ARABELLA'S POV
"Vienne..." mahinang sambit ko. He look mad at hindi ko alam kong bakit.
"Seriously? Nakipagdate kana kaagad matapos ang nangyari sa atin?" May diin nyang pagkakasabi sa akin. Tumayo ako mula sa pagkakaupo ko.
"Please stop... tapos na tayo hindi ba? Hindi ako si Nella kaya tigilan mo na ako. Dad already told me na babalik na si Nella next month kaya hintayin mo na lang sya. Don't make a scene here Mr. Elizalde" sagot ko sa kanya.
Lumingon si Vienne sa kanyang likuran at may sinenyasang tao. Tumango naman ang lalaki na kanyang sinenyasan. Hindi ko na pinansin si Vienne, agad akong umupo at nagpatuloy sa pagkain. Ilang sandali pa ay nagsialisan na ang mga tao sa loob hanggang sa kami nalang 3 ang naiwan. Ako, Everette, at Vienne. The staff are no where to be found, mukhang nagtago sa kusina.
"Mr. Elizalde, hinayaan lang kita kanina na pagsalitaan si Bella ng kung ano ano. But now, siguro mas mabuti pang umalis na muna, hindi mo ba nakikitang nagda-date kaming dalawa?" Everette interrupted us ng mahalata nyang nagkaroon na ng kakaibang awra sa loob.
"Shut up! Castillo! I'm not talking to you!" Bumaling naman ang tingin ni Vienne sa akin.
"Pinalayas ko na ang mga tao dito sa loob ng restaurant para naman hindi ka mahiya" Vienne mocked me. Napatigil naman ako sa pagkain at sinalubong sya ng isang tinging nakakapatay.
"Well, thank you dahil magiging exclusive nadin sa wakas ang restauant na ito para sa aming dalawa ni Everette" sabi ko na para bang kilig na kilig sa mga pinagsasasabi ko.
Vienne furiously mad at me. He suddenly grab my arm pero pinigilan ito ni Everette.
"Stop it Mr. Elizalde, you're hurting Bella!" Pagtatanggol sa akin ni Vienne. Sa sobrang inis ay hindi napigilan ni Vienne ang hindi suntukin si Everette.
"Huwag kang makialam Castillo! You are out of this business!" Patuloy ang pagsuntok ni Vienne dito. Si Everette naman patuloy din ang pagprotekta sa sarili. Parehas silang magaling, wala ni sinuman ang gustong magpatalo. Hanggang sa natumba si Everette at dinaganan ni Vienne. Vienne give a hard smash on Everette's face.
"Oh my god! Vienne stop it!" Buong lakas kong hinila si Vienne papalayo kay Everette at mabuti nalang nagpaubaya si Vienne sa mga hila ko. Nang maka distansya kay Everette ay agad kong nilapitan si Everette upang tingnan ang natamo nitong sugat ng bigla biglang binuhat ako ni Vienne na parang isang sakong bigas.
"Put me down Vienne! Put me down! Ano ba! Idedemanda kita!" Sigaw ko dito habang pinagsususuntok ang kanyang likuran.
"Really? Idedemanda mo ako? Sigurado ka? Baka nakakalimutan mo ang atraso mo sa akin Bella" I was stunned by it, he called me Bella at para iyong musika sa pandinig ko. "Kita mo na? Hindi ka makasagot hindi ba? Dahil alam mong wala kang laban".
Vienne put me in his car at sumakay na din sya. Katabi ko sya habang nagmamaneho, panay ang pagbubunganga ko sa kanya pero para wala lang syang narinig. Kahit gusto ng sumabog ang esophagus ko wala parin syang kibo.
"Get out" he said ng huminto na kami. I look outside at tumaas ang kilay ko ng mapagtanto kong nasa bahay nya kami. Oo bahay nya lang hindi akin o namin.
"Tsk" rinig ko mula sa kanya. Vienne went outside at lumiko papunta sa akin. He open my door at binuhat na naman ako na parang isang sakong bigas."What the! Put me down! Bakit ba ang hilig hilig mong buhatin ako" sabi ko habang pinaghahampas ko sya gamit ang mga kamay ko.
Ibinagsak ako ni Vienne sa isang malambot na kama. Yes, sa kwarto kami dumeritso at inilock nya iyon. Agad akong sumiksik sa isang sulok ng kama.
"What do you think you're doing Vienne? This is kidnapping. I will surely sue you if hindi mo ako papakawalan!" Matigas kong sabi. Pero wala parin syang pakialam sa mga sinasabi ko. Vienne sitted at the chair katabi ng kama.
"Hindi ako magsasayang ng oras para lang dalhin kita dito kung wala akong kailangan sa iyo Bella" panimula nya. Pero isang matalim na tingin ang itinugon ko. "Well, sorry kanina sa nangyari sa restaurant. Sorry if I ruined your date with Castillo" may diin nyang pagkakasabi sa akin.
"Oh my god! Si Everette!" Nataranta naman ako ng maalala ko si Everette. Akmang aalis ako ng hilahin nya ako pabalik. "Bitiwan mo ako! I need to see Everette! He was totally hurt!" saad ko.
"Don't worry, I already called a doctor to see his condition at sila na ang bahala sa kanya. Your man is a quite loser, I wonder kung ano ang nagustuhan mo sa kanya" he mocked me.
"Alam mo! Wala ka talagang puso! Bakit mo nga ba ako dinala dito ha? Ano na naman ba ang atraso ko sayo" tanong ko sa kanya.
"Atraso? Marami. But now, I need you" panimula ni Vienne na nagpagulo sa akin.
"What do you mean?" Sabi ko.
"I want you to continue playing the role of your sister Nella" cool nyang pagkakasabi.
"W-why? I mean bakit kailangan ko pang ipagpatuloy ito? We're anulled remember, I mean ipa annulled mo ang kasal mo sa kakambal ko?" Sabi ko sa kanya habang kinakabahan ako.
"No, hindi ko ipinatuloy ang proseso. I ask Atty. Cruz to destroyed it. Magpapa annulled lang tayo kapag nandiyan na ang totoong Aranella. I want the real Aranella to be with me in the church, sya lang ang gusto kong makasumpaan sa loob ng simbahan" madamdaming saad ni Vienne na naging sanhi ng pagsakit ng puso ko. Nasaktan ako sa sinabi nya sa akin. "Hanggat hindi pa sya bumabalik, ikaw muna ang papalit sa kanya. I need you to act like her total kabisado mo naman sya. Ayaw kong pagpyestahan ng media at ng mga tao ang buhay ko dahil sa kahangalan nyo" galit nyang saad sa akin.
"Paano kung ayaw ko?" tanong ko sa kanya.
"If you says no, then prepare to lose all of your properties and companies. Kaya kaya kong kunin ang lahat ng sa inyo. I will make sure na gagapang kayo sa lusak kapag hihindi ka sa kagustuhan ko" sagot nya.
"Ang sama mo" may diin ang binitawan kong salita.
"No, mas masama kayo at isa pa, isang buwan lang naman dahil sabi mo sa akin na babalik na next month si Nella. Alam kong kaya mong makipagplastikan sa loob ng isang buwan" and with that he left me. Wala akong magawa, ayaw ko namang madamay ang parents ko.
"Sige Vienne, ipagpapatuloy ko ang kahangalan na ito. Ipaparamdam ko sa iyo na mali ka ng inakala sa akin. Hindi ako masamang tao Vienne. Hindi" mahinang bulong ko sa aking sarili.
To Be Continued . . . . .
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...