Chapter 5

198 2 0
                                    

Chap. 5

After a week. Hindi ako mapakali, gusto kong tawagan si Jan. Nafrufrustrate na ako.Payag ako kahit pangalawa lang. Handa akong mamalimos ng kahit konting oras lang. Wag lang siyang tuluyang mawala. Pero tuwing balak ko siyang kausapin, hindi niya ako pinagbibigyan kaya sa pagkadespirada ko naisipan kong gawin ang isang bagay.

"Lala, what are you doing here?" Mahina ngunit madiing tanong ni Jan.

"May sasabihin ako, importante. Please lets talk." Pagmamakaawa ko.

"We're done Lala. Wala na tayong pag-uusapan. Umalis ka-"

"I'm pregnant. Here's the proof." Sabay abot ng pregnancy test sa kanya pero tinitigan niya lang 'yon.

"No you're not!" Malamig na tugon niya ni hindi man lang tinignan ang pinakita kong PT.

"You don't believed me, pwede akong magtest ulit, ngayon na mismo."

"Hindi pwede Lala. May girlfriend ako at mahal na mahal ko siya. Ayoko siyang saktan."

"At pano ako ha, ganon na lang 'yon. Baliwala na pagkatapos mong ikama ha." Umiiyak na ako.

"Alam mong sa umpisa pa lang wala ng tayo Lala. So you better make it sure na hindi ka mabubuntis dahil alam-"

"Sinong buntis?" Parehas kaming natigilan sa dumating.

" Lala you're here? And are you crying? May problema ba Jan?" Walang kaalam alam na tanong ni Moira.

"Ah, si Lala. She's pregnant. And she asked for my advice kung anong dapat niyang gawin." Pagsisinungaling ni Jan na halatang namumutla na.

Umiling lang ako. Loko 'tong si Jan, nagawa pang makalusot kay Moira.

"Oh, my god! Nasaan ng ama niyan. Nako, he better take responsibilities dahil sa ginawa niya sa'yo. Don't worry, okay. We're friends now I will help you."

Lumapit pa siya sa'kin at hinimas ang likod upang tumahan ako sa pag-iyak. Napakabuti ba talaga ni Moira? Napataas at napakatibay ng tiwalang binibigay niya kay Jan kahit sobrang niloloko siya nito. Nakakatawa kasi ang mga lalaki, laging dahilan tao lang kami lapitin ng tukso. Kung totoong mahal niya si Moira kahit anong lapit ko o sinumang babae ay iiwasan niya. Pero natukso siya sa'kin may parte din siya sa kasalanang ito, pero palaging ako lang ang nasisisi at napag-iiwanan.

"Jan, patuluyin muna natin si Lala para makainom ng tubig." Tuluyan na akong inalalayan ni Moira papasok nakatingin si Jan sa'kin na halata ang galit sa mukha. Nagi-guilty naman ako sa kabaitan ni Moira sa'kin pero talaga yatang I'm a heartless woman at kayang kung gawin ang lahat makuha ko lang ang gusto kahit na nga makasakit ako ng iba.

"Lala, you want to talk about it? Pano kami makakatulong?" Moira asked.

Tinignan ko siya at tumingin din kay Jan pinanliitan ako ng mata ni Jan na waring nagsasabi wag kong subukang magsalita kay Moira. Pero sorry, kaya ako nandito plano ko 'to. Kailangan ko si Jan.

"Tanungin mo na lang si Jan." Sagot ko.

"Si Jan?" Kunot noong pagtataka ni Moira at tumingin kay Jan.

Namumutla si Jan na tumingin kay Moira. At tumingin din sa'kin pero kung ang kay Moira ay puno ng pagmamahal at paghingi ng tawad sa akin ay puno ng galit ang mga mata niya.

"Babe?" Tawag ni Moira sa kanya.

Lumapit si Jan sa kanya at hinawakan ang braso ni Moira. Hindi pa din ito nakakahalata.

"Babe, ihahatid ko na muna si Lala. Mukhang kailangan na niyang magpahinga. Dito ka na muna sa bahay." Hinalikan niya ito sa noo at pumasok sa kwarto kukuhanin marahil ang susi.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon