Chapter 7📌

3.9K 140 0
                                    

ARBELLA'S POV

Today is the day.

My wedding day.

Aranella's wedding day.

I should be happy like every bride who is getting married. But I can't, parang pinapatay talaga ang puso ko. Getting married to the man I love is my dream in my whole life. My grandfather used to tell me na that man will be the one who will save me, take care of me, and love me unconditionally. I am his damsel in distress and he was my savior, my knight in shining armor, my prince.

But I guess, it was just my wildest dream. Here I am wearing a very expensive gown, kumikinang sa ganda, at sumisigaw ng pagkamahal mahal na presyo. Every inch of the gown was filled with diamonds.The Elizalde hired a prominent and most demand make up artists in the country. Iba ang na assign sa mukha ko, iba sa kuko ko, iba sa buhok ko, iba din sa gown ko.

Nandito ako ngayon sa isang kwarto ng Elizalde Hotel, habang inaayusan ako ay may kamerang nakatutok sa bawat galaw ko at sa mga nag-aayos sa akin. Sa sobrang bongga ng kasalang ito ay daig ko pa ang reyna. Napatawa ako ng pagak sa naiisip ko. Bawat parte ng katawan ko ay may palamuting mamahalin. Kahit sinong babae, maiinggit kong ganito ba maman ka espesyal ang kasalang ito.

"I'm done with the hair" sabi ng isang babaeng nag-ayos sa akin. Sa palagay ko she ages 27 or 28. She was also pretty.

"Me too, I'm done with the make up. She looked like a goddess of the Mt. Olympus. She was very pretty. Kaya naman worth it ang bonggahang kasal na ito. Vienne must be very proud of his bride" sabat ng isang babae na naatasan sa mukha ko. Ngumiti na lamang ako ng tipid at pagkapeke-peke.

"Yes, I agree with you girls. Napakaganda nya, sa lahat ng inayusan ko sya lang talaga ang may taglay na ganitong ganda that makes every man swoon over her" sabi ng isa. "I'm also done with her nails, nilagyan ko na ng konting palamuti to make it perfect" she added, the one who work with my nails.

Napayuko ang mga nag-aayos sa akin ng pumasok ang mommy at daddy ko. My mom looked like a queen in her white dress while dad also looked like a king. They were perfect. They look adorable. Lumapit si mommy sa akin at niyakap ako.

"Thank you and I'm sorry" she whispered. I just looked away to prevent from crying, sayang ang make up ko. "You looked perfect. Napakaganda mo, para kang dyosa" mom added nang kumalas sya mula sa pagkayakap sa akin. Dad just looked at us with of course his signature looked.

"Let's go, stop the drama" he commanded at nauna ng umalis. Napabuntong hininga na lang ako. Mabuti nalang at hindi nakunan ng kamera ang drama namin ng pamilya ko because dad ordered not to captured it.

Habang lulan kami ng sasakyang napaganda at puno ng palamuti ay panay ang pag-iisip ko tungkol sa mga mangyayari at pwedeng magaganap. After a couple of minutes ay nakarating na kami sa simbahan. Naunang bumaba si dad at sumunod si mommy. Panghuli na akong lumabas.

The church was big at maraming kamera ang nakapalibot sa labas ng simbahan, how much more sa loob ng simbahan? Baka puro nalang kamera ang nandoon at natabunan na ang mga bisita. Balita ko, mga kilalang tao ang mga bisita sa kasalang ito. Mga taong napapayagpag sa larangan ng pagnenegosyo. Millionaires, billionaires, actors and actresses, singers, hosts, politicians, beauty queens, athletes, at marami pang iba.

Mom and dad guided me, nang makarating kami sa pwesto namin ay sinenyasan kami ng wedding coordinator na maghanda.

Nang bumukas ang pintuan ng simbahan at humugot ako ng isang napakalalim na hininga bago nagmartsa papasok sa simbahan. I was stunned sa nakikita ko, all eyes were on us, no! were on me to be exact. I can see that some people were smiling, some are irritated, but mostly are happy. Every steps that I take makes my heart pounds so fast dagdag pa ng kantang "Beautiful In White" na kinanta ng isang batikang mang-aawit ng bansa na hakot award din.

Habang papalapit kami ay titig na titig ako sa lalaking naghihintay sa harap ng altar. He was so handsome kahit sa malayuan. Gwapong gwapo talaga sya sa suot nyang damit, he was also stunning. He's also a greek god of Mt. Olympus, an epitome of beauty. Nang makarating kami sa kanya, ay nag beso beso muna sina mommy at ang mommy ni Vienne. While dad ang his dad were shaking their hands. Mom and dad say something to Vienne na hindi ko maintindihan.

I looked at Vienne and I caught him staring at me nang nakakunot ang noo. I smiled at him then he also smiled at me while shaking his head. Iginiya nya ako sa altar, nang nasa harap na kami ay may ibinulong na sya sa akin.

"You looked different babe" he said that makes me shiver. I face him and give him my sweetest smile without uttering a word. "I can't wait to ravished you tonight, you looked hot in that white dress babe" he added na naging dahilan ng pagkabigla ko. I looked at him pero hindi na sya nakatingin sa akin, nakatingin na sya sa harap na may pilyong ngiti.

Nanggigil ako sa sinabi nya, hindi ko inakalang manyak pala ang gusto ni Aranella. Gusto ko syang busalan ng kamao ko pero pinigilan ko lang ang sarili. Hindi ko na lang sya pinansin.










Hindi lubos ma proseso ng utak ko ang mga nangyari kanina sa kasalan. Ang naalala ko lang ay ang palitan naming dalawa ng "I do". Nang inanunsyo na ng pari ang "you may kiss the bride" ay hindi na ako nakapalag pa ng yakapin nya ako at hinalikan. My eyes widen sa nangyari, I don't know how to kiss, it was my first kiss and he did it torridly. Parang na estatuwa ako sa ginawa nya, hindi ako magalaw pero sya patuloy parin ang paghalik sa akin. Itutulak ko sana sya ng maalala kong si Aranella nga pala ako at hindi si Arabella. Hinayaan ko na lang syang pagsamantalahan ang labi ko.

Hindi parin sya tumigil sa paghalik, nagsusumiksik, naghahanap, at nangangain ang kanya labi. He did everything to open my mouth at ng magtagumpay sya ay may pinailalim nya pa ang halik. Hindi pa sana sya titigil ng tumikhim ang pari at sinabing sa honeymoon na itutuloy.

Napayuko na lamang ako sa hiya pero si Vienne ay napahagikhik sa ginawa. Nang humarap kami ay mga taong nagpipigil ng tawa ang nakikita namin. Isa isang tumayo ang mga tao at nagpalakpakan habang bising bisi naman ang mga camera man sa pagkuha ng litrato namin.

Napasinghap ako ng buhatin ako ni Vienne na naka bridal style. Kaya naghiyawan naman ang mga tao. Diyos ko naman, sobrang nakakahiya talaga kaya naman isiniksik ko na lang ang ulo ko sa leeg nya habang nakahaeak ako sa dibdib nya. He carried me papuntang sasakyan, akala ko ibababa nya na ako pero nagkakamali ko, he still carried me hanggang sa loob.

Nang makarating kami sa reception ay buhat buhat nya pa rin ako, I told him to put me down pero sabi nya. He can manage at gusto nya ang ginagawa nya. Kung mahal ko siguro sya baka kiligin pa ako.

Nang makapasok kami ay marami na din ang mga tao, the program started hanggang sa isa isang nagbigay ng mensahe ang mga kaibigan at kamag-anak namin. Halos lahat ay hiningi na magkababy na kami agad agad na sinabayan naman ng biro ni Vienne. Buong program lang akong tahimik at sasagot lang pag kinakailangan. Todo ngiti din ako na parang ang saya saya ko talaga.

Gabi na din ng matapos ang katuwaan sa reception, hindi kami umalis dalawa sa reception at hinintay na lang naming matapos ito. Maghahating gabi na kami natapos, Vienne's parents invited us na pumunta muna sa bahay nila for their surprise together with my parents.

Surprise? Ano kaya iyon?










To Be Continued . . . . .

Marrying My Sister's FianceeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon