Chapter 28📌

3.8K 116 0
                                    

ARABELLA'S POV

"Tara na sa clinic Kristel" sabi ko sa kanya. Kristel just nodded at sumabay na din sa akin.

Napapansin kong parang wala sa sarili si Kristel, she look mess at ang suot naman nyang uniporme ay sobrang dumi at may manggas pang mapapansin. Nang makarating kami ay agad kong binuksan ang pintuan ng clinic at pumasok na kami.

"Good morning doktora Ezyl, ipapatingin ko lang si Kristel if she is okay kanina kasi basang basa sya ng pawis at humihingal mukhang may nangyari kasi sa kanya pero ayaw nya lang sabihin"pahayag ko kay doktora Ezyl, ang doktora ng Matthew University.

"Okay po, hali ka Kristel titingnan muna kita pero bago yan magbihis ka muna" sabi ni doktora na may kinuha mula sa drawer. "Issue yan ng University Kristel kaya huwag ka ng mag-aalala, marami pang ganyan dito sa clinic. Binibigay yan sa mga estudyante kapag kinakailangan" mahabang pahayag ni doktora.

Nagbihis muna si Kristel kaya naman naupo lang ako sa isang gilid habang nagtitimpla si doktora ng kape para sa akin.

"Here Mrs. Elizalde" sabi ni doktora habang inaabutan ako ng kape.

"Thank you doktora" saad ko.

Makalipas ang ilang sandali ay natapos na din si Kristel sa pagbibihis. Tumayo naman si doktora at giniya si Kristel sa lugar kung saan nya ito titingnan.

"May history ka pala ng asthma Kristel kaya naman hinihingal ka ng sobra sobra kanina. Alam mo, you should avoid running for too long dahil maaari itong magpa trigger ng asthma mo. Mabuti naman at hindi ka inatake kanina" pagpapaliwanag ni doktora kay Kristel. Kristel just nodded sa mga sinasabi ni doktora sa kanya.

Matapos ang pagpapakonsulta namin kay doktora ay umalis na kami. Wala naman akong klase kaya libre akong gumala like Kristel. Wala din syang klase pagkatapos ng klase nya sa akin. Kaya naman naisipan kong dalhin si Kristel sa isang parke. My favorite spot.

"Halika Kristel, maupo ka"yaya ko sa kanya. Ngumiti naman si Kristel at umupo na din. "Si Robert ba?"tanong ko sa kanya. Lumingon sya sa gawi ko pero hindi ako nakatingin sa kanya. Malayo ang tanaw ko pero batid kong nakatingin sya sa akin at nag-iwas bigla ng tingin.

"P-po? P-paano nyo po nalaman?" Nauutal nyang tanong sa akin.

"Robert and I were friends Kristel. Nasabi na din sa akin ni Robert ang lahat. Ang lahat lahat tungkol sa inyo. Kung ano ang mayroon kayo dati". Hindi ko alam kong ano ang nasabi ko pero humikbi lang sya. Batid kong nasaktan na naman sya. Alam ko ang pakiramdam nya.

"Hindi ko alam, hindi ko alam, naguguluhan na ako ng sobra sobra"patuloy ang paghikbi nya. Bawat katagang binibitawan nya ay batid ko ang sakit.

"Kristel, listen to your heartbeat. Follow your heart" ang tanging nasabi ko sa kanya.

"I push him away ma'am. Itinulak ko sya papalayo. Natatakot akong sumugal, ayaw ko na po kasing masaktan. Baka po ikamamatay ko" hagulgol nya. I face her.

"Sa nangyayari ngayon at sa nararamdam mo ngayon, sa tingin mo ba hindi ka pinapatay sa sakit?"tanong ko sa kanya. Nagtaas ng tingin sa akin si Kristel.

"Ang sakit po, hindi ko na po kasi sya muling makikita. He left me, iniwan nya na ako. Sumuko sya kaagad sa akin" saad nya habang nakatingin sa akin. I just sighed.

"You two just heal your wounds you have in your heart. Mahirap mag desisyon kong nasasaktan ka parin, lalo na kapag umiiral ang ego mo"ang tanging naisambit ko.

"Alam ko po.." sagot nya sa akin. Narinig kong kumalam ang sikmura nya mukhang wala syang kain pero deadma lang ang sikmura nya.

"Hindi muna kita pipiliting magsalita sa ngayon Kristel dahil alam kong nasasaktan ka parin. Ang mabuti pa'y samahan mo akong kumain sa isang retaurant. Treat kita" saad ko na ikinangiti nya.



"Where have you been? Gabi na ah!" salubong sa akin ni Vienne. I just rolled my eyes at him.

"Bakit naman?" Taray kong sagot.

"I've been waiting for you outside the university for 4 hours long. Ni anino mo hindi ko nakita, mabuti nalang at mabait ang isa sa mga estudyante mo at sinabing umalis kana kaya umuwi na ako" he said. I was very shocked, totoo? Hinintay nya ako? Nakakakilig naman.

"Eh. Ano kasi Vienne, may pinuntahan lang ako" sagot ko.

"A boy or a girl?"tanong nya.

"Ha?" Ulit ko.

"I mean sino ang kasama mo, babae ba o lalaki?" Naiinis nyang turan sa akin.

"Babae, si Kristel Monte, estudyante ko"tipid kong sagot sa kanya.Tumango naman sya sa sinabi ko.

"C'mon let's eat"saad nya. Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya.

"Talaga?" Paninigurado ko sa kanya.

"Yes, so move faster dahil kanina pa ako nagugutom" sabi nya sabay alis papuntang dining room.

Kinilig naman ako ng sobra sobra kaya ang bilis bilis kong nakarating sa loob ng kwarto ko. Agad ko itong ni lock at nagbihis ako at nagpaganda naman ng kaunti. Pagkatapos ay bumaba na ako.

"Sorry, medyo natagalan" sabi ko sa kanya habang ngumingiti.

"Just eat at huwag kang ng maging madaldal"utos nya sa akin kaya naman napasimangot nalang ako.

Habang kumakain ako, panay naman ang nakaw tingin ko sa kanya. Ang gwapo nya talaga, pero nakakapagtaka lang ang kabaitan nya sa akin ngayon? Hindi kaya napatawad nya na ako? Impossible, eh! Halos isumpa nya na nga ako ng namalaman nyang hindi ako si Nella. Nalungkot naman ako bigla sa naisip ko. Kaya pinagtuunan ko nalang ng pansin ang kinakain ko.

"Bukas ng gabi, anniversary nina mommy Arlene at daddy Reynaldo. We need to be there" iyan ang huling sinabi nya bago ako iwan sa hapagkainan.

Pagkatapos kung kumain ay umakyat na ako sa kwarto namin pero ako lang mag-isa sa kwartong ito dahil sa guest room parin sya natutulog. Ayaw nya akong katabi at halata naman.

Napahiga naman ako sa sobrang pagod. Medyo nabaguhan ang katawan ko sa pagod na buong araw may ginagawa at masaya ako dahil nagagawa ko na ang gusto ko bilang ako. Bilang si Arabella at hindi bilang si Aranella.

Agad napawi ang ngiti ko ng may nag text sa cellphone ko. Kaya inabot ko ito.

"See you tomorrow evening. Good night & sweet dreams"

Iyan ang nakalagay sa message. Napaisip naman ako kung sino ang posibleng nagpadala nito sa akin. Hanggang sa napatalon ako sa sobrang kilig ng mapagtanto kong si Vienne ito.



To Be Continued . . . . .

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon