Chapter 15

165 3 0
                                    

Chap.15

"Ma, hindi na lang po kaya ako sasama, i'm sure Yka will understand."

Nasa kwarto namin ni Zian si mama. Nag-iimpake ako para sa pagpunta namin nila Yka sa Boracay habang ang anak ko'y nag-i-enjoy sa paglalaro sa may crib niya.

Nagdadalawang-isip pa kasi ako dahil ngayon pa lang ako mahihiwalay kay Zian kahit na nga limang araw lang kami doon.

"Lala, anak. Sumama ka na, minsan lang naman yang magsasaya ka. Wag mong alalahanin si Zian at akong bahala sa apo ko."

Pagkasabi non ay biglang tumunog ang phone ko, tumatawag si Yka.

"Hello, best. Ready ka na? Malapit na kami diyan." Halata ang galak sa boses ni Yka.

"Yeah I'm ready. Kakatapos ko lang mag-impake." Medyo walang ganang sagot ko.

"O, bakit parang di ka naman excited. Ayaw mo bang sumama best? Tagal na din nating di nagagawa 'to." Nahalata pala ni Yka, na parang nag-aalangan pa ako. She really know me.

"No, gusto ko naman din sumama. Pero syempre alam mo naman may Zian na ako. Limang araw din kaming hindi magkakasama."

"Best naintindihan naman kita don. Mamimiss ko din ang inaanak ko, pero grabe ka naman piling mo sa ibang bansa ang punta natin, Bora lang tayo best. At ikaw na ang nagsabi limang araw lang tayo don, mamalayan mo na lang nakabalik na ulit tayo."

"Yeah, i know hindi lang kasi talaga ako sanay." Buntong hininga ko.

"Don't worry okay, I'm sure tita Laura will taking care of our Zian. Saka lagi natin silang tatawagan so don't worry na. Okay." Yka assure me.

"Yeah, alam ko namang hindi pababayaan ni mama si Zian, it just-"

"See, you don't have to worry about. At wala ng it just pa, pinapasabi ni Iñigo baka mas malala ka pa daw pag nanligaw o nag girlfriend na yang si Zian, baka mahirapan ang magkakagusto o magugustuhan niyan." Rinig ko pa ang tawa ni Iñigo sa linya.

"Sira talaga yang boyfie mo, one year old pa lang ang anak ko no, matagal pa yang girlfriend at panliligaw na sinasabi niya." Natawa na din ako.

"I told so, best bye na muna, papasok na kami ng subdivision niyo."

"Okay bye best."

Pagkatapos ng tawag na 'yon, bumaba na din kami ni mama na kalong si Zian, sa may terrace na namin hinintay sina Yka. Nilalaro ko si Zian at may ilang minuto lang bumosina na ang sasakyan ni Iñigo. Pinagbuksan sila ni Yaya Sol.

Magkahawak kamay pa ang dalawa at nakangiting papalapit sa'min.

"Good morning po tita." Bati ni Yka kay mama at humalik sa pisngi ni mama. Ganon din ang ginawa ni Iñigo.

"Good morning din." Bati ni mama.

"Good morning our angel." Bati ni Yka kay Zian at kinalong ito. Si Iñigo nama'y ginulo ang buhok ni Zian.

Ngumiti naman agad ang anak ko sa kanila.

"Pakurot nga sa napakapogi naming baby. How's my inaanak? Aalis kami ngayon ni mommy mo ha, wag mong pahirapan ang lola. Saglit lang kami don." Sabi ni Yka sa anak ko hinalikan ito sa pisngi.

Napangiti naman ako kay Yka, kung kausapin ang anak ko parang sobrang naintindihan na.

"Para namang naintindihan ka na ng bata." Sabi ni Iñigo pareho pala kami ng nasa isip.

"Of course naintindihan na ako ng cute na baby na 'to no. Matalino kaya 'to mana sa ninang, di ba baby?" At kiniliti ng bahagya sa tagiliran si Zian na ikinahagikgik nito.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon