Chapter 71📌

2.3K 62 30
                                    

ARABELLA'S POV

Walang pagsidlan ng saya at tuwa ang nararamdaman ko sa araw araw magmula ng ibinalita sa akin ni Ellie ang tungkol sa one wish ni Mommy Arlene. Buti na lang at walang alam si Nella na ako si Lady Victorina.

"Everything is already set Bella. Mula sa lugar kung saan gaganapin ang event at foods" si Ellie.

"Okay na rin ang mga taga media na siyang kukuha ng live" si Everette.

Yes, kaming tatlo ang siyang nag isip ng plano for this event. Mabuti nalang at ang inaasahan naming request ang siyang hiniling ng ina ni Vienne. Thanks God at talagang umayon sa amim ang tadhana. I am very happy at the same time I'm nervous for the big night of revelations.

It was already news all over the world about the big night of revelations. Naglabas na rin ng statement si Mommy Arlene about the one wish. Marami kasi ang noon pa naiintriga kung sino ang maswerteng nakakuha ng painting na may one wish. Sa mga nakakaalam naman ay gusto nilang hilingin ni Madam Arlene na ipakita ko sa lahat ng madla ang mukha ko pero wala namang naging statement ang ginang tungkol rito dahil ayon dito sa takdang panahon ay hihilingin nila ang one wish. Marami ang medyo nadismaya dahil umabot pa ng halos isang dekada bago ginamit ng ginang ang one wish.

Limited and exclusive lang mga taong pwedeng dumalo sa party na ito. Ang party ay gaganapin sa Baltimore's Paradise sa Italy, na kung saan ang may ari ng nasasabing lugar ay isang Filipino - American, a business tycoon and a famous model. Malaki ang lugar, maikukumpara ito sa isang palasyo ng mga maharlika. No doubt! Mayaman din naman kasi ang may ari at isa pa, sikat itong kasosyo ng negosyo ni Everette.

Ang theme ng event ay mascaraed ball since it is the big night of revelations. Lahat ng dumalo ay dapat nakasuot ng mascara at magarang kasuotan. Lahat ng mga imbitado ay mga kilalang tao sa industriya, ang iba ay models, politicians, businessman, beauty queens, at kung ano ano pa. Masasabing ang lahat ng naroroon ay mga kilalang tao sa buong mundo.

"3 days to go at makikilala ka na sa buong mundo" si Ellie.

"You will finally met your husband and children" si Everette.

Alam naming dadalo ang buong pamilya ng Elizalde dahil nasabi ito ni Mommy Arlene. Ayaw nitong malampasin ang gabi na pinakahihintay nito. For sure nandoon din si Nella at ang mga anak ko. My triplets! Napaluha ako ng maisip ang mga anak ko. Malapit na tayong magkasamang muli mga anak. Tatlong araw na lang at magkikita na tayo.

"Your billion cost gown and mask was already delivered by the famous designer an hour ago even your shoes and jewelries" Ellie said while her attention is on the laptop. She is still typing.

"Babe, ganda ng damit natin. Para tayong hari at reyna" komento ni Everette habang sinusubuan si Ellie ng cookies.

"Yeah!" tipid nitong tugon sa fiancee.

"How about our plan? Is it already set?" untag ko sa kanilang dalawa. Sabay silang nagtaas ng tingin at ngumiti ng nakakaloko.

"Oo naman, kahit na ano pang mangyari tuloy na tuloy ang plano natin sa gabing iyon" halakhak ni Everette.

"The night of your success and a night of your twin sister's downfall" may kahulugang pagkakasaad ni Ellie.

"I'll make sure to get back what's mine. I will get my property straight to her face!" napakuyom ako ng kamao.

Matagal kong hinintay ang araw na ito. Nagtiis ako ng tatlong buwan bago ko naisakatuparan ang lahat ng plano ko. I wait for this day to come. Kaya humanda ka Nella! I will make you pay big time!

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon