Chapter19

142 4 1
                                        

Chap.19

*Lala

Hindi pa masyadong crowded dito sa pinuntahan namin. Pero marami-rami na ding mga turistang kagaya namin ang nagsasayaw sa gitna ng dance floor sa saliw ng nakakaindak na musika.

Pinagmasdan ko ang paligid, maganda dito. It wasn't my first time sa mga bar. Pinagsawaan ko na 'to nung kabataan ko. Well I'm not that too old mag-tu-twenty one pa lang naman ako ngayong taon.

Dumako kami sa table na akala ko si Iñigo ang pumili. Pero nauna na pala sa'min doon si Zac. Naghigh-five pa silang dalawa.

Ako ang unang mauupo, dahil don makakatabi ko 'tong si Zac. O, well ano bang problema kung tatabi ako sa kanya. Kinalma ko ang aking sarili at napagpasyahan maupo na. Ang set up si Zac, ako, si Yka at Iñigo.

Zac stare at me while I'm sitting beside him. I don't want to be assuming kahit dim ang light doon, ramdam ko ang paninitig niyang tumatagos sa'kin. Nabigla ba siya sa pagtabi ko sa kanya. Ano bang big deal don. Bahala nga siya.

"Gusto ko 'yong pinapatugtog. Let's dance hon." Yaya ni Yka kay Iñigo.

"Tara. Kayo? Maiwan lang kayo dito?" Tanong ni Iñigo sa'ming dalawa ni Zac.

Sumenyas si Zac habang hawak ang isang bote ng branded na alak at kampanteng nakasandal ang likod sa sofa.

Oh, great! So maiiwan ako kasama ang Zac na 'to. Just really great. Pero alangan namang sumama ako sa mag-nobyong ito. Istorbo lang ako sa sweetness nila. Palagi na lang akong third wheel sa dalawa, alam kong wala kaso sa kanila pero syempre ako na 'to.

Tumango ako at ngumiti bilang tugon. Nahalata yata ni Yka na medyo hindi ako kampanteng kasama si Zac.

"Best, are you sure okay ka lang dito ha? Sayaw lang kami."

"Yeah, yeah! I'll be fine. Go, just enjoy the night. Hindi naman siguro nangangagat 'tong si Zac." Biro ko pa sa dalawa.

"Pa'no mo nasigurong hindi ako nangangagat?" Narinig pala ng loko ang sinabi ko.

"Whatever!" Sabay irap ko sa kawalan.

"You're really cute." Dugtong pa niyang, isnimidan ko na lang.

Nagbeso muna kami ni Yka bago sila pumuntang dance floor. Tinapik naman ni Iñigo si Zac. Isang nakakabinging katahimikan ang namayani sa'ming dalawa ng maiwan kami sa'ming table. Pinanood ko na lang mga galaw ng naroroon.

Nakakatawa kaming dalawa, totally strangers to each other. Bakit ba ganito ang nararamdaman ko towards him. Yes, maybe because of the past. But it was ages ago. Matagal ng nangyari at wala na 'yon sa'kin. Mas may malala pa ngang pangyayari sa buhay ko bukod doon. No, don't get me wrong mahalaga din sa'kin ang pagkabirhen ko. In fact kahit na nga kilala akong player o bitch ng iba napanatili kong maging birhen ng mahabang panahon until that night happened.

"Hey, baka matunaw ako niyan." He snap in front of me. This is not good napapatitig pala ako ng matagal sa kanya dahil sa mga iniisip ko.

"What, no, I mean. What makes you think na tinititigan kita?" Pagtataray ko, syempre ayaw kong ipahalata sa kanyang bigla na lang akong nawawala sa sarili't napapatitig sa kanya.

"So, sinong tinitignan mo?" Tumingin siya sa likod niya. "Oh, I see itong pader." Sakastikong sabi niya habang nakangisi.

"Yeah, hindi ba pupwede? Naisip ko kasi maganda ang kulay." Sige Lala, galingan mo pang pagdi-deny sa lalaking nasa harap mo.

"Really, ha!" He smirk on me.

"Yeah, right." Umikot ang mata ko pagkasabi 'non. He really like to annoy me.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon