ARABELLA'S POV
Para akong natuklaw ng ahas when I see her wearing the same clothes as mine. Para lang akong nananalamin sa sarili kong mukha. Aranella doesn't like my fashion pero nagawa niyang magaya ako.
"Are you surprise Arabella?" nakataas ang isa nitong kilay sa akin habang may pilyang ngiti sa mga labi.
"B-bakit m-mo i-ito n-nagawa?" nauutal kong tanong sa kanya dahil hanggang ngayon hindi parin ako halos makapaniwala.
"You know what, ang dali dali mo kasing maloko. Ikaw namang si tanga naniwala kaagad sa drama ko" sabi nito sa akin sabay upo sa isang silya na nakaharap sa akin. Kanina pa nandoon ang upuan, inihanda ng mga taong kumidnap sa akin.
"Drama? Ibig sabihin palabas mo lang ang nangyari?!" medyo tumaas na ang boses ko dahil sa bugsong galit.
Ngumiti si Aranella ng napakalapad at kumuha ng sigarilyo mula sa kanyang dalang bag at ginamit ang lighter para sindihan ang sigarilyo.
"Yes my dear. Everything was just a dirty scheme of mine. Plano ko lang iyong lahat Bella! Pati ang pagdating ni Alessandro ay scripted" she added.
"Pero buntis ka Nella bakit hindi ka na lang magbago?" tanong ko rito sa kanya.
"I killed the baby inside my womb" casual nitong pagkakasabi na parang wala lang sa kanya ang lahat ng sinabi.
"Pinatay mo?! Anak mo iyon! Anong klase kang ina Nella! Wala kang puso! Hindi ka ba naaawa sa anak mo?!" sigaw ko sa kanya. This time ay sobra na ang pagkagalit ko sa kanya.
"The baby is already useless Bella. Tanggap ko naman noon na buntis ako dahil balak kong ipaako kay Vienne ang bata. Akala ko kasi hawak ko si Vienne sa leeg dahil palagi siyang natatakot everytime I blackmailed him na magpapakamatay ako. Pero nagkamali ako! Dahil iyang asawa mo may ginawa palang plano para pabagsakin ako! Nang nasa ibaba ako ay siya namang kasiyahan mo hindi ba?!" sigaw nito sabay tayo at sinampal ako ng pagkalakas lakas.
"Kailanman ay hindi ako naging masaya makita kang naghihirap! Ikaw lang naman ang masaya hindi ba?! Noon pa simula ng mga bata pa tayo!" sigaw ko sa kanya pabalik at sinampal ulit ako.
"Dami mong satsat Bella! Oo nga, tama ka. I am very happy everytime I saw you suffering from pain. Wala kasi akong awa Bella. Kung may awa ako edi sana binuhay ko ang bata sa sinapupunan ko? You know why I killed the baby? Because I hate the person who impregnate me and it's Alessandro. Okay lang sana sa akin na mabuntis ako kung si Vienne ang kilalaning ama kaso lang hindi eh! Kaya wala siyang silbi sa akin, ikasisira lang siya ng figure ko kaya I abort the baby" mahaba nitong paliwanag.
Para akong nawalan ng lakas when I heard the whole story about the baby. How can she do such thing to her own child? Hindi na makatao ang kanyang ginawa!
"Hayop ka?! Wala kang kasingsama! Demonyo ka?!" agad niyang hinawakan ang mukha ko ng napakahigpit kaya napadaing ako sa sakit. Nagkatinginan kaming dalawa sa mata. Puno ng galit ang mukha at mga mata niya. Tumawa siya ng napakalakas na parang nababaliw. Tumayo siya at muling umupo sa upuan at niyuraan niya ang mukha ko.
"Okay Bella, alam mo bang nasa mood ako para nag kwento? Hmmm?" she said at tinadyakan ako sa bandang tiyan. Kaya naman napapulupot ako sa sobrang sakit at agad kong napansin na may biglang tumulo mula sa aking bibig. Dugo?!
"B-bakit k-ka b-ba g-ganito?" nauutal kong tanong dahil sa sobrang sakit na iniinda ko. Dinagdagan niya pa muli ng isa pang sipa bago muling nagsalita.
"Tanga! Kaya ko nga sinabi na magkwe kwento ako dahil gusto kong ipaliwanag sa iyo ang lahat! Kaya makinig ka ha?!" sabi nito sabay tapon sa upos nitong sigarilyo.
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...