Chap. 3
One week ang nakalipas mula nung magbirthday ako. Nawalan ako ng gana magbar, upang maiwasan na din si Zac. May asawa na siya hindi man sila okay sa ngayon sa hindi ko alam na dahilan maaaring magkaayos din sila at ayaw kong maging panggulo dahil lang siya ang nakauna sa akin. Si Yka umuwi sa parents niya for some event, kaya di ko pa din nakukwento ang nangyari sa'min ni Zac.
At pag-uwi ko ng gabing yon, este umaga na pala. Panay ang sermon ng mama ko na namuti na raw mata niya kakahintay sa'kin. Pati mga kapatid ko napuyat at nadadamay daw sa mga pinaggagawa ko. Kailan ba daw ako titino. Seriously, sinagot ko na.
"Pwede ba ma, I don't even tell you na ipaghanda ako. Tawag kayo ng tawag nakakarindi alam niyo ba yon. Alam niyong-" At nasampal ako ng hindi pa natatapos ang sasabihin ko. Sabay walk out. Wala naman na akong pakialam dahil manhid na ako sa sakit, sa katawan at sa puso. Sila naman ang may kagagawan nito sa'kin. Sila ni dad.
"Lalayne, bumalik ka dito hindi pa tayo tapos mag-usap!" Bulyaw ni mama.
"Tapos na ma, nasampal niyo na ako ano pang gusto niyo? Yong kabila pa, sa susunod na lang yon at marami pang magiging pagkakamali." Sagot ko ng nakatalikod.
"San ka natulog kagabi ha. My god Lala kababae mong tao, ano bang nangyayari sayo? You're only 18, in fact kaka 18 mo pa lang?" Mangiyak ngiyak na sermon ni mama.
Hindi ko na sana balak pang patulan ang tinuran ni mama. Marahil gusto ko ding ipakita ang mali niya nila ni dad, na mukhang hindi naman nila pansin.
"Pwede ba ma? Don't mind me, yung sa inyo na lang ni dad ang ayusin niyo, kayo ang may problema." Sagot ko muli at tuluyan na akong umakyat at pumasok sa kwarto ko, may sinasabi pa si mama pero hindi ko na naintindihan or should I say hindi ko na inintindi pa.
After two weeks nakabalik na din ulit si Yka. Kami naman sa bahay ganon pa din. Alam kong umalis na ng tuluyan si dad pero si mama sobrang nagpapakatanga pa din at kung saan-saan parang stalker na sinusundan si dad. Hay grabe lang. Saka hindi ko na talaga ma-take sa bahay. Umuwi si dad isang gabi, si mama naman parang hilong talilong kung asikasuhin si dad, parang wala lang naman kay dad. Yun naman pala gusto lang pag usapan ang annulment nila. Todo iyak na naman si mama at walang humpay na away na naman. Nakakasawa.
Sa condo ni Yka, ako nag sleep-over. At hindi ko maikwento sa kanya ang nangyari. Nagsinungaling ako, sinabi kong bumalik ako sa bar. Don ako nagpahatid kay Zac. Speaking of Zac, kamusta naman kaya ang lalaking yon? Ang swerte niya ha, siya ang nakauna sa'kin. I wonder is he even know that? I really don't care anymore, wala naman akong balak panagutin siya sa nangyari dahil kusa ko namang ibinigay 'yon.
Pagkatapos medyo nabored kami kaya nagdesisyon kaming lumabas.
Nandito kami sa Sweetiest Café.
"Gosh, Lala. Ang kulit ni mommy, nirireto ba naman ako sa dentist niya. Eww! lang, ang bata ko tapos sa matanda ako ipagtutulakan." Aniya.
Hindi ko siya pinansin kahit narinig ko ang sinabi niya. Malalim pa din ang iniisip ko.
"Hey, best. Ano? Naririnig mo ba ako? Kanina ka pa tulala eh." Puna niya.
"Ha? A, oo naman. Medyo, tinatamad lang ako." Sagot ko.
"So ano na nga?" Tanong niya.
" Anong ano na nga?" Kunot noong tanong ko naman.
" Hay, akala ko ba narinig mo ko, uminom ka na nga muna niyang coffee mo ng magising ka." Aniya.
"Narinig ko naman, ito talaga. Okay, ito sa'kin lang best ha. Hindi porke't dentist ng mommy mo matanda na agad. Malay mo mga nasa 20's lang. Meron namang ganon ah." Sagot ko sa tanong niya bago uminom ng kape.

BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomanceHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...