VIENNE'S POV
Three days ago ay pinasukatan kami ni mommy ng mga susuotin namin for tonight's event. Si mommy ay hindi mapakali ng husto gusto niya ay perpekto ang kalalabasan ng paghahanda niya. By the way, one week na pala kaming naririto sa Italy. Masyado kasing advance si mommy kaya medyo napaaga kami ng dating dito.
"Good morning sir, pinapatawag na po kayo ni Donya Arlene sa sala" bungad sa akin ng katulong. Nakikipaglaro ako sa triplets dito sa mini playground. Sa makalipas na ilang linggo ay tuluyan ng gumaling si Sachi. Bumalik na rin ang dati nitong sigla o mas sumigla pa. Daig pa sa dalawa ang kakulitan nito. I just nod to the maid and smile. Umalis naman ito kaagad.
"Babies let's go to your grandma and mommy" anyaya ko sa mga bata. Agad namang tumigil ang mga ito sa paglalaro at mas nauna pa sa aking pumunta kung saan naroroon ang lola at ang mommy nito.
Pagdating namin doon sa sala ay may mga taong nakahilera. Mukhang mga disente ang mga itsura nito at hindi basta basta. May mga kagamitan din itong mga dala. Mukhang alam ko na kung ano ang mga ito.
"Oh! Vienne, sila ang mga taong mag aalaga sa atin. I hired the best and known make up artist, stylist, so on and so forth in town" pakilala ni mommy sa kanila. I just nod as a sign of yes. "Mga apo, come here, pati kayo ay aalagaan nila okay?" tinawag ni mommy ang mga bata. Mukhang masaya ang mga bata mula sa narinig. I sit on the couch at nagbasa ng magazine.
Nagsimula na ang mga taong binayaran ni mommy sa pag alaga sa kanila mula sa buhok hanggang sa kadulo duluhan ng kuko. Ang triplets naman ay mild lang ang ginawang pag aayos sa kanila, afterall, nature na sa kanila ang kagandahan at ka gwapuhan na kahit sino ay mabibihag at mapapalingon.
"Yam? Ayaw mo bang magpaayos? Manicure? Pedicure? Haircut?" sunod sunod na tanong ng asawa ko habang nakapikit dahil nagpa facial scrub ito. Ganoon din naman si mommy. I even ask mommy kung nasaan si daddy pero he just simply replied na may inasikasong business in the other town. Babalik din naman ito kaagad.
"Daddy? You don't want to look more handsome?" napatingin ako sa anak kong si Savi na nakasimangot.
"Why baby? Hindi ba gwapo si daddy mo?" nagtatampo ko kunong sabi sa anak ko. Nanlaki naman ang mata ni Savi na mukhang nag alala sa reaksiyon ko.
"Daddy! Don't get me wrong po okay? You are handsome and the most handsome in the whole wide world" nagpalipad ng flying kiss si Savi sa akin na ikinatawa ko. Pati ang dalawa nitong kapatid ay napatawa din.
"Vienne, your daughter is trying to say that the person we will be meeting with ay siyang pinaka inaabangang pagkakataon ng lahat" sabat ni mommy.
Natapos din ng alas 4 ng hapon ang ginawang pag aayos sa kanila. Pagpapamasahe lang ang pinagawa ko sa kanila. I just want to be relaxed and be calm.
"We're ready" sabay sabay na sigaw ng triplets. They look cute on their clothes. Si Savi ay nakasuot ng maliit na gown na may cute na maskara. Ang dalawa namang lalaki ko ay naka tuxedo at may maskara ding bumagay ng husto sa kanila.
"How about me son?" si mommy.
"You always makes me mesmerize my wife" dad encircled his hands on mommy's waist. Napangiti naman ako sa cute tan nila kahit may edad na sweet parin. Biniro rin ni mommy pabalik si daddy at ayon! Nagbiruan nalang sila habang tawa lang kami ng tawa ng mga anak namin.
"How do I look Yam?" sabay kaming napatingin sa stairs.
Bumaba si Bella with her expensive gown. She looks beautiful walang duda. She walks like a queen habang papalapit sa kanyang hari. Kinapa ko ang dibdib ko. Napatanong tuloy ako kung bakit ganoon? Bakit hindi tumitibok ang puso ko? Napailing nalang ako ng tuluyang makalapit si Bella sa akin.
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...