Chapter 17

164 4 0
                                        

Chap.17

*Lala

Marami namang hotel dito sa boracay pero hindi doon ang tuloy namin.

Ginala ko ang paningin sa tutuluyan naming isang modernong bahay kubo. Bonggalo style at may matatagpuan na tatlong silid na sa tingin ko'y kwarto. Maaliwalas at napakaginhawang tuluyan. May dalawang malaking bintana. Na may mga kurtinang gawa sa sigay, kabibe at kung anu-ano pang maaaring nakukuha sa dagat.

"Hon, natagalan kayo." Inakbayan at hinalikan ni Iñigo si Yka.

"Where's Allen?" Baling niya sa'kin.

"Ewan ko." Tanging sagot ko na nakanguso.

Nagkibit balikat lang si Yka.

"Ito nang meryenda." Galak na sabi ng isang hindi naman katandaang babae. Na mukhang galing sa kusina.

Sa tingin ko nasa naglalaro sa kuarenta'y singko hnggng singkwenta ang edad niya. At namangha na naman ako dahil nakadreads ang mahabang buhok niya. At bagay sa ganda at pagka-tan ng kutis niya. Pati ang kanyang ayos o porma ay pang rasta.

"It's you, iha!" Ng mabaling ang tingin niya sa'kin. Bigla niya akong niyakap at nabigla ako don, kasi ngayon pa lang naman kami nagkita.

Napadako ang tingin ko kay Yka at Iñigo. Nakangisi si Iñigo samantalang nagtataka naman ang tingin ni Yka na mukhang wala ding alam sa nangyayari.

"Hello po tita." Medyo awkward na bati ko at gumanti na din ng yakap.

"Tita Aura, baka matakot naman si Lala sa inyo niyan." Biro ni Iñigo.

"Pasensya ka na, iha. Natuwa lang ako. Ako nga pala si Tita Aura." Sabi niya pagkakalas ng yakap sa'kin.

"Ayos lang po 'yon, tita Aura. Am, kilala niyo po ako." Sagot ko.

"Ah, oo naman madalas kang ikwento ni Zac sa'kin eh." Nakangising kwento ni tita.

"Patay!" Nasapo ni Iñigo ang noo niya.

"Ha, anong patay?" Takang tanong ni Yka na kunot ang noo. Parehas kaming nakatingin sa kanya ni Yka at naghihintay ng sagot.

"Ah, hehe. Wala masyado lang nagiging madaldal 'to si tita." Kunwaring tawa niya na pinagtatakahan ko pa din.

Napatingin ako kay tita Aura hinahanda na ang meryenda sa mesa sa munting sala na naroon. Nagtataka ako kung kilala ako ni tita, ibig bang sabihin matagal na akong nakukuwento ni Zac sa kanya. Paano at bakit? Tanong ng isip ko.

"Teka nasaan nga ba ang pinsan mo Iñigo, hindi ko siya napagpapansin?" Basag ni tita sa pag-iisip ko. At lumilinga-linga pa.

Kibit balikat lang si Iñigo. ng biglang sumulpot si Zac sa pintuan na may kaharutang babae.

"Ehemm! There you are, Zac!" Medyo nilakasan ni Tita Aura ang boses niya na parang may sinesenyas pa kay Zac na dumako ang tingin sa'kin.

May binulong pa siya sa kasamang babae, at nag flying kiss naman ito bago tuluyang umalis. Kung ano man ang sinabi nito sa kakaalis lang na babae na ikinakilig nito'y wala akong pakialam. Nakakunot lang ang noo ko dahil nabubuwisit ako kay Zac kanina pa.

"Tita Aura." Yumakap at humalik pa ito sa pisngi ng tita niya.

"San ka ba galing at pinaghihintay mo si Lala dito." Napanganga ako sa pagsaway ni Tita Aura na parang may relasyon lang kami nitong si Zac.

"Tita, papunta na talaga ako dito. Kaso-"

"Kaso may humarang na naman sayong sexyng babae at hindi mo natanggihan." Putol ni tita sa kanya.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon