ARABELLA'S POV
Mga alas 6 na ng hapon naisipan kong bumaba para maghanda ng hapunan namin. Wala kaming maids eh pinalayas muna pansamantala ng walang hiyang lalaking iyon.
Sobrang nanibago ako sa paligid namin dahil ni isang tao wala akong nakita hindi katulad noong nandito pa sina Bea na may mga tao talagang makikita.
Agad akong nagtungo sa kusina and there I saw Vienne na nagmumura dahil sa mga talsik ng oil, parang nag priprito sya.
"Fuck this thing!" Sigaw ni Vienne habang umiilag sa bawat talsik ng oil. Napatawa naman ako ng malakas sa nasaksihan ko kaya naman napalingon sya sa gawi ko.
"Hahahahaha. Ang epic!" Saad ko habang tumatawa. Nang makabawi ay lumapit ako sa kanya at pinatay ang gasol na ginamit nya bago ako humarap sa kanya.
"Why are you looking at me like that huh?!" Inis na may hiya nyang turan sa akin. Hindi kasi sya makatingin sa akin eh kaya napagtanto kung nahiya sya.
"Bakit bawal ba? At isa pa, ano ba kasi ang niluluto mo?" Agad kong tanong sa kanya.
"I'm trying to cook ginisang kangkong. I don't even know the procedures kaya nag search ako sa you tube on how to cook it. Damn! Palpak parin!" Komento nya habang hinuhubad ang soot nyang apron.
"Hahahahahaha. Alam mo, dapat kasi tinawag mo ako para matulungan kita" saad ko sa kanya. Niligpit ko muna ang palpak nyang luto at hinugasan ito. "Okay, maupo ka muna. Watch me okay?" Dagdag ko.
"Okay.. make sure to cook it well" sabi nya na nag smirk pa.
"Don't you even try to smirk at me Mr. Elizalde kung ayaw mong hiwain ko yang nguso mo" pananakot ko sa kanya. Agad kong tiningnan ang mga condiments na gagamitin sana namin.
"What?!ano to? Bakit buo parin ang sibuyas at ang bawang? May plano ka bang mag magluto na ang laman ay puro sibuyas at bawang? Eh! Binalatan mo lang pero hindi slinice!" Napailing na saad ko sa kanya.Nagkamot lang sya ng batok dahil sa sinabi ko. Kaya kinuha ko ang mga binalatang bawang at sibuyas.
"Heto ha, gayahin mo ako kung paano ako maghiwa nito. Pagmasdan mong mabuti at gayahin mong mabuting mabuti" saad ko then he just nodded.
Mukhang fast learner si Vienne dahil malapit na nyang maperpekto ang paghiwa ng mga sangkap. Enjoy na enjoy pa sya ng sobra dahil pare parehas ang laki ng paghiwa nya.
Nang matapos maihanda ang mga gagamiting sangkap kasali na ang hiniwang bawang at sibuyas ay naupo na si Vienne sa isang upuan kaharap sa akin na syang magluluto.
"Staring is rude my yam ko" pang-aasar ko sa kanya pero mukhang walang epekto dahil ngumisi lang sya.
"Don't worry yam ko, I'm enjoying the view kasi" saad nya. I just rolled my eyes on him. Sarap batukan.
Nagsimula na akong magluto ng paborito nyang adobong kangkong. Habang pinapakuluan ko pa ito ay tinakipan ko muna. Humarap ako sa kanya na kanina pa pala nakamasid sa akin.
"What? May kailangan ka?" Tanong ko. He just shook his head side to side tanda na wala naman.
Pinagpatuloy ko ang pagluluto hanggang sa maluto ito. Pagkatapos kong magluto nito ay nagluto na din ako ng toyo.
I ask Vienne to prepare all the dishes that we need to use. Mukhang alam na alam nya ang mga gagamitin dahil inihanda nya ang 2 plato, 2 kutsara, 2 tinidor, 1 baso, at isang buong pitsel ng juice at tubig.
"Bakit isang baso lang?" Tanong ko sa kanya ng magsimula na kaming kumain.
"Why? Is there a problem?" Tanong nya.
"Hello? Hindi ba halata? Natural mayroon, can't you see dalawa tayong gagamit ng baso?" Naiirita kong turan.
"So what's with it? Mag asawa naman tayo at isa pa nagawa na natin magpalitan ng laway sa pamamagitan ng .... " hindi nya na itinuloy ang sasabihin nya ng busalan ko sya ng isang buong toyo.
"Ituloy mo... sige ituloy mo. Papatayin kita!" May diin kong sabi. Nag hands up naman sya tanda bilang pagsuko.
Natawa naman sya habang kinuha sa bibig nya ang toyo. Nagpatuloy na kami sa pagkain namin. Parehas kaming ganadong ganado sa kinakain namin hanggang sa...
"May problema ba? Bakit bigla ka atang natulala dyan?" Tanong ko sa kanya.
"I'm just wondering, kung bakit hindi ko alam na nay kakambal si Nella? Bakit hindi kita nakikita sa bahay nyo?" Tanong nya sa akin. Napalunok naman ako sa tanong nya.
"Ah. Eh. Ano kasi, kasi ano. Ahm." Buti na lang at tumunog ang cellphone nya kaya hindi ko nasagot ang tanong nya sa akin. Thank you sa tumawag.
Kinabukasan ay maaga akong gumising para ilista ang mga dapat bilhin sa grocery store. Kagabi kasi ay napansin kong wala ng laman ang ref namin kaya naisipan kong mamili ngayon. Nasa kalagitnaan ako ng paglilista ng bumaba ang magaling kong asawa kuno.
"Good morning yam ko" he gretted. I replied good morning too pero walang yam. Mukhang balik sanay na sya sa pagtawag nya sa akin ng yam, which is his endearment to me. "Anong ginagawa mo?" He asked habang binabasa isa isa ang mga sinusulat ko.
"Heto, sinusulat ang mga dapat bilhin dito sa bahay lalong lalo na sa laman ng ref. Mukhang magugutom tayo kung hindi ako mamamalengke" cool kong saad.
"Samahan na kita"saad nya at kumuha ng tubig sa ref.
"Okay" tipid kong sagot.
Matapos kong maglista ng mga bibilhin namin ay umarangkada na kami papaalis ng bahay. At tama na naman ang hinala ko, inutusan nya ang secretary nya na gawing eksklusibo ang mall para sa aming dalawa na syang ikinainis ko.
"Alam mo, ang kj mo! Tayo na namang dalawa ang tao ngayon?! bakit ka ba ganyan ha!" Sigaw kong tanong sa kanya.
"Gusto ko lang ng walang sagabal at tilian" palusot nya. Tumahimik na lamang ako dahil wala naman akong mapapala kong makikipag away ako sa kanya. Kaya hinayaan ko na lang.
Natapos kami kaagad sa pamimili ng mga groceries dahil kami lang namang dalawa ang customer doon, kaya walang pila ang nangyayari. Pagkaalis namin sa mall ay binuksan muli ito para sa mga taong nag-aabang.
"Tara na sa palengke" saad ko.
"What?! Ano naman ang gagawin natin doon?" He asked me with disbelief
"Bibili tayo ng isda, gulay, karne, at mga sangkap" cool kong sagot sa kanya.
"Wait, I'll just call my secretary to..." inagaw ko ang cellphone nya.
"Don't you even dare!" Pananakot ko sa kanya. "Kung ayaw mo ako nalang mag-isa ang pupunta" sagot ko sa kanya.
"Okay okay, I'll go with you" sa huli sumama na din sya.
Sanay na akong mamalengke dahil noong bata pa ako palagi akong sinasama ng mayordoma namin sa bahay na mamalengke which is yong nauna pa yang Manang Cita. Namatay lang iyong mayordoma namin kaya pinalitan.
Sanay na din akong tumawad at pumili ng mga preskong paninda. Eksperto na ako dyan eh!
To Be Continued . . . . .
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...