Chapter 22

136 3 0
                                    

Chap.22

*Lala

Okay na kami ni Zac, nakatulong ang pag-uusap naming dalawa ng gabing 'yon at nawala ang ilangan namin sa isa't isa. Tinanggap ko ang pakikipagkaibigan niya ang totoo ngayon na lang ulit ako nagkaroon ng ibang kaibigan bukod kay Yka at Iñigo. At kahit papano nagbukas ako ng pinto para sa ibang tao. Hindi pa man ako lubusang nagtitiwala kay Zac at least I know that I'm getting there na.

Naging maganda ang stay ko dito sa Boracay. Na-enjoy ko talaga, sinulit namin ni Yka ang bawat oras, swimming, sunbathing, pamamasyal pati ang paggawa ng sand castle tri-nay namin na parang mga bata lang.

Madalas na din kaming mag-usap ni Zac, I find myself enjoying his company. Madali niya akong napapangiti at kung minsa'y napapatawa pa. May mga pagkakataon na napag-uusapan namin ang anak ko at may mga natatanong siya sa'kin ngunit hindi niya naman ako pinupwersang magkwento pag ayaw ko. Katulad ng sa ama ng anak ko, pag hindi na ako sumagot, siya na agad ang nag-iiba ng topic. Hindi naman sa hindi pa ako nakakamove on, pero ayoko na lang siyang pag-usapan dahil isa 'yon sa hindi magandang nangyari at nagawa ko sa buhay ko noon.

"Yes ma, papunta na po kami ng airport by four po ng hapon ang flight namin. Tulog na din po kayo pagdating ko diyan, love you ma, say my love to Zian bye po."

Kakatapos lang ng tawag ko at tapos na din sa paglalagay ng mga gamit namin sa van sina Zac at Iñigo. Ang driver na ni tita Aura ang maghahatid sa'min dahil kasama na namin si Zac pabalik ng Maynila. Si tita nama'y may importanteng aasikasuhin sa negosyo niya.

"Bye na po tita." Paalam ni Yka.

"Naku, mamimis ko talaga kayo. Kailan kaya ulit ang balik niyo dito? Dito niyo ulit planuhin magbakasyon ha. Anytime welcome kayo." Sabi ni tita na nangingilid na ang mga luha. At yinakap pa kami ni Yka.

"Tita, kung pwede lang na dito na lang kami sa Boracay tumira." Sagot ni Yka. Gumanti din kami ng yakap at para lang kaming mga sira naiiyak na natatawa.

"Mamimis ka din namin tita, for sure babalik ulit kami dito. Thank you po sa lahat ha, super nag-enjoy po talaga kami." Sabi ko naman.

For five days na pag-stay namin dito. Hindi lang kami nag-enjoy sa beach, sa paligid, sa happenings dito at pati na din sa hospitality at pagiging cool ni tita Aura at mamimis ko talaga siya, yung hilig niya kaming pakainin na piling ko nadagdagan ang tingbang ko, mamimis ko 'yon lahat.

"Kayong dalawa, hmmm! Hindi niyo ba ako yayakapin ha? Matatagalan na naman kayong magpakita sa'kin." Sabi niya sa magpinsang parehong nakangiti at agad na lumapit.

"We will miss you tita, that's for sure." Sabi ni Zac na unang yumakap.

"Hmmm, dapat may asawa ka na pagbalik mo dito. You're not getting any younger, dapat may kapalit na 'yang ex-wife mo."

"Nagsisimula na nga tita." Sagot ni Zac na nakatingin sa'kin. I don't want to be assuming pero may laman lang ang sinabi niyang 'yon. Kaya't agad na akong nag-iwas at ibinaling ang tingin sa iba.

I don't know kung nagpapahiwatig ba si Zac o ano, pero sa ngayon hindi ko alam kung handa na ba ako sa mas malalim na pakikipagrelasyon, ang kaya ko lang munang ibigay ay pakikipagkaibigan. Hindi ko din namang sinasabing ayoko na magka-boyfriend dahil sa nangyari in my past, in time maybe, pag okay na okay na ako at pag handa na ako.

"You wish, mahihirapan yan." Biro naman ni Iñigo at tinapik ang balikat ni Zac at siya namang yumakap kay tita Aura.

"Hmmm, puro kayo kalokohang magpinsan. Ikaw naman ha, don't make Yka cry. Sana ikasal na din kayo." Sabi ni tita kay Iñigo na napakamot sa ulo.

One Heartless WomanTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon