ARABELLA'S POV
Tawa lang ako ng tawa sa bawat reaction nya tuwing nakikita nya ang bawat ginagawa ng mga tao sa palengke. Hindi ko naman sya masisisi dahil noong first time ko din ay ganyan na ganyan din ang naging reaction ko hanggang sa nasanay na ako. Laking mayaman kasi kaya ganyan.
"Stains! Ugh!" Reklamo nya ng matalsikan ng putik ang damit nya.
"Pwede ba tumahimik ka nakakahiya sa mga tao dito iyang inasal mo. Imbis tawadan tayo baka patungan pa dahil diyan sa ugali mo" bulong ko sa kanya na may diin.
"You know what, I can buy this whole place in just one call" pagmamayabang nya.
"Pwede ba, huwag ka ng magsayang ng pera para lang diyan. Ang mabuti pa tumahimik ka na lang" saad ko habang pumipili ng sariwang isda.
"Nako inday, anong sa iyo? Gwapo ng kasama ko ah!" Bati ng ginang habang tinitingnan ang asawa ko.
"Ah. Opo, ahm, magkano ho ang isang kilo nitong bangus?" Tanong ko.
"150 pesos sana iyan inday pero dahil mga gwapo at maganda kayo ay 120 nalang may libre pang isang buong isda" sabi nya. Natuwa naman ako sa sinabi ni manang kaya kumuha ako ng 2 kilo.
"Here, bring this" utos ko sa kanya na nakasimangot.
"What?!! I told you na samahan lang kita hindi mo ako utusan" pag-aayaw nya.
"Eh!di huwag! Iiwanan kitang mag-isa dito" pananakot ko sa kanya. Namutla naman sya kaya ayon binitbit kaagad ang supot.
"Move faster para matapos na tayo" he hissed. Tumawa naman ako.
"May gulay pa tapos karneng manok karneng baka, at karneng baka pa tayong bibilhin" saad ko.
"What? Bakit sobrang dami?!" Tanong nya.
"Okay, pwede naman paisa isa lang basta araw araw tayo pupunta dito" sabi ko habang naglalakad papuntang karnehan.
"Tsk. If you will just allow me to buy this place sana wala ng problema" bulong nya sa sarili nya.
Napapansin kong hindi na nagrereklamo si Vienne tungkol sa mga stains, ewww, gross, at kung ano ano pa. Mukhang enjoy na enjoy sya sa panonood kung paano hiwain ang mga naglalakihang karne dahil kanina pa sya nakatutok doon. Umiling nalang ako at nagsimula ng mamili.
"Ate, isang kilo po nitong buong karneng manok nyo. Isang kilo din po ng karneng baka, at isang kilo ng karneng baboy iyong paa po ha" saad ko. Kagaya noong una naming binilhan ay pinatawad din kami dito.
Bumaling ako sa kasama ko at patuloy pa din pala syang nanood ng ika mo'y palabas na wrong turn dahil sa mga hiniwa.
"Hey! You okay" tanong ko. He face me and give me his sweetest smile before nodded.
"Yup, more than okay. So are you done? Let's go to the next location, I already ask someone here in the market and they give me the direction kung saan makikita ang bilihanan ng mga preskong gulay" masaya nyang balita sa akin na nagpataas ng kilay ko.
Hinila ako ni Vienne at nagpahila naman ako. Nang makarating kami, ay sya na mismo ang pumili sa mga gulay na kakailanganin namin. Hmmm. Infairness, magaling syang pumili dahil masasabi ko talagang preskong preskong ang mga gulay na napili nya.
Natuwa naman ako dahil natuto na syang tumawad sa presyo, at hindi naman sya binigo ng tindero o tindera dahil tinawadan naman sya.
Marami kaming nabili sa palengke at magtatanghali na bago kami natapos. I asked Vienne na huminto muna kami sa isang maliit na karinderya.
"What is this place?" He asked me ng makababa kami.
"Basahin mo nga, hindi ba nakalagay dyan na Aling Pasing's Karinderya" sarkastiko kong saad. Bago naglakad papasok.
Umupo ako sa isang bakanteng upuan ma kasya dalawang tao. Sumunod naman si Vienne, marami rami na din ang tao dahil tanghali na. Karamihan mga studyante.
"Ano pong sa inyo magandang ate at gwapong kuya?" Tanong ng isang binatang bakla.
"Ah. 4 na kanin, 2 adobong talong, 2 softdrinks iyong malamig na malamig, at isang ginataang monggo" sagot ko.
Lumipas ang ilang minuto ay nakahanda na ang mga order namin. Agad kong nilantakan ang pagkain dahil sa sobrang gutom ko pero si Vienne ay hindi ginalaw ang pagkain nya.
"Bakit hindi mo ginalaw ang pagkain mo?"tanong ko habang ngumunguya.
"Are you sure this is safe?" Tanong nya sa akin. Tumango naman ako bilang sagot.
"Oo naman, mas safe dito kaysa sa mga mamahaling restaurant. Kita mo maraming kumain dito dahil safe unlike sa restaurant na kakaunti lang dahil hindi safe"pagbibiro ko sa kanya na sinabayan ko ng tawa. "Kain na" saad ko.
Tumango naman si Vienne bago nagsimulang kumain. Isang subo palang ay alam kong ginanahan na sya. Dahil tuloy tuloy na ang pagsubo nya. He order another bowl of rice. Nauna na akong matapos kumain bago sya.
"Wow! I'm so damn full!" Saad nya bago nag belch.
"Ano ba. Nakakahiya o!" Saad ko.
"Oppps, sorry. Call the waiter, ako na ang magbayad" he volunteered.
"Walang waiter dito hoy!" sabi ko.
Agad kong tinawag ang binatang bakla na nagserve sa amin.
"Magkano lahat sa amin?" Tanong ko
"110 pesos lang po ma'am" sagot nya.
"What?!!!!! Are you sure? Count it again, you maybe mistaken" Vienne interrupted.
"Naku hindi po mamang pogi, sanay na po ako dito at kabisado ko na po ang mga presyo ng inorder nyo" sagot naman ng bakla na may malanding tono.
"Here, keep the change" sagot ko habang inabutan ng 200 pesos.
I pulled Vienne palabas ng karinderya. Nakakahiya talaga tong hinayupak na ito kahit na kailan!
I removed my seatbelt nang makarating kami sa bahay, nauna na akong maglakad papasok when I saw a bouquet of flowers sa labas ng main door. Nagpalinga linga muna ako baka may tao pero I see no one kaya kinuha ko na ito.
"What is that?" Tanong ni Vienne sa likuran ko.
"I don't know, nakita ko lang naman ito dito" sagot ko.
"Is there a card? Look for it at alamin mo kung kanino galing" he said.
"May card" tipid kong sagot bago ko binuksan.
Mi Amore, I miss you.
We'll having a good time on our own
Can't waitMatapos kung basahin ang card ay nagkibit balikat na lamang ako. Halos araw araw na akong nakakatanggap ng mga bulaklak from unknown person na hindi ko naman kilala kung sino.
I just sighed at nang lumingon ako ay nakita ko si Vienne na sobrang dilim ng anyo at matalim na nakatitig sa bulaklak na hawak ko.
"Throw that thing bago ka pumasok sa bahay" sabi nya sa akin bago sya pumasok sa loob ng bahay bitbit ang mga pinamili namin.
Napailing nalang ako, lumabas muna ako ng gate bago ko iniwan sa basurahan ang bulaklak. Tinatapon ko naman ang mga bulaklak na natatanggap ko dahil wala naman akong alam kong kanino ito nanggaling baka ninakaw ito sa patay pero hindi eh! mukhang bago ang bulaklak at maayos ang pagkakaayos nito.
To Be Continued . . . . .
BINABASA MO ANG
Marrying My Sister's Fiancee
Romance"Who are you?" I was stunned by his question. I look at him with fear and sadness. I don't know what to do, I was caught by him. I tried to hide my weakness inside the blanket with my body naked. Pilit kong pinatatag ang loob ko. "What do you mean?"...