Chapter 7

157 3 0
                                        

Chap. 7

Sobra ang iniyak ko sa nangyari sa amin ni Jan. Hindi ako umuwi ng bahay, panay nga ang tawag ni mama sa'kin. Ayoko namang isali ang mga kapatid ko dito dahil bata pa sila upang problemahin pa ko. Mas pinili kong tumuloy kay Yka dahil alam ko siya lang ang nakakaunawa sa'kin. Hindi man siya sang-ayon sa'min ni Jan sa umpisa pa lang at palagi niya akong sinasabihan nananatili lang siyang umiintindi sa'kin.

Three weeks na ko dito kanila Yka. Three weeks na ding wala akong balita kay Jan at Moira. At 1 week na lang magpapasukan na ulit ngunit hindi pa ako nagpapaenrol kaya naisipan ko munang umuwi.

"Are you sure na okay ka na best?" Tanong ni Yka habang nag-aayos ako ng gamit ko.

"I'm fine. You know eventually magiging okay din ako." Nakangiting sagot ko.

"Okay then, maiba ako kailan ka mag-eenrol? Gusto ko sanang sabay tayo eh. Para same sched pa din tayo kaso lam mo naman si mommy." Aniya.

"Okay lang best, ano ka ba. Baka ilayo ka ni tita sa'kin pag naging matigas na din yang ulo mo. Tama ng ako na lang ang prudigal daughter dito." Sabay tawa ko. "Monday na ngayon maybe thursday na lang ako magpapaenrol, medyo tinatamad pa kasi ako eh." Dugtong ko pa.

"Naku, best bawal yang tinatamad tamad ha. Don't worry samahan na lang kita. Tapos shopping tayo after." Halata ang excitement kay Yka.

"Okay. Tapos na ako, uwi na muna ako at naghihintay na ang tenga ko sa mga sermon ni mama." Pabirong sabi ko.

"Ikaw talaga best, concern lang sa'yo si tita (ang mama ko). You know moms, they're just annoying sometimes but they just care for us." Aniya.

"Yeah, maybe."

Napailing na lang si Yka sa sagot ko.

"Ate, you're home. Kamusta?" Salubong ni Lindzey sa'kin na siya ang madatnan ko sa may sala.

"Ikaw lang nandito?" Tanong ko pagkatapos ko siyang ngitian.

"Yes, ate. Nasa supermarket sila mama at Arth. Galing naman akong school may org meeting kami pero sabay kaming umalis kanina, siguro pauwi na rin sila mama."

"Okay, sige punta muna ako sa kwarto."

"Okay." Bago pa man ako tuluyang makaakyat. "Ay, ate nga pala, sabi ni mama kung sakaling umuwi ka daw anytime ng bahay at madatnan kita o sino man na wala siya itanong ko daw kailan ka mag-eenrol for 2nd sem? Last week na kasi ng enrolment now di ba?" Ang haba ng sinabi niya.Minsan naiisip ko mas matured pa sa'kin 'tong si Lindzey.

"By Thursday or Friday? Para hindi na masyadong madaming enrolees."Sagot ko.

"Okay, I will tell mama." Aniya.

Tumango ako bilang tugon at tuluyan ng umakyat sa kwarto ko.

After one hour bumaba ulit ako. Lunch na din kasi at kakauwi ko lang, ayoko namang magpaimportante at tatawagin pa para sa lunch.

"Ate, sakto ang baba mo, tatawagin na sana kita." Si Arth.

Mukhang dumating sila ni mama ng nasa kwarto ako. Nakatingin lang si mama sa'kin ngunit tahimik. Nakakapanibago, usually binubungangaan niya agad ako kahit nasa harap pa kami ng pagkain.

Nakita ko ang handa sa lamesa. May pritong dalagang bukid na may kapares na kamatis, nanakam ako doon. Ngunit sa pagkakita ko sa dinuguan agad bumaligtad ang sikmura ko na waring masusuka, napansin kong nanliit ang tingin sa'kin ni mama. Bago pa man ako masuka ng tuluyan nag-excused na ako at tumakbo sa cr upang doon sumuka.

Sumakit ang ulo at sikmura ko sa pagsuka malamang ganon talaga ang mararadaman ko dahil mahirap magsuka ng wala pa namang laman ang tiyan. Hindi ko din maintindihan kung bakit ako nagsuka na lang bigla. Malamang sinusikmura lang dahil kanina pa ako gutom at hindi naman ako kumain ng kahit ano.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon