ARABELLA'S POV
Ika isang linggo ko na ngayong araw mula ng napag-isipan ng mga magulang ko na magtraining ako sa mga galaw, pagsasalita, at mga nakasanayan ni Aranella. My mother was the one who exert too much effort para talaga maperpekto ko ang papel at katauhan na gagampanan ko sa loob ng 3 buwan. Thinking about the "wedding" and "husband" gives me goosebumps.
Simula ng pag-eensayo ko ay nahirapan na talaga ako. Aranella's life was very far from the life I used to. Aranella was very bossy, sossy, shopaholic, lakwatsera, and most of all she was lazy. She loves to dress na halos kita na ang kaluluwa. Hindi sya nagsusuot ng mga damit na hindi kita ang cleavage. She hates cooking, cleaning, working, at marami pang iba. All of Aranella's hates was my favorite.
When I was in London, natuto ako sa mga bagay bagay na dapat matutunan ng isang babae kahit may kaya pa ito. Yaya Lolita was the one who teaches me how to be a woman to her future husband and children. Ellie was my companion sa paglilinis, pagluluto, at sa pagtutupi ng mga plinantsang damit. I do love to wear long sleeves, 3 fourth, and palagi akong naka pants. When I was in London naging independent na ako. Thanks to Yaya Lolita, my second mother and of course to Ellie.
Pero lahat ng iyon ay kakalimutan ko muna ng panandalian dahil nga magiging artista muna ako pansamantala, at gagampanan ko muna ang papel ng kakambal kong si Aranella.
"Aranella was left handed Arabella. She always placed her spoon in the left hand at sa kanan naman ang fork" my mother demonstrate's Aranella's actions. Tumango naman ako bilang sagot.
Ginaya ko ang ginagawa ni mommy. Pati paghiwa ng karne maging sa pag-inom ng tubig. Masasabi kong medyo maarte talaga ang kakambal ko. Biruin mo, bago sya iinom dapat inamoy nya na ito ng tatlong beses at dapat hindi ubos ang laman ng baso.
"Your sister also hates sour food like sinigang. She hates sinigang so much. Ayaw din nya ng aso at pusa dahil mabalahibo" habang tumagal ang training namin ni mommy naging mas mahirap na ang mga bagay para sa akin na matutunan. Dahil love na love ko ang sinigang na baboy, sa katunayan nga ito iyong palagi kong niluluto when I was in London. Mahilig din ako sa hayop lalo na sa pusa at aso. May pusa at aso kasi si Ellie kaya nahiligan ko na din. Nakakatanggal ng stress lalo na pagnilalambing ka nila.
"Arabella? Are you still with me?" pukaw sa akin ni mommy. "Napansin ko kasi na parang wala ka sa sarili mo, kanina pa ako dito nagtuturo pero parang tuliro ka" she added na medyo nababahala.
Tumayo ako at iniwan muna si mommy. Agad akong pumunta sa silid ko at ni lock ito. Tumungo ako sa malaking salamin at tinitigan ang sarili ko. Hinawakan ko ang mukha ko at ang hinimas ito. I hate this feeling right now, I really hate it. Ang mukhang nakikita ko sa salamin ay pansamantala ko munang papatayin sa limot at papalitan ng katauhan ng kakambal ko, si Aranella.
Napaiyak ako sa sakit. Ang sakit sakit dahil mismong magulang ko pa ang may kagagawan para mawala ang katauhan ko bilang Arabella. I was always neglected and I always feel unwanted. My existence was nothing dahil sa kasalanang hindi ko naman ginawa. I was also a victim. Pero para sa kanila isa akong kriminal. I never wished to kill my own grandfather. I love my lolo so damn much. Pero sa mata ng mga magulang ko lalong lalo na sa daddy ko, amo ang dahilan ng lahat lahat kaya siguro ganoon na lamang ang galit nya na makaya niyang hindi ako tratuhin na anak.
Napalingon ako sa gawi ng pintuan when someone knocks the door. Pinuntahan ko ito at binuksan. Tumambad sa akin ang strikto at galit na mukha ng daddy ko.
"What do you think you're doing Arabella? Bakit mo iniwan ang mommy mo sa garden. Nasa gitna kayo ng pagsasanay. Sinayang mo lang ang oras. Today will be exactly one week at ngayong araw ay puspusan ang pagsasanay nyo dahil ngayon ang huling araw ng pagsasanay mo. Don't act like a child na dapat pang suyuin at bigyan ng candy dahil hindi naman bagay sayo ang umaktong bata!" my father said. Napayuko na lamang ako sa halo halong emosyon na nararamdaman ko sa oras na ito. Bakit tagos palagi sa puso ang mga salita ni daddy?
"Don't worry dad, bababa na din ako. May kinuha lang ako sa kwarto ko" pagsisinungaling ko na hindi nakatingin sa kanya.
"Move faster at bumalik ka na doon. Make sure na ma perfect mo na ang mga galaw mo dahil nalalapit na ang kasal mo!" and with that he left me hanging. Napasandal na lang ako sa pintuan ng kwarto ko at humugot ng hangin bago napagdesisyunang bumaba. Medyo kumirot ang puso ko sa trato ni daddy. Hinimas himas ko muna ang puso ko bago bumaba.
Naabutan ko si mommy na inaayos ang mga gamit na ginamit namin kanina sa pagsasanay. Agad nagtaaas ng tingin si mommy ng maramdaman nya ang presensya ko.
"Arabella, are you okay?" she asked me like nothing happened. Hindi ko sya pinansin at naglakad palapit sa kanya.
"Let's continue this shits para matapos na. Sayang ang oras" I said without looking at her. I heard my mother sighed.
Pinagpatuloy na namin ang pagsasanay ng mga dapat gawin at nakasanayan ng bruhang si Aranella. Mukhang kabisado lahat ni mommy ang galaw at kilos nya. Nakakatouch talaga sila.
Natanong ko sa sarili ko kong tama bang umuwi ako? Wala namang closure ang naganap sa pag uwi ko mas naging complicated lang ang lahat sa akin. Nadagdagan lang ang pagkamuhi ko sa kanila, akala ko mapapawi kung papakitaan nila ako ng maganda pero all along, akala lang pala ako ng akala.
My day ended with a drum of lies. Nag-uumapaw sa sobrang kasinungalingan.
Nandito kami ngayon ni mommy sa isang mall, bumili sya ng mga bagong damit, pabango, alahas, sapatos, at kung ano ano pa. Mga bagay na hilig ni Aranella. Parang pinakyaw na namin ang mall sa dami ng binili ni mommy. Wala naman akong naging komento dahil hinayaan ko na lamang ang mommy na gawin ang gusto nya.
"Let's go to the salon Arabella, ipapaputol natin ang buhok mo. Shoulder length ang buhok ng kakambal mo. At medyo blonde ito. Ipapakulay nalang natin ang buhok mo" she said and walked away. I followed her towards the salon she was talking about.
The woman who handled me made a very good job dahil kuhang kuha nya ang hair style and hair color na kagaya ni Aranella. Kung sino man ang titingin sa akin, masasabi talagang ako si Aranella. My mother claps her hand when she saw me. She gave a big tip to the owner of the salon because of the outstanding job. Then she handed me a red dress na medyo daring at above the knee ito at kita ang cleavage. I have no choice but to wear it dahil ngayong araw ay sisimulan ko ng i apply ang mga natutunan ko sa pagsasanay bilang si Aranella. I should act like her in any means. Ngayong araw ako na si Aranella.
"You really looked like her, your sister Aranella" my mother commented. I just walked away and passed her. I rolled my eyes and smirked. I hate this shits. But I have no choice but to do this. 3 months, 3 months lang naman. Tatlong buwang puno ng pagpapanggap, kasinungalingan, pakukunwari at paglolokahan. A game of lies na alam kong sa huli ako ang talo.
To Be Continued . . . . .
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...