Chap. 6
Out of town si Moira para sa family business daw nila. At syempre sinamantala ko ang pagkakataon.
I went to Jan's Condo, tutal may susi naman ako nito, hindi ko pa 'yon binabalik sa kanya. I want to surprise him. Nagluto ako, maaaring gutom siya pag-uwi dahil sa haba ng byahe. Lumalalim na ang gabi'y wala pa si Jan. Marahil masyadong malayo ang pinaghatiran niya kay Moira o maaaring natrapik siya.
Nagpasya na lang muna akong ilagay sa ref ang niluto kong adobo, madali na lang naman ang pag-init nun mamaya sa oven. Pagkatapos nagpunta ako sa sala at nanood ng tv. Nakatapos na ako ng isang palabas, alas onse na'y wala pa din siya. Naghanap pa ako ng iba pang palabas marahil parating na 'yon, nakakaramdam na din ako ng antok. Nagising ako ng ingay galing sa kwarto, at napangiti ako sa isiping dumating na siya. Tinignan ko ang aking relo ala tres na pala. Hindi ko namalayan na nakatulog ako sa kakahintay.
Umupo ako at inayos ang sarili saktong labas ni Jan ng kwarto.
"I miss you!" Agad kong bati sa kanya at sinalubong siya ng yakap. "Bakit hindi mo ginising, kanina ka pa ba dumating?" Tanong ko.
Nabigla siya sa ginawa ko, pero agad din nakabawi.
"Lala ano bang ginagawa mo dito?" Tanong niya ng walang gana at inalis niya ako sa pagkakayakap sa kanya. At dumeretso sa kusina niya.
"Hindi mo ba ako namiss ha Jan?" Tanong kong nakasunod sa kanya.
Imbes na sumagot ay tinignan niya lang ako at bumaling sa ref.
"Nagluto ako ng adobo, gusto mo 'yon di ba? Akin na't iinitin ko muna sa oven bago mo kainin.
"I'm not hungry Lala." Aniya na kumuha lang ng isang beer in can.
"Okay, sayang lang kasi masarap pa naman ang pagkakaluto ko. Pwede mo ring ipulutan habang umiinom." Pangungulit ko, sabay lapit at kinuha ang beer na hawak niya.
"Akin na lang 'to ha."
Napailing siya sa ginawa ko, at kumuha na lang ulit ng isa. Hinayaan na lang din ako ni Jan. Tahimik lang kaming uminom pumunta siya sa may sala at nanood ng tv. Sumunod din ako. Pagkaupo ko sa tabi niya'y saka lang niya ako kinausap.
"Magpapakasal na kami ni Moira." Aniya at tinignan ako na waring sinusuri ang aking magiging reaksyon sa sinabi niya.
Napatingin ako sa kanya at tinungga ng deretso ang beer.
"Bakit mo sinasabi sa'kin yan? Nagpapaalam ka ba or what?" Halata sa boses ko ang pagkaasar.
"Look Lala, ipinapaalam ko sayo na magpapakasal na kami. Very soon 'cause I want you to stop this shit. Tama na Lala. I love Moira, you know that." Iretado na rin ang boses ni Jan.
"Well, hindi pa naman kayo kasal di ba. So ayos lang na magpatuloy lang ako!" Matapang na sagot ko.
"You're impossible Lala. So dapat pala madaliin ko na ang kasal namin. Maaaring bukas na." He said sarcastically.
I got pissed off. Grabe siya hindi man lang niya bigyang halaga ang feelings ko. Kahit konte.
"How about me? After all what we done when Moira is out of the picture, wala lang. Itatapon mo na lang ako, ganon ba?"Bulyaw ko at tuluyan na akong napaiyak.
Hindi naman ako ganito, hindi ako nagmamakaawa at pinagsisiksikan ang sarili sa lalaki. Ako ang hinahabol, ako ang nangloloko. Pero ngayon nag-iba ng dahil kay Jan. Isn't it my karma? For all I have done. Mahal ko ba talaga si Jan o sa kanya ko lang nakita at naramdaman na may mag-aalaga sa'kin, pero eventually iiwan din ako.
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomanceHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...