Chapter 44📌

3.9K 117 10
                                    

ARABELLA'S POV

"Bella..." bungad nya sa akin na agad nagpatigil sa akin ng bigla nya akong niyakap. Hindi ako makagalaw, hindi ko alam ang sasabihin ko sa kanya. "Bella, bakit nakatulala ka? Hindi mo ba ako na miss ha?!" Singhal nya sa akin sabay kurot sa tagiliran ko.

"Aray Ellie.." saad ko ng maramdaman ko ang kurot nyang nagpagising sa akin. Nang mahimasmasan ako ay niyakap ko sya ng buong puso. Sobra akong nangulila sa kanya.

"I miss you so much Bella" she replied.

"Na miss din kita Ellie, kayo ni Yaya Lolita. By the way, nasaan nga pala si Yaya Lolita?" kumalas ako mula sa pagkakayakap sa kanya.

"Si mama naiwan sa London, ako lang ang lumuwas dito dahil gusto kitang makita. Tago ka kasi ng tago. Ano bang problema bakit ka nagtatago?" tanong nya sa akin habang nakapameywang.

"Ang mabuti pa pag-usapan nalang natin yan sa loob. Mukhang may jetlag ka pa" nakangiti kong turan sa kanya.

"Of course, marami tayong pag-uusapan. Maraming marami pati iyang namumula mong mata, pag-uusapan natin" may himig na kakaiba ang bawat salitang binitawan ni Ellie.

Ellie immediately entered habang dala dala ang maleta nya, mukhang may balak syang dumito muna. Napangiti naman ako sa naiisip ko. I miss her at masaya ako kung saka-sakaling dumito muna sya sa amin. I want her to meet my triplets and for sure na masisiyahan sya sa mga anak ko.

"Wow, ang ganda naman dito Bella. Pero masyadong malaki para sa iyo ang bahay at sobrang tahimik naman dito baka ma engkanto ka" pagbibiro sa akin ni Ellie na ikinatawa ko naman.

"Maupo ka muna kukuha lang ako ng makakain natin" saad ko at kumuha na sa kusina ng pwedeng kainin ni Ellie.

"Thank you.." she said ng mailapag ko na ang pagkain sa mesa. Ngumiti naman ako at umupo na din paharap sa kanya. "Explain now Bella" saad ni Ellie  sa seryosong tono.

Humugot muna ako ng isang napakalalim na hininga bago nagsalita. I told her everything about what happened to my previous life sa Philippines. Ang mga pinapagawa sa akin ng mga magulang ko, ang tungkol kay Vienne, kay Aranella, at ang dahilan ng pagtatago ko mula sa kanila. Sa buong oras na nagkukwento ako ay ramdam ko ang pag-iiba ng aura ni Ellie. Alam kong galit sya at ramdam ko iyon.

"Then, I met Kristel and Robert here sa New York" pagtatapos ko ng storya. Hindi ko pa sinabi sa kanya ang tungkol sa anak ko. Gusto ko syang isurpresa tungkol dito.

"Bella, I don't know how to say this.." alam kong nag-aalangan si Ellie sa sasabihin nya sa akin. I hold her hand para sabihing okay lang kung ano man ang sasabihin nya sa akin. "Vienne, he went to London and talk to us".

"B-bakit Ellie? Anong sinabi nya sa inyo?" Tanong ko kaagad.

"He just asked about your whereabouts, he seem worried, lost, and mess ng makausap namin sya Bella. Halos magmakaawa syang sabihin namin kung nasaan ka. Gusto man namin syang tulungan pero wala naman kaming magagawa dahil hindi namin alam kong nasaan ka. Bella, Vienne was really sad at ramdam ko ang emosyon na dala dala nya na kahit na sino ay mararamdaman talaga iyon" paliwanag sa akin ni Ellie.

Hindi ako makapaniwala sa narinig ko. How come? Eh, sa interview ni Nella she seems happy habang kinukwento ang nangyari sa kanila ni Vienne at isa pa magkakaanak na sila. Kaya sobrang imposible na hanapin nya ako?

"That's impossible Ellie, kakapanood ko pa lang sa interview ni Aranella at sinabi nya lahat lahat ang tungkol sa nangyari sa kanila ni Vienne at isa pa magkakaanak na sila" saad ko na may sakit sa bawat salitang binitawan ko.

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon