Chapter 63📌

1.9K 53 0
                                    

VIENNE'S POV

Nakakainis talaga ang asawa ko. Hindi niya ba ako feel makasama ngayong family day? Gusto ko lang naman na makasama siya sa pagpamili ng mga gagamiting sangkap at kung ano ano pa. But she choose to be alone. Nakakainis talaga! Nakaka bad trip! Mag isa tuloy akong umalis ng bahay para bumili ng bilin niya sa akin. Pumunta muna ako sa isang sikat na bakeshoppe at nag order ng isang napakalaking cake. Parang cake ng pangkasal ang size ng cake na inorder ko. I wait for half hour bago natapos ang cake. Madali nilang natapos ang order ko. Mukhang lahat sila ay nagtulungan para matapos kaagad ito. Nagbigay ako ng napakalaking tip sa kanila at mukhang ang saya saya nila. Sinabihan ko sila saan nila ihahatid ang cake dahil hindi naman pwedeng isakay ko ito sa sasakyan ko dahil pupunta pa ako sa mansiyon ng kanya kanya naming magulang para personal silang maimbita para mamaya sa gaganaping maliit na selebrasyon.

I drive my car papunta muna sa mga magulang ko. Pinapasok kaagad ako ng guard nang makilala ang sasakyan ko. Pagkarating ko ay sinalubong ako ng isa sa mga katulong at binati. Tinanong ko naman ito kung nasaan sina mommy at daddy. Nagpasalamat kaagad ako ng ituro nito ang kinaroroonan nila.

"Hi son, good morning" bati kaagad ni daddy sa akin habang nagdidilig ng mga halaman.

"What are you doing here Vienne? At bakit hindi mo kasama sina Bella at ang triplets?" si mommy ang nagsalita habang naglalagay ng mga lupa sa bagong pot na nabili niya.

"Good morning din dad and mom. Actually, I went straight here to inform you about the family dinner that we prepared" I replied at umupo sa upuan.

"Really? Son? I can't wait. Kaya ikaw Reynaldo. Tama na muna iyan! Magbihis ka na para makasabay na tayo sa anak mo" dali dali namang tinapos ni daddy ang pagdidilig at kaagad giniya si mommy papunta sa taas. Napa kibit balikat nalang ako ng makaalis na ang dalawa.

Nag decide nalang ako na hintayin silang dalawa. Dinalhan naman ako ng makakain ng mga katulong sa garden kung nasaan ako naka pwesto. I wait them for about 30 minutes bago sila lumabas at pinuntahan ako.

"How do we look son?" tanong ni daddy habang nagpo pose na parang model.

"You look good dad" sagot ko sa kanya.

"How about me? Sinong celebrity ang kamukha ko?" si mommy naman ang nagtanong.

Napakamot naman ako sa ulo sa sobrang kakulitan nila. They are not that old pero mga matanda na sila kung makaasta.

"Ahm. I think you look like Imelda Papin mo" biglang nalukot ang mukha ni mommy sa taong ikinumpara ko sa kanya. Habang si daddy naman ay humahalinghing ng tawa na sobrang rinig na rinig namin. Lumingon si mommy sa gawi ni daddy at pinameywang ito.

"Pinagtatawanan mo ba ako Reynaldo?!" si mommy na mukhang galit na galit kay daddy. Si daddy na kanina ay halos maupo na sa kakatawa ngayon ay sobrang straight na ang naging tayo ngayon.

"Hindi ah! Bakit ko naman pagtatawanan ang maganda kong asawa?" biro ni daddy kay mommy pero inirapan lang siya nito.

"Hindi Reynaldo eh! Hindi eh! Rinig na rinig ko kanina lang! Humahalinghing ka diyan sa likod ko!" medyo may himig ng pagka inis ang tinig ni mommy.

"Mom! Dad! Let's go. Pupuntahan pa natin ang mga magulang ng asawa ko" sabi ko sa kanila bago naunang umalis.

Alam kong si mommy ay nasa tamputurot mode parin ito dahil kahit anong gawin ni daddy sa paglalambing dito ay hindi parin nawawala ang tampo ni mommy. Nauna na akong umalis gamit ang sasakyan ko total may sasakyan naman sina mommy at daddy. Habang nagmamaneho ay palinga linga ako sa side mirror. Napailing iling nalang ako ng mapansing nakasunod ang mga ito sa akin.

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon