Chapter 22📌

3.7K 122 0
                                    

ARABELLA'S POV

Wife? Asawa? Kristel? Paano? Bakit? Nababaliw na talaga ako sa revelations today. I can't help it.

"Are you serious Robert? How come? I mean paano mo sya naging asawa? Naguguluhan na talaga ako masyado sa mga pinagsasasabi mo" sabi ko sabay hilot ng sintido ko. Sobra ang mga pangyayari ngayon.

"Yes, she's my wife. Kristel and I were married. One night of mistake. I'm having my vacation at isla Buluan kagagaling ko lang sa heartbreak noon. Nalasing ako at si Kristel naman ang naatasang linisin ang room ko sa hotel na pinagcheck in-nan ko. I saw her at gandang ganda ako sa kanya. I don't know what happened basta nagising na lang akong umiiyak sya and she accused me that I raped her. Galit na galit ang lolo at lola nya. They force me to marry her at wala akong magawa kundi ang pakasalan ang apo nya kung hindi tatagain nya ako ng itak. Kasal na kami, I bring her dito sa Manila at ipinakilala kina mommy at daddy. Mommy dislike her so much, siniraan nya sa akin si Kristel at ako namang si gago naniwala. Agad akong nag file ng annulment at pinirmahan iyon, she begged na hindi gawin iyon dahil inosente sya at buntis sya sa anak namin na hindi ko matanggaptanggap kong akin ba talaga. I love her so much, kahit sa maikling panahon naming nagsama minahal ko sya ng sobra sobra. I left her, umalis ako ng bansa, pagbalik ko, annulled na kami. She signed it at si mommy na mismo ang nag asikaso para mapawalang bisa ang kasal namin. Ito talaga ang totoong rason kung bakit ako bumalik galing U.S. I don't need the University dahil kaya ko namang magpagawa nyan with the money I have. All I want is Kristel, sobrang saya ko ng makita ko syang dito sa University ko nag-aaral but I'm too late, Kristel is already engage when I confronted her yesterday" buong oras lang akong nakanganga sa mga sinabi nya. End of the world na ba? Bakit ganito ang mga tao ngayon.

"Ahhhh.. okay?" Ang tanging naisambit ko. Wala naman akong masabi. Ngayon napagtagpi tagpi ko na ang lahat, noong may activity kami, Kristel drew a woman who ran away from a man while begging him to stay. Kaya pala.

"Oo. Hindi ko alam kong mababawi ko pa sya. I love her so much. Pero huli na ako" madamdamin nyang sabi habang umiiyak. Robert cried. Parang piniga ang puso ko sa nakita.

"So? What is your plan?" Sabi ko habang inabutan sya ng panyo.

"Aalis na ako ng bansa for good. I want to move on kahit na alam kong hindi ko naman magawa. How can I forget a woman who love me dearly?" Pagak nyang saad na may luha.

"Talk to Kristel again. Ask her if she still love you or not. Her answer matter Robert. If she says yes, you'll stay. If she says no then maybe its time to let go and move on" pagpapaliwanag ko sa kanya.

"I'll try but I cannot promise. Nella, thank you. Thank you so much for everything" nakangiti nyang sabi sa akin while holding my hand tightly.


"Gabi ka na pala umuuwi Nella" napahinto ako sa pagpasok ng makita ko ang mga magulang kong prenteng nakaupo sa sala. "Napag-alaman kong naka leave ka sa trabaho mo, kaya naman pumunta ako agad dito to make sure na hindi ka tatakas sa napagkasunduan natin Bella. You know me, don't try me!" Giit ni daddy. Napailing na lamang ako. Akmang lalampasan ko sya ng hilahin nya ang braso ko. "Don't turn your back on me lady!". Buong lakas kong kinalas ang braso ko mula sa pagkakahawak ni daddy.

"Don't worry daddy hindi ako tatakas. Nag leave ako para isipin ang putang ina ninyong sinabi sa akin tungkol sa pagpapawala ng pagkabirhen ko!" I faced him with an emotionless eyes. "Ito naman ang gusto nyo diba? Ang masira ang buhay ko? Ang gutay gutayin ang kinabukasan ko! Ang tapak tapakan ang dignidad ko! Ang ibasura ang katauhan ko! Well daddy, you're right. Anak nyo lang ako, don't worry bukas na bukas din masusunod ang walang kwenta nyong kahilingan. Kaya magpahanda kana ng bongga bonggang party kasi nga you're the best dad ever" buong lakas kong sigaw sabay duro kay daddy. I don't care kung pinagtitinginan na kami ng mga katulong. All I know is to release all the feelings that I kept for a very long time. Umalis ako ng walang pasabi, I left the mansion. I don't care, gusto kong magwala ngayon.

Hindi ko namalayang sa bar pala ako dinala ng kotseng minamaneho ko. Agad akong bumaba at pumasok sa loob. The place was dark with lights. Well, ano pa nga ang inaasahan ko sa lugar na ganito. Naghanap ako ng lugar na mauupuan ko hanggang sa makita ko ang isang bakanteng upuan. Pumunta ako doon at agad nag order ng isang demand na inumin na nakakalasing.

Nagsalin agad ang bartender sa baso ko, nilagok ko ito at agad syang inutusan na mas damihan pa ang paglalagay. Nang makarami ay nakaramdam na ako ng pagkahilo, nanghihina ang buong sistema ko dahil sa alam pero may lakas parin ang kamay ko para tumungga ng inumin.

Pinagalitan ko ang bartender gamit ang nakakalasing kong boses dahil hindi nya na ako sasalinan ng alak. Ibabato ko sana ang baso sa kanya ng may humila ng kamay ko.

"Sorry about my wife, here's the tip" sabi ng lalaki. Hindi na ako nag-atubiling lingunin sya. Wala na akong lakas heler? Kaya naman pumikit na lang ako.

Ang sarap matulog, kahit maingay dahil sa yugyugan at indakan wala parin akong pakialam. I don't care. Araw ko ngayon. I want to give my best shots. Gusto ko ng sirain ang katawan ko, papatayin ko ito sa pamamagitan ng pag-inom. Siguro naman, mamamatay na ang lamang loob ko sa dami ba naman ng alak na nainum ko for sure dedoks ang kalalabasan ko.

Ang sarap siguro pakinggan bukas sa balita na "isang babae patay matapos makainom ng napakaraming alak". Napaiyak naman ako sa naisip ko, ako mamamatay? Baka hukayin pa ako ng walang hiya kong ama dahil hindi pa tapos ang pagpapanggap ko.

"Tsk. What's with you Nella" he whispered. Sa sobrang bigat ng talukap ko hindi ko na ito kayang ibuka. All I knew is that I was carried by the man who have a broad arms at sobrang tumpak na muscle. Napahagikhik naman ako sa mga pinag-iisip ko.




To Be Continued . . . . .

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon