Chapter 54📌

2.6K 60 4
                                    

ARABELLA'S POV

"Tapos na kaya tumigil kana sa kakaiyak mo" sabi ng babae sa akin. "Mabuti nalang at water proof iyang make up na ginamit ko para hindi mabura kaya kahit anong pag iyak mo diyan ay hindi iyan mabubura" dagdag niya pa. Puro sakit at hinagpis nalang ang nararamdaman ko sa mga oras na ito dahil parang wala ng luha ang kusang lumabas sa mga mata ko. Naubos na siguro kanina. I look at the woman na ngayon ay kumuha ang babae ng isang stick ng sigarilyo at sinindihan ito. "Alam mo, napakaganda mong babae at ma swerte ka" Ika niya.

"Ma swerte? Nagpapatawa ka ba?" I mocked her.

"Hindi, bakit naman ako magpapatawa? Hindi ako komedyante para patawanin ka" prangka niya sa akin.

"Hindi ako ma swerte, noon pa man wala na akong swerte. Dumating naman ang swerte ko sa piling ng asawa ko pero agad din namang nawala dahil sa mga pangyayaring ito" mahina kong saad. She put her cigarette in the ash tray at tumayo sa harapan ko.

"Alam mo ba kung bakit ka ma swerte?" sabi niya, "Dahil may pagkakataon ka pang makatakas sa impyernong buhay na ito!" malakas niyang sabi na nagpaigtad sa akin.

"Bakit mo naman nasabi na makakatakas ako?" tanong ko ulit sa kanya.

"Tanga ka rin no?" kinuha ang sigarilyo at niyupyop ulit ito.

"Hindi ako tanga" diin ko.

"Tanga ka! kasi imbis umiyak ka ng umiyak diyan ay umisip ka ng paraan para makatakas ka!" she said habang patuloy sa paninigarilyo.

"Paano? Paano ako makakatakas kung may nasa yate tayong punong puno ng mga masasamang tao! Nasa gitna tayo ng dagat! Walang tulong ang pwedeng dumating! Wala ring saysay kong tatakas ako dahil mamamatay parin ako!" sigaw ko sa kanya at tumayo ako. "Ang mabuti pa'y patayin niyo na rin ako! Total, wala na ang asawa ko. Ang mga anak ko naman ay binenta niyo! Halang ang mga kaluluwa niyo! Mga wala kayong awa! Pati mga bata dinamay niyo pa sa kahangalan niyo!" napasigaw ulit ako dahil sa sakit at galit na walang humpay kung magparamdam.

"Boba! Isipin mo, ang taong bibili sa iyo mamaya sa bidding ay pwede mong bolahin. Kukunin mo ang loob niya hanggang sa magtiwala sya sa iyo. Sa pagkakataon na iyon ay may paraan kana para mahanap ang mga anak mo. Para paraan lang iyan. Hindi naman kasi nakakatulong ang labis mong pag iyak at paghagulhol sa mga pangalan ng mga anak mo at asawa mo" naubos na amg sigarilyo kaya nagsindi na naman siya ng panibago.

"Hindi ko kaya ang sinasabi mo" sabi ko sa kanya. Talagang hindi ko kaya. Hindi ko kayang makipagsiping sa isang taong wala akong pagmamahal. Wala ni isa ang pwedeng pumalit sa pamilya ko dito sa puso ko. Sila lang at wala ng iba.

"Well, nasa iyo din naman ang desisyon at wala sa akin. You are very beautiful kaya gamitin mo iyan para makuha ang gusto mo. For sure mamaya sa bidding ay pag aagawan ka" dagdag ng babae.

"Anong klaseng tao ba ang mga taong dadalo mamaya sa bidding" I asked na parang may bikig sa aking lalamunan. Hindi ko kayang tanggapin na ganun ganun nalang ang kakahinatnan ng buhay ko.

"Karaniwang mga sugarol na matatanda ang mga dumadalo sa bidding. Mga matatandang gustong magkaroon ng parausan na mas bata. Kaya nga sabi ko sa iyo kanina na walang duda na hindi ka nila pag aagawan dahil maganda ka, sexy, at bata pa" ang mga salita niya ay parang humiwa sa pagkatao ko bilang isang babae. Mahirap tanggapin na ganoon ang posibleng kahihinatnan ko. Parausan. Parausan ng mga matatandang hukluban.

"Ang mga anak ko. Ano ang mangyayari sa kanila?" pag iiba ko ng usapan. Gusto kong malaman ang posibleng mangyari sa mga anak ko.

"Wala naman" kibit balikat niyang sabi.

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon