ARABELLLA'S POV
Buong gabi akong nagmukmok sa hotel room na pinuntahan ko. Hindi na nila ako kailangan kaya naman ibinasura na nila ako. They didn't even bother calling me kung nasaan ako at kumusta ang lagay ko.
Nakatayo ako ngayon sa terrace ng hotel, malayo ang tanaw ko. Napatawa ako ng mahina sa sinapit ko. Kapalaran ko na ba talaga ang maging ganito? Ang ibasura? Ang tapakan? Ang kaawaan? Ang ipagwalang bahala?
Pumasok ako sa loob, agad akong nagtungo sa salamin. Pinagmasdan ko ang mukha ko, ang mukha ng impostora ayon kay Vienne. Ang mukhang manloloko. Napatawa ako ng may luhang tumulo mula sa mata ko. Ang sabi ko sa sarili ko. Hinding hindi na ako iiyak kahit na kailan pero bakit ganito? Nasasaktan parin ako ng todo.
Sa huli, napagdesisyunan kong umalis para magpasalon. Gusto kong ibalik sa normal na kulay ang buhok ko. Bibili din ako ng mga damit na hilig ko. No more cleavages, no more daring. Papalabas na sana ako ng hotel ng may bumangga sa akin na naging dahilan ng pagkaupo ko.
"Aray ko!" Daing ko sa lakas ng pagkabagsak ko. Hinimas himas ko pa ang tagiliran ko ng may naglahad ng kamay sa harapan ko.
"Ang tanga mo naman Ms. Beautiful" he said. Napataas naman ako ng kilay sa sinabi nya and when I look at him hindi nga ako nagkamali sa lalaking nasa harapan ko. Ang lalaking ito! How can I forgot this man?! Ang lalaking walang humpay akong iniisin noong isa araw.
Inirapan ko sya at hindi tinanggap ang kamay nya. Tumayo ako at pinagpagan ang sarili ko.
"Hanggang dito ba naman sinusundan mo ako?!" Galit kong sigaw sa kanya.
"Hep! Hep! Ms. Beautiful, dahan dahan lang nagiging Ms. Ugly kana tuloy sa inasal mo. Kalma okay?" He said while laughing.
"Aba naman! Stalker kita no?" I told him na naging dahilan ng paglakas ng tawa nya.
"Paano kung sabihin ko sa iyong oo, stalker mo ako? May magagawa ka ba?" Saad nya habang papalapit sa akin. Umatras naman ako sa paglapit nya .
"You!" Duro ko sa kanya. "Stay away from me kung hindi tatawag ako ng security" pananakot ko dito na wala namang epekto dahil tuloy tuloy lang ang paglapit nya.
"Talaga lang ha? Alam mo bang may atraso ka pa sa akin? The number you gave me last time is not your number" with that napahinto ako. Oo nga pala, imbento ko lang ang numero na iyon. Patay! Sino ba naman kasi ang mag-aakala na magkikita pa kaming dalawa. Napatikhim naman ako.
"Ehem.. Ah! Eh! Mr. Who ever you are.... " sabi ko but he cutted me off.
"It's Everette, don't you ever forget that Ms. Beautiful" sabi nya sa akin.
"Okay. Okay. Mr. Everette, sino ba naman kasing matinong tao ang maniniwala sa mga pinagsasabi mo sa restaurant. Buong akala ko kasi may saltik ka kaya ganoon" pakatotoo kong saad sa kanya.
"Hahahahahahahahahahaha. Seriously? Ms. Beautiful? Hindi mo ako kilala?" Tanong nya sa akin. Agad naman akong napakunot sa sinabi nya.
"What do you mean ha?" Pagtataray ko dito.
"I am Everette Castillo, the owner of the restaurant kung saan tayo unang nagkita at may-ari nitong hotel na tinutungtungan mo" he firmly said. With that, ako naman ang napatawa ng malakas at sinabihan syang baliw.
"Hahahahahahaha. Baliw ka talaga eh no?" Patuloy parin ang pagtawa ko. "Guards, please po pakialis sya sa harapan ko. Baliw po sya I swear" agad namang lumapit ang 2 guards sa amin.
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...