ARABELLA'S POV
Nagising ako dahil sa tapik sa mukha ko. Napamulat ako at nakita ko si Vienne na may ngiting nakakaloko. Sana ganito palagi paggising ko. Araw araw naka enervon ang sistema ko.
Ngumisi ngisi pa ako habang pinagmamasdan ko ang mukha nya. Mukha nyang sobrang kinis na halatang wala ni isang tigyawat ang tumubo. Bumaba ang tingin ko sa matangos nyang ilong hanggang sa kissable nyang lips na sarap halikan.
Naputol ang paghahallucinate ko ng umalis sya bigla mula sa pagkakahiga. Bumangon sya at nagtungo sa banyo. Saka ko lang na realize ang reaction ko kanina paggising na sobrang nakakahiya pala talaga.
Dali dali akong bumangon at tiningnan ang sarili ko sa salamin. My god may muta pa ako at may laway pa sa gilid ng labi ko. Shocks! Sobrang nakakahiya! Bumaba agad ako at sa banyo sa baba na ako naligo.
Pagkatapos kung maligo ay umakyat na ako at nagbihis sa dressing room ng isang damit na komportable akong gumalaw. Balak ko kasing general cleaning sa buong bahay at magpalit ng mga kurtina sa buong bahay.
"So? What's the plan for today?" Vienne asked me ng matapos na din sya sa pag-aayos ng kanyang sarili.
"General cleaning" tipid kong sagot habang tinatalian ang buhok ko.
"I'll help you" saad nya.
"Natural, eh dito ka din nakatira eh" pangbabara ko sa kanya.
"Ganyan ba ang epekto ng may muta pa at laway habang nakatitig sa gwapong nilalang na katabi mo?" He asked. Namula naman ako sa sobrang galit.
"Shut up! Mali ka lang ng nakita dahil may muta ding nakabara dyan sa mata mo" sagot ko na ang gusto ay inisin sya.
"Na ah ah, nahiya ka pa. Eh ano pala tawag doon? Decoration? Eh, matagal pa ang pasko para may pa christmas decoration ka pa" natatawa nyang saad.
Habang tumatawa sya na may pahawak hawak pa sa tyan ay iniwan ko sya sa loob ng kwarto at bumaba na. Nakakapagod makipag-away sa walang hiya! Kahit na totoo talagang nakakahiya ang kanina.
I moved my head side to side para maalis ang isiping iyon. My gosh! So gross. I opened the divan and get the broom. Stick broom at iyong tambo. Una kong ginamit ang walis tambo, nagsimula na akong magwalis ng dumating ang walang hiyang nilalang sa balat ng universe.
Agad nyang inagaw sa akin ang walis tambo at nagsimula na syang ipagpatuloy ang ang pagwawalis na sinimulan ko. Hindi na ako nag-atubiling makipag-agawan ng walis, ang ginawa ko ay kumuha aki ng stool at nagsimula na akong magtanggal ng kurtina isa isa sa sala. May kabigatan din ang kurtina kaya nadulas ako sa stool, muntikan na akong mahulog kung hindi lang ako nasalo ni Vienne. He looked at me na may pag-aalala sa mukha.
"Next time, kumuha ka ng malaking stool o di kaya lamesa na may malapad na taas para hindi ka mahulog!" Galit nyang turan.
Sasagot sana ako ng palitan nya ako sa pagkuha ng mga kurtina. Sya na mismo ang nagtanggal ng mga ito.
"Ano ang tinatayo tayo mo dyan? Matagal tayong matatapos kung titingnan mo lang ako buong araw. Just mop the floor" utos nya sa akin.
Sinunod ko na lang ang utos nya. Kahit malaki laki ang sala ng bahay na ito ay pilit kong pinatatag ang loob ko. After an hour ay umupo na ako dahil sa pagod. Natapos na din ako sa wakas. Thanks be to god!
"I'm done with the curtains at mukhang tapos ka na ding mag mop ha" he commented. "Napagod ka? Ako kasi hindi eh" pagmamayabang nya.
Dahil sa ubod ng kayabangan nya ay may naisip akong isang magandang ideya na talagang sigurado akong mapapagod sya ng husto.
"What the fuck?! Paglalabahin mo ako? No way!" Nanlalaking mata nyang sabi sa akin ng dalhin ko sya sa lugar ng bahay kong saan ginagawa ang paglalaba ng mga katulong namin.
"Yes way Yam ko, hindi ba sabi mo? Hindi ka pa pagod" pabebe kong sabi sa kanya.
"Ako? Si Vienne Alcantara Elizalde? Sobrang yamang tao ay paglalabahin? Pwede naman nating ipalaundry iyan eh! I can pay even if it cost a million!" Saad nya. Napailing naman ako.
"Iyan! Dyan ka magaling eh! You need to learn all of these things dahil hindi sa lahat ng panahon ay may pera ka, atleast kung wala ka na ni piso ay may alam kang gawing trabaho" pangaral ko sa kanya.
"Wait? Mayaman ka din naman ah!" sabi nya sa akin.
"Yeah, pero ako lumaking alam ang gawaing bahay" depensa ko sa kanya.
"Who taught you? For sure its not your parents?" Sagot nya.
Natahimik naman ako bigla sa sinabi nya. I remained quite dahil ayaw kong buksan ang paksang iyon. Hindi ko na lang pinansin si Vienne at kinuha ang mga kurtinang dinala nya at nilagay ito sa malaking lalagyan at nilagyan ng tubig with breeze powder tapos ay tinapak tapakan ang mga ito.
"Breeze powder? Sampung kamay ang kaya nyan eh bakit mo pa tinapakan? Eh magiging 10 kamay at isang pares ng paa na tuloy iyan" I know Vienne tried to joke at me pero hindi ko parin sya pinansin. Pinagpatuloy ko pa din ang pagtapak tapak sa mga kurtina.
Hindi nagtagal ay binuhat nya ako kaya naalarma ako sa ginawa nya. He just put me sa isang upuang semento at pinunasan nyan ang mga paa ko gamit ang isang malinis at hindi basang basahan. Pagkatapos nyang gawin iyon ay pinagpatuloy nya ang pagtapak tapak sa mga kurtina.
Kumakanta kanta pa sya habang ginagawa iyon. Nakikinig lang ako at matamang pinagmasdan sya. He was very caring at maalaga. Sana aalagaan din sya ni Nella kapag dumating na ang araw na papalitan nya na ako.
"Thank you" bulong ko sa hangin.
I'm very thankful sa lahat lahat. Kahit na nabuking na ako ni Vienne, akala ko sasaktan nya ako ng pisikalan per hindi nya ginawa, he still cared for me.
Masakit parin sa saloobin ko dahil kaibigan lang ang tingin nya sa akin. Hindi naman sa hinangad kong mahalin nya ako hindi bilang kaibigan kundi bilang isang espesyal na babae na may puwang sa puso nya.
To Be Continued . . . . .
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Dragoste"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...