Chapter 23

178 3 0
                                    

Chap. 23

*Zac Allen

Maganda ang gising ko kinaumagahan kahit na nga halos dalawang oras lang 'yon. I do my usual routine, at naisip ko ding mag-jogging tutal alas sais pa lang naman.

"Magandang umaga po mang Tasyo." Bati ko sa katiwala namin ng madaanan ko itong inaayos at nagdidilig sa may harden ng bahay.

"Magandang umaga din iho. Mukhang ang saya natin ah." Puna niya sa'kin na nakangiti din.

"Halata po ba?" Napakamot pa ako sa ulo pero malapad pa din ang aking ngiti.

"Naku, kung hindi ako nagkakamali dahil yan sa dalagang inihatid natin kagabi, tama ba ako iho?" Komento niya at napatawa na lang ako.

"You really know me mang Tasyo." Sagot ko.

Kilalang- kilala talaga ako ni mang Tasyo, dahil nasa edad bente palang ito ng manilbihan sa pamilya namin. At hanggang sa ipinanganak kaming magkapatid ay nananatili siya sa pamilya namin. Ngayon ay higit animnapong taon gulang na 'to pero malakas pa din. At siyang nangangalaga't nag-lilinis ng bahay namin lalo na kapag nasa ibang bansa kami. Pag kailangan ko din ng driver siya ang nagmamaneho para sa'kin. May asawa't dalawang anak na lalaki si Mang Tasyo na parehong nasa kolehiyo na, at scholar ng pamilya namin dahil sa pagtanaw ng utang na loob sa kanya, dahil katapatan at kabutihan nito sa'ming pamilya.

"Oo naman, at saka ganyan ka din noong bago pa lang kayo ni ma'am Bian-" Napakamot sa ulo si mang Tasyo bago dinugtungan ang sinasabi. "Naku pasensiya ka na iho dapat ay hindi ko nabanggit ang babaeng 'yon." Hinging pasensiya nito sa'kin sa pag-alala dahil alam din naman niya ang pinagdaanan namin ng ex-wife ko.

"Naku, wala na po 'yon. Matagal naman na pong tapos at okay na po ako ngayon." Sagot kong nakangiti para naman maisip nitong ayos lang talaga ako. At hindi na mag-alala pa.

Ngumiti naman ito sa'kin bilang tugon.

"Nga po pala pakihanda lang po 'yong itim na kotse. May lakad lang po." Bilin ko at nagpaalam na at pa-jogging na umalis doon.

*Lala

"Ma? Yaya Sol?" Tawag ko nang walang madatnang tao sa dining area, sumilip pa ako sa kusina at wala namang bakas na naroon sila.

Naisip kong nasa may terrace ang mga ito kaya't lumabas ako. Sa may sala pa lang ako'y rinig ko na ang tawanan at ingay nila mama. Gayundin ang munting tinig ng anak ko kaya't napangiti ako.

"Good morning everyone." Masayang bati ko sa mga ito ngunit napawi din agad ng mapatingin kay Zac.

"Good morning ate." Halos sabay na bati ni Arth at Lindzey sa'kin at nagpatuloy na ulit sa pagkain.

Hinalikan ko si Zian sa tuktok ng buhok nito at binati din at nakakagigil na ngiti ang sumilay sa mukha ng anak ko. Sa gilid naman ng aking mata'y pasimple kong tinitignan si Zac na pinagmamasdan kaming mag-ina at may nakasila'y na ngiti sa labi. Iniisip ko kung anong ginagawa ng isang 'to dito sa'min sa ganitong kaaga? Imposible namang walang makain, I'm sure mayaman 'to. Baka walang magluto, pero pwede naman sa resto or fast food magbreakfast. Nasa ganon akong pag-iisip ng mapukaw ako sa tawag ni mama.

"Anak ang tagal mong bumaba, nag-umpisa na kami't gutom ng mga kapatid mo at si Zian." Sabi ni mama sa'kin na tinanguan ko.

"Ha, Uhm! Ayos lang po. Ma si Yka po?" Tanong ko kay mama ngunit nakatuon ang pa din ang mata ko kay Zac.

"Ha? Bakit may usapan ba kayong dalawa? Wala pa baka mamaya pa ang punta ni dito, si Zac ang kanina pa naghihintay sa'yo dito." Sagot ni mama habang abala sa pagpapakain kay Zian.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon