Epilogue 2

240 4 0
                                        

Epilogue 2 -end

*Lala

"Happy New Year anak." Bati ni mama sa'kin pagkababa ko galing sa aking kwarto, galing siyang kusina at mukhang may kinuha lang sa sala. Nakatulugan ko na naman ang pag-iyak kanina. Kailan kaya mauubos ang luha ko, nakakapagod na din kasi talaga.

Happy new year ate." Halos magkasabay na bati ni Lindz na tumutulong kay mama at ni Arth na may katawagan sa cellphone niya.

"Happy new year din guys. Happy new year baby ko." Sabay kalong ko kay Zian na humalik pa sa pisngi ko.

Ilang araw na akong ganito, pero hinahayaan lang ako nila mama. Ang alam lang nila ay nag-away kami ni Zac, yon lang at hindi na sila nagtanong pa. Kahit si Yka ay nalulungkot para sa'kin ngunit hindi niya ako madamayan dahil nasa ibang bansa siya kasama ni Iñigo. Isang araw na sobra ang paghagulgol ko ay kinatok lang ako ni mama at niyakap. Sapat na 'yon sa'kin, ang pakiramdam na mahal nila ako't inuunawa.

"Ate, okay ka lang ba?" Tanong sa'kin ni Lindz. Nilingon kami ni mama sa tanong na yon ni Lindz bago tumuloy na sa kusina para sa paghahanda ng pagkain para sa pagsalubong ng bagong taon. Nakita ko ang pag-aalala sa mukha niya.

Pinilit kong ngumiti kahit papaano, tama na ang pagpapakita ko sa kanilang masama ang loob ko at hindi pa ako ayos dahil alam ko hindi man sila nagtatanong ay nalulungkot din sila para sa'kin.

"Oo naman, I'm okay." Sagot ko ng nakangiti pa din.

Ginusto ko naman 'tong mangyari sa'kin di ba, kung nasasaktan man ako ng sobra-sobra'y kasalanan ko 'yon. Walang pumilit sa'kin, ako lang ang nagdisesyon. Nasaktan lang naman ako sa ginawa ni Zac, sa mga nangyari. Kung magselos siya kay Jan ay sobra pero iniintindi ko, I make a way na hindi siya masaktan, na malaman niyang sa kanya ako. Pero hindi man lang niya naisip ang pagseselos ko kay Bianca? Ang sakit na naramdaman ko na mas una niya pang nilapitan ito bago sa'kin. Na mas tinanong niya ito kung nasaktan at inisip agad na sobra ang ginawa ko. Hindi man lang niya muna ako tinanong kung anong nangyari. Mas nag-alala siya kay Bianca. Pakiramdam ko wala siyang tiwala sa'kin na hindi ko magagawa ang ginawa ko kung hindi ako nasagad. Mababaw ba ako, sobra bang naging  reaksyon ko sa nangyari?

Inisip kong baka nga sobra ako, na hindi din ganon kalaki ang tiwala ko sa kanya, nagduda ako sa naging aksyon niya. Kaya bumalik ako, handa kong unawain siya, handa kong lunukin ang pride ko kahit may pagkamatigas ako. Pero mas masakit pa sa sampal ang makitang kong magkayakap silang dalawa. Ang bigat sa pakiramdam, ang isiping mas kaya pa ding makuha ni Bianca ang loob ni Zac, na pwedeng bumalik ang pagmamahal niya dito. Dahil marahil tama si Bianca, mas mahalaga ang pinagsamahan nilang dalawa ni Zac, mas matagal, mas may pundasyon.

Napabuntong hininga ako sa mga iniisip. Pero hindi mo din naman pinakinggan ang paliwanag niya, sabi ng isang bahagi ng utak ko. Alam ko, pero ni hindi man lang talaga siya nag-effort na suyuin ako gaya ng ginagawa niya dati. Hinayaan niya na lang na lumipas ang bawat araw, nag- pasko na nga't lahat ay hindi man lang niya ako nagawang batiin buti pa si ate Zoe at ang parents niya, siya ano, ni ha, ni ho wala, bagong taon na ngayon a. Dahil sinabi mong lumayo na siya, umayaw ka kaagad. Sabi na naman ng utak ko. Oo nga, pero, ahhh... ewan nababaliw na ako.

"Ate, naririnig mo ba ako?" Tawag pansin sa'kin ni Lindz na nakakunot noo. Ang tagal ko pa lang nag-isip at hindi ko na naintindihan ang mga kwento niya.

"Ha? Ah, may naalala lang ako." Sabi ko na lang at kinagat ang pang-ibabang labi. Ito na naman ang mga luha, hindi pa din maubos-ubos.

Ngumiti si Lindzey sa'kin. "Everything will be okay ate." Makahulugang sabi niya.

"Yeah, I know." Sagot kong walang gana na naman.

"Ah, ma." Tawag ko kay mama, sumunod sa kanya sa may kusina, upang maialis sa isip ang mga agam-agam ko.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon