Chap.26
*Lala
Pinag-isipan kong mabuti ang mga sinabi ni mama sa'kin ng gabing 'yon. At sa tingin ko my mom was right.
Hinintay ko munang makatulog si Zian bago pumunta sa kwarto ko. Pero hindi naman agad ako dalawin ng antok kaya naisipan kong i-text si Yka. Hindi ko nga pala siya nareplayan kanina.
"Hi best, still up?" Text ko kay Yka.
Ilang segundo lang agad ding tumunog ang phone ko. "Yeah, best. How's your interview? Nag text ako sa'yo kanina hindi ka nagreply, so I guessed you're busy." She reply. I am wondering if she really doesn't have any idea sa nangyari sa'kin kanina, sa interview ko sa company napag-aari pala nila Zac.
"Actually hindi natuloy. Pero may nangyari." Reply ko kay Yka. Agad nagring ang phone ko. Yka's calling. At umayos ako sa pagkakahiga sa kama.
"Hello best, anong nangyari, hindi natuloy? Bakit?" Sunud-sunod na tanong ni Yka.
"Wala ka talagang alam, best? I mean si Iñigo wala bang nasabi sa'yo? Hindi pa ba kayo nagkakausap?" Balik na tanong ko imbes na sagutin ang tanong ni Yka. Pero hindi naman ako galit o ano.
"Ha? Magkausap kami kanina, kinumusta ka nga niya sa'kin pero bukod don wala na siyang nabanggit na iba. May problema ba best?" Ramdam ko ang pagtataka at pag-aalala ni Yka.
"I was set up best."
"Set up?"
"Yeah, yung magaling mong boyfriend at si Zac. The job interview was not what we both expected. It was planned by them at kinasabwat pa ni Zac ang ate niya. Nakilala ko si ate Zoe kanina, siya ang supposed to be mag-iinterview sa'kin pero hindi nga kasi totoo so nadulas agad siya and that's it." Paliwanag ko.
"Talaga? Bakit mukhang masaya ka pa? Halata sa boses mo. Saka ate Zoe? Hmmm." Alam kong nakangiti din si Yka sa kabilang linya habang iniintriga ako.
"Gusto kasi ni Zac na magkausap kami."
"And?" Ramdam ko ang excitement sa boses ni Yka.
"And, 'yon he wanted to court me. Tumanggi na ako kaya naisip siguro ang planong 'yon." Napakagat labi pa ako.
"Talaga? Pumayag ka best. Yes magkaka-love life na ang bestfriend ko." Panay ang tukso ni Yka sa'kin.
Madami kaming napagkwentuhan ni Yka. Nasabi ko na nagpaalam na talaga si Zac sa mama ko 'yon nga yung araw na hindi ko siya pinaniwalaan. Naikwento naman ni Yka na sinundo nila ni Iñigo sa bar si Zac that night na lasing at mukhang may problema. Nakonsensiya naman tuloy ako dahil talaga pa lang dinamdam ni Zac ang nangyari.
Isang oras din kaming nagkwentuhan ni Yka at saka ko lang binasa ang message sa phone ko. It was Zac.
"I've been trying to call you. I just wanted to say good night and hear your voice, before my day ends." First message ni Zac. May kung ano akong naramdaman, kinikilig ba ako? Napakagat labi tuloy ako.
"Good night and take care, see you tomorrow." Second message ni Zac. Magkikita kami bukas? Bakit? Malamang Lala, nanliligaw nga sa'yo di ba. Sagot ko din sa sarili kong tanong.
Should I call him back ba? Tinitigan ko lang ang screen ng phone ko ng ilang minuto, nang balak ko na siyang tawagan nag-ring naman ang phone ko.
"Oh, shit!" Nasabi ko dahil sa gulat. Bago ko sinagot ang tawag ni Zac. "Hello." Hindi agad siya sumagot kaya inulit ko ulit.
"Hello Zac." Tinignan ko pa ang screen ng phone ko kung tumatawag pa siya. Kumunot ang noo ko dahil tumatawag pa din siya, pero hindi naman siya sumasagot sa'kin.
![](https://img.wattpad.com/cover/21427691-288-k939332.jpg)
BINABASA MO ANG
One Heartless Woman
RomanceHello po fellow readers and writers. Dahil sa tagal na hindi ko na-UD 'tong story ko dahil naging busy po talaga ako, ne-revised ko na lang pero may hawig pa din naman 'to don sa una. Pasensiya na sa mga wrong grammar at iba pang errors. And guys th...