Chap.25
*Zac Allen
Nasaktan ako sa sinabi niya. She's still don't believed me afterall the talks we had in Boracay a few weeks ago. I thought we're friends now, I take that as a good start sa balak kong panliligaw. And I took all the courage I have to ask permission from her mom, at nakahinga ako ng maluwag ng pumayag ito. Masaya na ako sa resulta kaso ang mismong babae na gusto kong ligawan at mahalin ay ayaw sa ideyang 'yon. Kaya umuwi akong bigo.
"What bring you here ba, insan?" Tanong ni Iñigo ng madatnan ako sa isang exclusive bar at halos dalawang oras ng umiinom.
Tinawagan ko kasi siya kanina at niyayang uminom pero hindi siya pwede dahil may date sila ni Yka. Buti pa ang pinsan ko masaya ang love life. Ako from miserable relationship at ngayong hindi pa halos nag-uumpisa sa panibago ay mukhang talunan na naman.
"I just want to drink, be drunk and forget." Halos paos na ang boses ko.
"Tama na nga 'yan. Last time na uminom ka ng ganyan ay ng dahil sa babae." Sabi ni Iñigo at may sinenyas sa bar tender. Lumapit ito sa harap namin at kinuha ang iniinom ko.
Umiling ako na hindi din makapaniwala sa nangyari sa'kin, nang lumapit ang bartender. "Hey, don't be rude I'm not yet done, give that fucking-." Bulyaw ko sa bartender na pinigil ni Iñigo.
"Zac, napaparami ka na. Let's talk outside, we'd better go na. Naghihintay si Yka sa kotse." Mahinahong yaya ni Iñigo na tinapik pa ang balikat ko. "It's okay, kunin mo na yan." Baling naman niya sa bartender.
Sumama na din ako kay Iñigo at lumabas kami sa bar at nagtungo kung saan nakapark ang kotse ng pinsan ko. I'm not yet drunk alam ko 'yon, naiintindihan ko pa nga ng malinaw ang mga sinasabi ni Iñigo sa'kin. Just a little bit dizzy, kahit sino naman makakaramdam ng ganito pag nakainom ng alak.
"Hi Yka, good evening. Pasensiya na naabala ko ang date niyo nitong pinsan ko." Bati ko kay Yka na nakangisi.
"It's okay, pauwi na din naman kami." Ganting ngiti ni Yka.
Pagkatapos sumakay ako sa backseat. Tamad kong inilapat ang aking likod. Inihilig ko ang aking ulo at ipinikit ng madiin ang aking mata.
"Ano bang nangyari sa pinsan mo?" Dinig ko ang pagtatanong ni Yka kay Iñigo, kahit na nga mahina lang 'yon.
"I really don't know? He called me early in the morning, dadalawin daw ang bestfriend mo." Rinig kong sagot ng pinsan ko.
"Si Lala? What happened kaya? We'd texted each other but he never mention anything 'bout Zac. Hindi nga nabanggit na dinalaw siya nito, kanina." Si Yka naman.
Nakaramdam ako ng inis. Hindi niya nabanggit kay Yka na bestfriend niya ang nangyari. Balewala lang sa kanya, samantalang I feel like hell sa pananaboy at sa hindi niya paniniwala sa'kin sa isip ko.
Hinayaan ko lang mag-usap ang pinsan ko at si Yka. Akala nila nakatulog na ako ng dahil sa kalasingan, pero malinaw kong naririnig ang pinag-uusapan nila. Narinig ko pang gustong patawagan ni Iñigo si Lala kay Yka, pero sinabing nitong ipagpabukas na lang at baka tulog na si Lala. Gusto ko din siyang kausapin, hindi ko alam kung bakit ako nagkakaganito ng dahil sa kanya. Eventually nakatulog din ako sa halos kalahating oras na biyahe namin.
Inihatid nila ako hanggang sa bahay. Ginising ako ni Iñigo ng makarating na kami. Maaga pa kung tutuusin, alas diyes pa lang ng gabi. Aalalayan sana niya ako pero sinabi kong ayos lang ako. Nakapagpahinga din naman ako kahit papaano, medyo masakit lang talaga ang ulo ko. Ililigo ko lang 'to at mawawala na din ang hilo ko.
"I just take a bath Insan, ikaw na munang bahala dyan. Feel at home Yka." Paalam ko sa kanila na nakangiti.
Habang naliligo ako bumalik sa isip ko ang mga sinabi ni Lala sa'kin. ("Kung bumabawi ka na naman dahil sa nangyari sa'tin noon, wag na. How many times do I have to tell you to forget about everything. So hindi mo na kailangang gawin 'to. I don't need this. Ibigay mo na lang sa iba ang mga 'yan.") Napapailing ako sa sarili, maybe I need to stop this. Kung ayaw niya akong paniwalaang gusto ko talaga siya, it was the cue na dapat na akong huminto.

BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomantikaHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...