her, instead I asked her to help me. Her daughter Maritess also helps us preparing our breakfast. When everything is settled, sakto din namang pababa sina mommy at daddy. Maritess and Yaya Lolita greeted them. They both nodded at umupo na sa upuan. Sinenyasan ni dad ang dalawa na umalis. Umupo na din ako.

Habang kumakain kami, walang maririnig na nagsasalita. Everybody was quite, ang tanging maririnig lang ay mga tunog ng mga kutsara. Wala ni isa sa amin ang gustong bumasag sa katahimikan kaya naisipan kong magtanong nalang tungkol kay Aranella.

"Mom, dad,may naisip po ba kayong rason kung bakit umalis ng walang pasabi si Aranella? Nakakapagtaka lang kasi ang biglaang pag-alis nya" I stated. Dad, looked at me with his cold stare. But mommy was the one who answered my question.

"Hindi din namin alam Arabella, Vienne and Aranella was deeply inlove with each other. Hindi nga halos silang dalawa mapaghihiwalay. Nasaan ang isa dapat nadoon din ang isa. Kaya wala kaming maisip na dahilan kong bakit sya umalis" malungkot na saad ni mommy.

"Do you have any information about her?" I added. 3 days nalang ay ikakasal na ako. Magsisimula na totoong kalbaryo ng buhay ko.

"Sa ngayon wala pa kaming impormasyon na nakuha mula sa private investigator na inupahan natin. Magaling magtago ang kapatid mo Arabella at batid mong matalino sya" dad said while reading the newspaper. "You must be prepared dahil 3 araw nalang ay kasal mo na. I won't allow you to go out hanggang hindi pa sumapit ang kasal mo. No more buts Arabella. I don't want to hear a word coming from you. Finish your food and go upstairs".

I don't have any choice but to follow them. Agad kong tinapos ang pagkain ko at pumunta na sa taas. Sa kwarto ko. Dahil sa wala akong magawa, naisipan kong mag-ayos ng mga gamit ko. Hanggang sa makita ko ang isang kulay pula na box, napangiti ako, agad ko itong binuksan at tumamabad sa akin ang manikang ibinigay sa akin ni lolo. Matagal na panahon ko itong itinago sa kahon na ito. I treasured this gift so much. Itinabi ko ito at ipinagpatuloy ko na ang pagliligpit hanggang sa makaramdam ako ng pagod. Tinapos ko muna ang pagliligpit bago ko naisipang matulog habang yakap yakap ang manikang bigay ni lolo.

Napamulat ako ng mata, mukhang napasarap ang tulog ko ngayong araw na ito. Kinuha ko ang manika ko at ibinalik sa kahon na lalagyan nito. Tiningnan ko ang orasan at ganoon na lamang ang panlalaki ng mga mata ko ng mapagtanto kong alas 6 na pala ng gabi.

Patakbo kong nilisan ang kwarto ko at agad bumaba. Naabutan ko si mommy na may kausap sa telepono. Nang ibinaba nya ang telepono ay napadako ang tingin nya sa akin. Napangiti sya sa akin at nilapitan nya ako.

"Mukhang napasarap ang tulog mo ha. Gabi kana kasing nagising" sabi ni mommy. "Before I forgot, tumawag bago lang si Donya Arlene. Pinapasabi na okay na ang lahat. The Elizalde was very excited for the upcoming wedding. Donya Arlene said na live ang kasal nyo because your wedding will be the wedding of the century. They make sure na tatalbugan nyo ang mga kasalang naganap sa mga royal blood " she added with great happiness at pumapalakpak pa sya habang sinabi nya sa akin iyong lahat, but I just stare at her for a seconds bago tumango.

"Are you excited mom? Hindi kasi halata" pangungutya kong tanong sa kanya. Her faced look sad.

"Anak...." sabi nya but I stopped her.

"No it's okay, I know you were, kayo ni dad. Don't worry I'll make everything to apply all the actions you've taught me. Afterall, I have the best trainors. Puspusan kaya ang pag eensayo natin. I'll make sure not to make you down. Basta huwag nyo lang ding kalimutan ang pinag-usapan natin. Ang property kapalit ng pagpapanggap ko bilang si Aranella".










To Be Continued . . . . .

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon