ARABELLA'S POV
"Did you already throw it away?" Bungad nya sa akin ng makapasok na ako ng bahay. I just nodded tinamad akong magsalita eh. "Who is he?" He added.
"I don't know, hindi ko alam kung sino ang nagpapadala sa akin ng mga bulaklak" bagot kung sagot sa kanya bago naglakad papuntang kusina.
"Really? You sure you don't know him?" Paniniguro nya sa akin, sumunod pala sya sa akin dito sa kusina. I nodded again. "Make sure you don't cheat" he said.
"Cheat? Why would I do that? At isa pa hindi naman tayo diba? Pwera nalang kung mahal mo na ako" nakangiti kong saad pero tumalikod lang si Vienne sa akin at kinuha ang karton saka binuksan.
"Saan ba ilalagay ang mga ito?" Pag-iiba nya ng usapan medyo nadismaya ako sa sinabi nya.
"Ah dyan lang sa kaliwang drawer" sagot ko sa kanya. "Nga pala, anong ulam ang gusto mong lutuin ko mamayang dinner?" Tanong ko.
"Anything basta pwedeng maulam and make sure na masarap" saad nya habang nag-arrange sa drawer.
"Oo naman, ako pa. Baka makalimutan mo pa ang pangalan mo" cool kung saad na ikinatawa nya.
Natapos ang pag-aarrange namin ng mga pinamili namin, marami rami din kaming napag-usapan ni Vienne. Sa buong araw naming magkasama masasabi kong parang okay na kaming dalawa. Parang wala kaming problema. Happy naman ako dahil hindi na awkward. Vienne is so damn madaldal kapag nasimulan. He's a greek in business at kinakatakutan pa sya. Nang matapos kami sa kusina ay bigla akong binuhat ni Vienne na lang bridal style.
"Oh my god!!!! Vienne what are you doing? Ibaba mo nga ako!" Pasigaw kong utos.
"Na ah ah, I won't, tumigil ka nga sa pagpupumiglas baka mahulog ka" saad nya.
"Eh! Saan mo ba kasi ako dadalhin at bakit buhag buhat mo pa ako?" Sigaw ko ulit.
"Matutulog tayo, I want to sleep beside you" he whisper in my ears.
Nang makapasok kami ay dahan dahan na akong ibinaba ni Vienne sa kama. Tumayo muna sya at nagbihis ng damit nya bago tumabi sa akin.
"Matulog na tayo yam ko" he said bago pumikit.
Biglang bumilis ang tibok ng puso ko. Napahawak ako dito, alam kong mahal ko si Vienne pero todo naman ang pagpipigil ko sa damdamin ko sa kanya dahil alam kong mali ito. Aalis din ako at iiwanan sya sa susunod na buwan.
Pero bakit nag-iba si Vienne? Bakit iba ang pakikitungo nya sa akin? Why do he keep me comfortable everytime I'm with him? Naguguluhan na ako sa mga kilos ni Vienne pero isa lang ang alam kong sigurado ako. Ito ay ang mas paglalim ng nararamdaman ko. Sa huli alam kong talo ako.
Nang mabatid kong tulog na si Vienne ay pinawi ko ang bangs nyang tinakpan ang mga mata nyang malaanghel kahit na tulog sya. Hinimas ko ang mukha nya hanggang sa tungki ng ilong nya. Sobrang gwapo nya at ang swerte ni Nella. Matapos ang matagal kong pagtitig sa kanya ay niyakap ko sya pabalik at natulog na din.
"Yam ko..." pero ungol lang ang naging tugon ko sa pagyugyog sa akin ni Vienne. "I'll kiss you if hindi ka pa babangon dyan" with that cue ay walang sabi sabing bumangon na ako bigla.
"Oh my god! Ang sarap ng tulog ko?" masigla kong saad sa kanya. "Gabi na pala, halika na Vienne let's cook" I immediately grab him pero nagmatigas sya. "Bakit?" I asked.
"Call me yam ko. Don't make me repeat myself" sabi nya sabay iwan sa akin sa loob ng kwarto. Did he really meant that? Gusto nyang tawagin ko syang Yam ko? Di bale, gusto ko din naman syang tawagin na ganoon kaya okay lang. Hindi na ako magprotesta pa. Gusto ko din naman kasi.
I immeditely follow Vienne and there I saw him peeling the onions and garlic. Binuksan ko ang ref at kinuha ang baboy, plano ko kasing magluto ng paborito kong ulam which is sinigang baboy.
"What are you cooking?" He asked.
"Sinigang na baboy at mag aadobo na din ako ng manok" casual kong sagot.
I begin to cook when everything is ready. Inuna ko na ang adobong manok dahil mas matagal ito kaysa sa sinigang na baboy. Amoy palang ulam na. Kaya si Vienne ay prenteng nakaupo sa lamesa na may kutsara at tinidor sa mga kamay nya.
"Dinner is serve" saad ko ng mailahad ko na ang lahat ng pagkain. Para naman syang batang tuwang tuwa ng maihain ang pagkain sa harapan nya.
"Sarap..." saad nya habang ngumunguya ng isang pirasong karne ng adobo.
Ngumiti naman ako sa sinabi nya. I felt so blessed dahil nagustuhan nya ang luto ko. Nagsimula na din akong kumain at god bless lang talaga dahil tig dadalawa na ang mga pinggan sa lamesa pati baso dalawa na.
Bumili din pala kami kanina ng cake sa red ribbon at ito ginawa naming panghimagas ngayong gabi. Sarap na sarao din kami sa cake na kinain namin.
"Bakit ka nakatingin sa akin? May dumi ba ako sa mukha?" I asked him ng mapansin kong kanina pa sya nakatitig sa akin.
"I want to know everything" he started. Inilagay ko ang kutsara sa tabi ng plato at tiningnan din sya ng seryoso.
"There's no need for that at isa pa, isang buwan lang naman ang ganitong set up natin so why bother asking me like that?" I replied to him.
"The two of you were very different. Sa lahat ng bagay magkaiba kayo. I'm just confused kung bakit itinago ka ng mga magulang mo" he stated.
"Tinatago? You're wrong hindi nila ako itinago at bakit naman nila ako itatago?" Depensa ko.
"Hindi nga ba? All these years ngayon ko lang nalaman na may kakambal si Nella. All along ang alam ko ay unica iha sya ng mga Fuentabella, don't get me wrong pati mga tao sa bansang ito ay ganoon din ang alam. So now tell me? Hindi ka ba nila tinago? Every parties na dadaluhan ng mga Fuentabella at gaganapin sa mansion ng Fuentabella ay si Nella ang palaging nandoon" mahabang saad nya.
Lumunok muna ako, hindi pa ito ang oras para malaman nya ang lahat. I don't want to make a problem kung darating man ang panahon na kailangan ko ng lumisan.
"I lived in London, I choose to be there, end of the story" sabi ko sabay tayo at niligpit ang mga pinagkainan namin.
"Why? Bakit ayaw mong sabihin ang totoo? Matagal tagal na din tayong nagkasama, kahit bilang kaibigan lang, sabihin mo sa akin ang totoo" madamdamin niyang pahayag sa akin.
"Kaibigan?" Bulong ko sa sarili ko. Nakatalikod ako sa kanya dahil nilagay ko ang plato sa lababo. I tried to compose myself bago humarap sa kanya. "You know what, itigil muna natin ang usapang ito. Please, for me, respect my decision".
Vienne just sighed and nodded. He gave me a sweet smile bago ako tinulungang magligpit. We acted to each other na parang walang nangyaring komosyon kanina.
He even helped me wash the dishes at inayos din nya ang lamesa at upuan na ginamit namin.
Gabi na din kaya umakyat na kami sa taas. We watched movie first, nang matapos naming panoorin ang isang buong palabas ay magkatabi kaming matulog pero may boundary. Masaya na ako na kahit kaibigan lang ang turing nya sa akin ay ramdam ko naman na totoo sya sa akin.
To Be Continued . . . . .
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...